CHAPTER 60

11 0 0
                                    

ACCEPTANCE.

MILLICENT POV.
"So, this is the final design. Do you like it?" Sabi nang organizer habang pinapakita samin yung buong venue. Nakangiti ako habang pinag- mamasdan iyon.

"Do you like it?" Tanong naman sakin ni Nik. Nakangiti ko syang nilingon.

"Yeah... Of course. We give all our effort here that's why I will like it so much." Sabi ko naman sa kanya. Ngumiti sya at hinalikan ako sa ulo.

Marami pa kaming binisita ni Nik para sa final design for our engagement party. Isang linggo na lang kasi gaganapin na iyon kaya tinatapos na talaga at inaayos na namin ang lahat. Sa loob din ng isang linggo na yon gagawin namin ang photoshoot para lang sa engagement dahil ang iba pang photoshoot ay gagawin namin after nang party.

Bumisita rin kami sa kompanya para personal na imbitahin ang mga empleyado namin.

"Grabe, Miss Miles... Lalo kang gumaganda ah." Sabi ni Richelaine na titig na titig sakin at hinahampas pa ako kaya natatawa na lang ako sa kanya. "Pero alam nyo po ba? Simula nung nag leave kayo, bumalik na si Sir Miguel at mas nagseryoso na." Pagkukwento pa nya sakin kaya agad syang sinuway ng mga kasama nya.

"Talagang chinichismis mo pa si Sir ah..." Sabi ni Yrish at pabiro syang sinabunutan.

"Oo nga... Chismosa ka talaga." Biro naman ni Kevin na syang nagpatawa samin.

"Shhh... Huwag kang maingay. Balik na sa trabaho. Ayan na ata si Sir..." Mabilis silang umayos at bumalik sa kani-kanilang trabaho pero agad rin bumalik sa dati nung makitang si Ava at Jewel lang ang pumasok.

Ngumiti at kumaway naman si Jewel samin ni Nik bago sya dumiretso sa conference room. Si Ava naman ay dumiretso sa office ko/ni Dad ngayon pero hindi naman sya nagtagal siguro may binaba lang sa desk. Nung naupo sya sa desk nya ay agad syang pinalibutan ng mga ka trabaho nya.

"Kamusta ang lakad? Bat hindi nyo na ata kasamang bumalik si Sir?" Tanong ni Kent sa kanya. Binuksan nya muna ang laptop nya bago kami nakangiting hinarap at sinagot yung tanong.

"Ayos naman. Pinauna nya kaming pinabalik ni ate Jewel para maayos namin agad yung conference room at mga kakailangan para sa next meeting ni Sir." Sagot ni Ava.

Simula nung kinasal si Jewel may dalawa na akong secretary at may isang assistant para kung wala ang isa sa kanila may back up. Si Ava ang isa sa secretary ko pa at si Dina naman ang ginawa naming assistant, lahat naman ng empleyado namin ay pumayag roon dahil sabi nila alam nila na mas magagawa at magagam- panan ni Ava at Dina ang trabaho na iyon.

Dahil si Ava at Jewel ang secretary sila ang madalas nakakasama sa mga lakad at mas marami ang nagiging trabaho kumpara sa iba. Si Dina naman ang laging naiiwan sa kompanya para in case na may emergency ay nandyan sya at sya rin yung tumutulong kila Ava at Jewel.

"Para ba sa new product?" Tanong naman ni Myle.

"Yeap... And meeting with new investors." Sagot ni Ava habang busy sa kanyang laptop. Nagkatinginan naman kami ni Nik nung marinig iyon kay Ava. May mga nag invest na naman. Wow... Talagang tumitino na si Dad ah. Sana tuloy-tuloy na talaga yan.

Ilang minuto pa nilang dinaldal si Ava habang may ginagawa itong kung ano bago ito tinawag.

"Good morning, Miss Miles, Sir Nik!" Bati ni Dina at ngumiti pa sya samin bago bumaling kay Ava. "Ate Ava, parating na po daw si Sir Miguel." Sambit ni Dina.

"Ah sige. Tapos na rin naman ako rito. Susunod na ako." Sabi ni Ava. May tinatype pa sya saglit bago sinarado yung laptop at kinuha yung mga gamit nya. "Mamaya na lang ulit, guys, Miss Miles, Sir Nik..." Paalam nya samin kaya tinanguan at nginitian namin sya. Mabilis syang naglakad palabas siguro sya na rin yung sasalubong kay Dad.

Behind Her Attitude (CREED SERIES #1)Where stories live. Discover now