CHAPTER 12

6 0 0
                                    

PUERTO GALERA.


MILLICENT POV.
After naming magpunta ng mga beaches nagdecide naman kami magmountain climbing. Kaya pumunta kami sa Taal Volcano, Mt. Maculot, Mt. Batulao, Mountain of Salvation, Mt. Manabu, Mt. Talamitam, Mt. Gulugod Baboy. It's scary because it's very dangerous but I still feel safe and secure because Nicholas Adams was there for me. He always holding my hands when he knows that I afraid with something. He always giving me a strength to be strong.

"Hey Lucas!" Masiglang bati ko nung isang umaga tinawagan nya ako.

["Wow. Taas ng energy natin luv ah..."] Sabi nya. Ewan ko rin sa sarili ko kung bakit ang sigla ko pa rin kahit na nagising lang ako sa tawag nya. Hindi pa nga ako nakakabangon eh.

"Maganda lang yung gising." Pagpapalusot ko sa kanya.

["Sus! So, ano? Kamusta ka naman dyan? Nag eenjoy ka ba dyan?"] Tanong nya sakin.

"Mmm..." Tipid na sagot ko.

["Well, halata naman. Hindi ka na nga makontak eh. Ngayon lang ulit. Tinatanong ka na nga ni Marvine sakin eh."] Sabi nya. Well, for sure talagang kukulitin sya non kasi hindi naman yon nabubuhay na hindi ako kinakausap kaya ngayong hindi ko sinasagot yung tawag nya panigurado nangungulit at nakikibalita na yon sa mga taong malalapit sakin.

"Sabi nya kasi mag enjoy edi ayan nag enjoy ako." Sabi ko. Rinig ko ang pagbuntong hininga ni Lucas.

["Pero nasobrahan naman ata sa pag eenjoy na to the point na hindi na kami tinawagan. Tsk tsk tsk... Last mo na yan ah."] Hay naku! Ayan na naman sya sa pagiging protective nya.

"Ewan ko sayo. Sa tingin mo, mapipigilan no ako." Matapang na sabi ko sa kanya at naupo na lang.

["So, hinahamon mo ako?"] Sabi nya naman.

"Kung magpapahamon ka." Sabi ko sa kanya.

["Aba! Aba! Anyway, I need to go now. Tatawag ako paghindi na ako busy tas ituloy natin yang hamunan natin."] Sambit nya at humalakhak.

"Sige lang. Push mo yan." Sabi ko sa kanya.

["Sige. Mag enjoy ka lang dyan. Mag iingat ka lalo na kay-"]

"Oo na! Oo na! Ayan ka na naman eh. Sige na. Bye na." Sabi ko at pinatay na yung tawag. "Ay! Oo na! Lintik ka! Bakit nandyan ka?" Gulat na sabi ko nung pagtingin ko sa pintuan nandon si Nik. Nakasandal sa pintuan at nakacross arm. Seryoso ang tingin nya sakin pero natawa rin dahil sa gulat ko na reaction. "Bakit ka ba nanggugulat?" Iritang tanong ko sa kanya.

"Ako?" Sabi nya pa at tinuro nya ang sarili nya.

"Ay! Hindi! Yung pinto!" Sigaw ko sa kanya at umirap. Natawa na naman sya.

"Aayain na sana kitang kumain kaso may katawagan pa kaya hinintay ko na lang matapos kayo." Sabi nya habang nakangiti sakin.

"Sige. Hintayin mo ko. Magpapalit lang akong saglit." Sabi ko at dumiretso na sa bathroom.

"We're going somewhere after we eat our breakfast." Sabi nya nung papunta na kami sa dining area.

"Okay. Nagluto ka?" Tanong ko sa kanya nung makita yung mga pagkain sa lamesa.

"Yeap. You want coffee or juice?" Tanong nya habang naglalakad sya papunta sa kusina.

"Anything." Sabi ko at naupo na. "In fairness ang bango ah..." Sabi ko. Sinimulan ko nang tikman yung mga luto nya.

Behind Her Attitude (CREED SERIES #1)Where stories live. Discover now