CHAPTER 9

7 0 0
                                    

Farm.



MILLICENT POV.

"Goooooood morningggggg!!" Masiglang bati ni Nik habang bumababa ng hagdanan.

Nagtaas lang ako ng dalawang kilay sa kanya at pinapatuloy ko ang ginagawa ko.

"Work?" Takang tanong nya nung sinilip nya yung ginagawa ko sa laptop ko. Tumango lang ako sa kanya. "Time out ka muna dyan. Have fun!" Sabi nya at sinara yung laptop.

"What heck! It's important, you know." Sabi ko sa kanya at binuksan ulit yung laptop. Hindi naman sya nagsalita na pero kita kong may kausap na sya sa phone.

"Tara. Libot tayo..." Aya nya sakin nung matapos na sya sa kausap nya sa phone.

"May ginagawa pa ako." Sabi ko sa kanya.

"Si ate na bahala dyan. Bakasyon mo ngayon diba? Kaya tumigil ka na dyan and enjoy the day!" Sabi nya at sinara ulit yung laptop. Tinignan ko sya ng masama pero nginitian lang ako ng loko.

Bumuntong hininga ako at tumayo.

"Fine! You win." Sabi ko at naglakad papunta sa kwarto ko. "Magbibihis lang ako. Ikaw nang bahala kung saan tayo pupunta since this is your idea." Sabi ko habang umaakyat ng hagdanan. Naligo at nagbihis ako.

Nag aayos ako nang mukha nung tumawag si Lucas sakin.

["Hey luv!"] Bungad nya sakin nung sagutin ko yung tawag nya.

"Bakit?" Tanong ko sa kanya at niloud speaker ko.

["Hindi mo sinabi na pupunta ka pala ng Batangas."] According sa background nya mukang nasa opisina sya.

"You're busy. Alam kong hindi ka makakasama kaya hindi ko na sinabi sayo." Sabi ko sa kanya. "And may kasama ako dito eh." Nag aalangan pa ako nung una kung sasabihin ko sa kanya yon o hindi.

["Yeah. Si Nicholas Adams."] Bumuntong hininga ako. ["That boy."] Napailing na lang ako sa sinabi nya.

"Still mad at him?" Tanong ko sa kanya.

["Of course."] Nahinto ako sa pag aayos at tinignan ko yung cellphone ko.

"Oo nga pala... Matagal magalit ang isang Lucas Manalastas." Sabi ko. I heard him chuckled. For sure natawa yan dahil for the first time in his life tinawag ko sya sa buong pangalan nya. "Past is past, Lucas... Kaya move on na." Sabi ko sa kanya at pinagpatuloy ang pag aayos.

["I can't."] Tumigil ako sa pagsusuklay. ["As long as nalalaman ko napapalapit na naman sya sayo. Hay! Mag iingat ka sa lalaking yan."]

Umirap ako. "Yeah. Whatever. I gotta go." Sabi ko sa kanya at pinatay na yung tawag.

Nung matapos na akong mag ayos lumabas na ako. Sakto namang paglabas ko ng kwarto nung magring yung phone.

"Oh? Bakit?"

["Hey! Hey! Hey!"] Masiglang bati nya I mean sigaw nya.

"Pwede ba! Huwag kang sumigaw nabibingi ako sa ingay ng bunganga mo eh." Rinig ko naman ang paghalakhak nya sa sinabi ko sa kanya.

["Grabe ka naman!"] Tawang- tawa na sabi nya. ["Anyway, gusto ko lang naman sabihin sayo na sinend ko na sa email mo yung mga gusto kong pasalubong na bibilin mo para sakin."] Napairap ako sa sinabi nya.

"Talagang inemail mo pa sakin ahhh..." Sabi ko.

["Joke lang! Ito naman."] Sabi nya at humalakhak na naman. ["Hay! Namimiss na kita."] Napairap naman ako sa kanya.

Behind Her Attitude (CREED SERIES #1)Where stories live. Discover now