CHAPTER 43

2 0 0
                                    

DANCE.


MILLICENT POV.
"You are so mean." Sambit ni Marv nung nasaksihan nya ang pagiging harsh ko kay Lucas sa araw na iyon. Sinundo nya kasi ako kaya nakita nya yung pagtataray ko kay Lucas.

Medyo nahuli kami kaya pagkarating namin nang campus nagmamadali na kaming pumunta sa classroom namin kaya ngayong vacant time lang namin nya ako nakompronta tungkol roon.

"He deserves it." Sabi ko habang binubuklat ko yung libro ko.

"Bakit ba ganyan ka sa kanya? He's your brother." Sabi nya na nagpairap sakin.

"He's not. He's not my brother. He's only my Dad's son." Mariing sabi ko.

"Still your brother." Bumuntong hininga ako at umiling. "Look Licey, Mother naman nya ang nagkasala sa inyo. Hindi sya. Wala naman syang kinalaman don. It is his mother and your father's fault but not him." Seryosong sabi nya.

"Anak sya nang kabit. So, why would I accept him?" Seryosong tanong ko at nagtaas nang kilay.

"I am also mistress's son. So, ibig sabihin ba nyan hindi mo na ba ako matatanggap?" Napaawang ang labi ko sa sinabi ni Marv at nung marinig ko ang sakit sa kanyang tono.

"No... Uh... That's not what I meant. But—" Agad akong ginapangan ng guilt. I don't know that. Never naman syang nagkukwento sakin kaya hindi ko alam masyado ang problema nya but I know there's something on him. Masyado na ba talaga akong nagiging harsh sa mga kagaya ni Lucas? But what should I do? Everytime na nakikita ko sya nasasaktan ako.

"No. No. No... It's fine. You don't need to be guilty. Wala ka namang sinabing masama. Ayos lang." Agap nya at ngumiti. "Let just... change the topic." Sabi nya at huminga nang malalim.

"Marv... I'm sorry. I don't know. I didn't mean to offend you..." Sabi ko habang nakatingin sa kanya. Ngumiti sya at niyakap ako.

"It's fine, mah ghurl... You don't need to be sorry... Wala ka namang ginawang mali. Wala kang sinabing mali. Don't worry, ayos lang ako." Sabi nya. Kumalas sya sa yakap at nakangiti nyang pinindot yung ilong ko. "Anyway, may sasabihin daw pala si Lily sayo kaya baka parating na rin sila." Sabi nya at tumingin sa paligid. "Nga pala! Kamusta yung date nyo ni Nich kahapon? Grabe! Kainggit na talaga lovelife mo! Nasaan na kaya yung akin? Naiinip na ako ah." Masiglang tanong nya nung nilingon nya ako at humagikgik pa ito.

Kahit na masigla sya hindi ko pa rin magawa ng ngumiti pabalik sa kanya. Bumuntong hininga sya at sinandal nya yung ulo nya sa balikat ko.

"Don't worry about me." Sabi nya at hinawakan nya yung kamay ko. "So, ano na nga? Dali! Kwentuhan mo naman ako." Nakangiting sabi nya. Hinampas nya pa ako at humalakhak sya kaya napailing na lang ako at kinukwentuhan na nga tungkol sa naging lakad namin ni Nik kahapon.

"Oh my gosh! I'm so naiinggit na talaga! Hay naku! Onti na lang maghahanap na talaga ako nang jojowain dyan." Sabi ni Marv at bahagya pa akong niyugyog pagkatapos kong magkwento sa kanya.

"No need na, Marv. Look at those girls. I think they likes you." Sabi ko habang nakangisi at may tinuro na grupo nang kababaihan na kanina ko pa napapansin na nakatitig samin ni Marv.

Nilingon naman sila ni Marv. Agad itong kumaway at nagtulakan pa sa kilig. Hay! Kawawang mga babae...

"Pwe...." Sabi ni Marv at umacting pa na nasusuka sya. Natawa na lang ako sa kanya.

"Maganda naman sila ah. Ayun oh. Yung matangkad sa kanila. Bagay kayo." Pang aasar ko at tinuro ko pa iyon. Kinawayan ko iyon nung nakita kong nakatingin ito. Kumaway ito pabalik at ngumiti pa.

Behind Her Attitude (CREED SERIES #1)Where stories live. Discover now