CHAPTER 46

4 0 0
                                    

PAGEANT.



MILLICENT POV.
"My gosh! Yun ba ang gusto mong lalaki para sayo? Huh, Millicent Lhynia Creed? Hindi ka marunong makinig!" Bungad agad sakin ni Lala pagkapasok namin nang bahay. Hindi ko maintindihan ang sinasabi nya pero tinanggap ko na lang iyon at yumuko na lang dahil alam kong may kasalanan ako at naglihim ako sa kanila.

"He's turning you into this kind of girl! No class and cheap! I can't believe that you love the man like that! How are you able to love that poor rat?" Galit na sambit nya. Tumulo ang luha ko hindi dahil sa takot kundi dahil sa sakit na nararamdaman ko. Hindi ko matanggap na ang mahal ko ay hinuhusgahan at nilalait lang nang ganito ng aking pamilya.

"Mahal ko sya, Lala..." Sabi ko na para bang maiintindihan nya na wala namang masama sa pagmamahal ng hindi namin kasing yaman.

"What is happening on here? Mama, Millicent?" Tanong ni Mom habang pumapasok nang bahay.

"Hindi katanggap-tanggap iyan sa pamilyang ito, Millicent! I can't just accept a poor and random trash boy in this family just because you love him. Hindi pwede yan!" Galit na sigaw ni Lala. Nakita ko sa gilid nang aking mata na natigilan si Mom at malakas na bumuntong hininga. Mukang nakuha nya na ang nangyayari.

"Mama, bakit hindi na lang natin sila—"

"Tumahimik ka, Mharia! Anong alam mo rito? Kung ang sariling pamilya mo nga ay hindi maayos- ayos!" Parang gripo na tumulo ang aking mga luha dahil sa mga salitang naririnig ko kay Lala. "Alam mo ito pero hinahayaan mo lang ang anak mo na makisama sa walang kwenta lalaking iyon!" Sigaw pa ni Lala.

"Lala, mahal ko po sya—"

"Anong magagawa nang pagma- mahal mo na yan, Millicent, kung balang araw ay wala ka nang makain?! Kaya ka bang buhayin nang pagmamahal na sinasabi mo na yan?! Mapapakain ka ba nyan?! Maibibigay ba nyan ang mga bagay na meron ka ngayon? Huh!" Pumikit ako para damhin ang galit ni Lala sakin. "Kung nakikinig ka lang, Millicent. Lahat ng yan makukuha mo. Pati ang pagmamahal na yan balang araw makukuha mo rin yan. Parang ang mga magulang mo lang..." Dumilat ako at umiling kay Lala. Hindi na ako nagsalita. Tumakbo na lang ako papunta saking silid.

"Ice..." Tawag ni Mom sakin nung pumasok sya.

"Go away, Mom..." Sambit ko. Hinawakan nya yung kamay ko at niyakap nya ako.

"Magiging maayos rin ito, anak... Ako ang bahala" Malambing na sabi nya. Umiling ako.

"Pa-paano? Lahat sila ayaw samin ni Nik... Lahat sila tutol sa relasyon namin. What do I need to do to get their support?" Sabi ko habang tumutulo yung mga luha sa aking mga pisngi. Ngumiti si Mom at pinunasan nya ang mga luha ko.

"Nothing. Wala kang kailangan gawin. Akong bahala, Ice..." Sabi nya at ngumiti sakin. Bumuntong hininga ako at nag iwas nang tingin. "Stress lang ang Lala mo. Nagkaka- problema kasi sa kompanya kaya ganyan sya ngayon..." Mahinahon na sabi nya at sinandal nya ang ulo nya sa balikat ko. Hindi na ako nagsalita pa.

"Mom..." Tawag ko sa kalagitnaan ng katahimikan namin.

"Mmm?" Mahinang sambit nya.

"Mali ba tong—" Hindi nya na ako pinatapos sa pagsasalita. Umiling na sya agad.

"Hindi, anak... Walang mali dyan. Nagmamahal ka lang. At kahit kailan hindi naging mali ang pagmamahal..." Sabi nya habang hinahaplos yung buhok ko. "Ang mali ay yung ppiilitin mong baguhin yung relasyon at pagmamahalan nyo para lang maging katanggap- tanggap kayo sa paningin ng iba. Dahil ang tunay na nagmamahal hindi nagpapanggap." Sabi nya at ngumiti sakin. Tumango naman ako sa sinabi nya.

Behind Her Attitude (CREED SERIES #1)Where stories live. Discover now