CHAPTER 19

2 0 0
                                    

FIANCÉE.


MILLICENT POV.
"Ay! Miss Miles..." Gulat na sabi nung mga empleyado ko at umayos sila nung makita ako.

"Okay lang yan. Go lang..." Nakangiting sabi ko at naupo sa upuan ni Jewel. "Anong ginagawa nyo?" Tanong ko sa kanila. Lumapit naman sila sakin.

"Jamming lang naman, Miss Miles. Ang arte kasi ni Sharon eh ayaw kaming papasukin don. Kala mo kung sinong sikat." Nakangiting sabi ni Marco na para bang hindi nanghusga nang kaibigan.

Ngayon ang photoshoot nila Nik at Sharon pero umalis ako don sa studio. Wala naman akong gagawin don eh. Naiwan naman si Jewel kaya okay lang kahit wala ako roon.

"Grabe ka naman kay Ma'am Sharon!" Sabi ni Yrish at hinampas pa si Marco. Si Yrish ay isa sa mga empleyado ko.

"Totoo naman eh. Kaibigan nya naman kami pero pinalabas nya kami." Sabi naman ni Loone. Ang dami talagang kaartehan ng babaeng yon kala mo naman napakaganda.

"Ano naman kinakanta nyo?" Tanong ko at tinignan sila.

"Kung anu- ano lang po, Miss Miles. Pampasigla lang naman po habang naghihintay ng utos eh." Sagot ni Rodger na may hawak na gitara. Senior sya nila Marco.

"Ah. So, sino naman ba yung singer nyo?" Tanong ko sa kanila.

"Basta Miss Miles, hindi ako yon. Tiga cheer lang nila ako dito." Sagot ni Dina. Intern pa lang sya dito pero masasabi kong magaling naman sya. Nagagawa nya nang maayos ang trabaho nya at talagang maaasahan mo sya.

"Sila po Miss Miles."

"Hindi ah. Kayo yon eh."

At ayun nga nag turuan na sila akala siguro nila papagalitan ko sila.

"Sample nga..." Sabi ko at ngumiti sa kanila.

"Nako! Miss Miles, nakakahiya po..." Sabi naman ni Richelaine na sinasabi nilang isa sa mga singer.

"Dali na... May bonus kayo sakin pagkumanta kayo." Nakangiting sabi ko. Nagkatinginan naman silang lahat at ngumiti.

"Si Miss Miles naman pinipilit kami. Nakakahiya eh pero sige na nga." Sabi ni Richelaine at nilingon yung co worker nya. "Guys, Musicccc!" Sabi nya sa kanila at pinatunog nya ang kanyang mga daliri. "Marco, ikaw na yung mag intro..." Sabi ni Richelaine. Tumango naman si Marco.

Napangiti na lang ako nung nagsimula nang maggitara si Rodger, ang ibang boys ay nagbebeatbox or gumagawa na nang beat sa pamamagitan nang pagkalampag ng lamesa. Marco cleared his throat.

"🎵Sa wari ko'y lumilipas na... Ang kadiliman ng araw... Dahan- dahan pang gumigising... At ngayo'y babawi na... 🎵" Pagkanta ni Marco sa first part. His voice was so manly but masarap syang pakinggan. Kaya naman pala na inlove si Lily sa kanya. Ngumiti sya at yumuko nung matapos syang kumanta.

"🎵Muntik na nasanay ako... Sa aking pag-iisa... At kaya nang iwanan... Ang bakas ng kahapon ko...🎵" Pagkanta ni Myle sa next part. He's a gay but nung kumanta sya akala mong lalaki talaga. Wow...

"🎵Tuloy pa rin ang awit ng buhay ko... Nagbago man ang hugis ng puso mo... Handa na 'kong hamunin ang aking mundo... 'Pagkat tuloy pa rin...🎵" Si Kevin ang kumanta sa chorus part. Hindi na akong magtataka kung bakit maganda ang boses nito dahil alam ko naman na may banda ito noon.

"🎵Kung minsan ay hinahanap pa... Ang alaala ng iyong halik (alaala ng 'yong halik)... Inaamin ko na kay tagal pa... Bago malilimutan ito...🎵" Si Kent naman ang sumunod sa kanya. Mahiyain at tahimik lang ang isang ito pero hindi ko alam na may talent pala ito sa pagkanta.

Behind Her Attitude (CREED SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon