CHAPTER 14

4 0 0
                                    

BACOLOD.




MILLICENT POV.
"Where have you been?!" Bungad ni Dad na mukang hinintay pa talaga ang pagbisita ko kay Mom.

Kakauwi ko lang kaninang madaling araw. Hindi nya na naabutan ang pag uwi ko sa bahay. Sinadya ko kasing agahan ang pag uwi para hindi ko syang maabutan na gising pagdating ko. Tulog pa sya nung umalis ako para pumasok sa kompanya. At ngayon mukang hinintay nya na ako para masermunan. Hay!

Hindi ako nagsalita. Lumipat lang ako kay Mommy na hindi pa rin magigising hanggang ngayon.

"I'm talking to you, Millicent!" Napairap ako at bumuntong hininga.

"I know." Sagot ko sa kanya. For sure magagalit yan. Pikon yan eh.

"Ano ba! Talagang sumasagot ka pa nang ganyan ah!" Inis na sabi nya. Napabuntong hininga ulit ako.

"You're here?" Gulat na tanong ni Lala Miz nung papasok sya tas nakita nya ako. Lumipat ako sa kanya at bumeso. "Where have you been? Hinahanap ka namin pero ayaw sabihin nang sekretarya mo kung nasaan ka." Sabi ni Lala Miz habang naglalakad kami palapit kay Mom.

"Sa Batangas lang po. I just checked my house there." Sagot ko sa tanong ni Lala Miz. Rinig ko naman ang pagsinghal ni Dad.

"Aba! Kailan ka pa natutong gumalang?" Natatawa at tila nang aasar na tanong ni Dad.

"Miguel!" Mariin na suway ni Lala Miz sa kanya.

"Nung pumunta ako sa Batangas. Tinuruan kasi ako ng mga tao doon kung paano. Pero natutunan ko lang na gumalang sa taong deserve ang salitang respect, hindi sa taong kagaya mo." Sabi ko at hinarap sya.

"Are you saying that I don't deserve to respect?!" Nagagalaiting na tanong nya.

"No, I'm just saying na kaya hindi ka nirerespeto dahil ganyan ka." Sabi ko at ngumisi sa kanya.

"Miguel! Millicent!"

"Talagang bastos ka noh!" Galit na sabi nya at dinuro pa ako. Umirap lang ako.

"Wag ka nang magtaka. Ikaw ba naman yung ama eh." Sagot ko sa kanya.

"Ha! Ibang klase!" Iritang sabi nya at handa nang manakit sa sobrang inis.

"Ano ba! Sabi nang tama na yan eh!" Suway naman ni Lala Miz samin at pumagitna na sya samin ni Dad. "Talaga bang hindi na kayo magkakasundo? At dito pa talaga! Dito pa talaga kayo nag away kung saan nasa harapan ninyo si Mharia!" Sigaw ni Lala Miz at tinignan kami nang masama ni Dad.

"Yan ang nagsimula!" Sigaw ni Dad at galit pa na tinuro ako.

"Wow! HA! Anong ako??" Hindi makapaniwala na sabi ko at tinuro ko pa yung sarili ko.

"Oo! Dahil masyado kang bastos!" Sambit nya sakin.

"Paanong hindi magiging bastos sayo? Ee paggumagalang tinatawanan mo! Karespe- respeto ba yon?" Tsaka sino kaya dito yung kakarating ko pa lang sermon na agad yung bungad sakin? tas sasabihin nya ako ang simula. Ibang klase ka rin!

"Ano ba! Tumigil na nga kako kayo diba! Millicent, maiwan ka muna rito. At ikaw, Miguel! Sumama ka sakin." Sabi ni Lala Miz. Hindi na ako sumagot. Tinignan ko na lang si Mom pero kita ko sa gilid ng mata ko ang masama tingin ni Dad sakin.

"Look!" Sabi ko kay Mom nung wala na sila Lala. "Kita mo na... Kasalanan mo toh! Kung magpapa- kamatay ka na nga lang dapat sinama mo na rin sya." Inis na sabi ko habang nakatingin kay Mom. "Gumising ka na nga dyan! Huwag kang tamad. Ang dami- dami mong binigay sakin na problema. Tapos ano? Matutulog ka lang dyan? Tss. Kasalanan mo toh. Ay! Hindi pala. Kasalanan nyo! Pero ako yung nagdudusa. Sarili nyo lang ang iniisip nyo." Kinakausap ko sya na para bang naririnig nya ang sinasabi ko. Naupo ako sa upuan na katabi ng kama nya. "Masaya ka na ba? Ha! Masaya ka na? Gustong- gusto mong ihandle ko yung kompanya kaya ba ginawa mo toh? O talagang gusto mo lang sumama sa kanya? Gusto nyong sumaya pero bakit... Bakit ako yung pinaparusahan nyo nang ganito?? Bakit?" Lumandas ang luha sa aking pisngi habang tinatanong ko ang mga katagang iyan sa kanya. Pinunasan ko agad iyon.

Behind Her Attitude (CREED SERIES #1)Where stories live. Discover now