CHAPTER 4

14 1 0
                                    

MODEL.

MILLICENT POV.

"Good morning, Miss Miles!"
"Good morning po!"
"Magandang umaga po, Miss Miles!"

Bati ng mga empleyado ko sa akin. Hindi ko sila pinansin. Diretso lang ako patungo sa elevator.

"Hi, Miss Miles!" salubong sa akin ni Jewel. Inabot ko sa kanya agad 'yong bag ko. "Your schedule for today, you need to go in Batangas para po maicheck ninyo yung bahay na pinapagawa niyo doon. Kailangan niyo rin pong pumunta ng Bacolod para maicheck niyo naman po yung shop niyo for our beauty products. And nagpaschedule po ng meeting si Mr. Flores. May mga gusto pong mag audition na photographers para sa promotion ng new product natin. Gusto rin po kayo makausap ni Sir Lucas para daw po sa pagdedeliver ng mga products natin," diretso at hindi binabasa sa notebook na sabi ni Jewel. Gumagaling na siya sa pag memorize. Good for her.

"Pakisabi kay Mr. Flores sa Thursday na lang 'yong meeting namin. After na lang ng shoot for promotion ako pupunta ng Batangas and Bacolod. Hindi na rin tayo magpapaaudition ng photographer. Yung family photographer namin yung magiging photographer natin. At bukas icancel mo lahat ng schedule ko," sabi ko sa kanya. Sinusulat niya naman lahat ng sinabi ko. Sana lang naisulat niya lahat 'yon.

"Guys, wala muna akong masyadong ibibigay na trabaho sa inyong lahat. But now, I want all of you to prepare and clean our studio. Because starting tomorrow simula na ang pagpapaaudition sa mga model. For two days lang open ang audition kaya two days kayong walang gagawin kundi ang iassist ang mga modelo na gustong mag audition," sabi ko sa kanilang lahat habang nakatayo sa harapan nila. Kita ko natuwa ang karamihan. "Huwag kayong matuwa dahil after the audition sisiguraduhin kong tambak ang trabaho ninyong lahat. At kapag wala akong nagustuhan na modelo, get yourself ready. Dahil lahat kayo tatanggalan ko nang trabaho," mariing sabi ko sa kanila.

"Ayusin niyo na 'yong studio!" sigaw ko kaya nataranta na sila at umalis na para pumunta sa studio namin. "Jewel, tumulong ka sa kanila. Make sure na maayos ang ginagawa nila," utos ko naman kay Jewel. Tumigil siya sa pagtatype sa laptop niya at tumayo siya.

"Okay po, Miss Miles," sabi niya at umalis na rin s'ya. Pumasok na ako sa opisina ko. Hinubad ko yung coat ko bago ako naupo sa swivel chair ko.

Binuksan ko ang laptop ko. Ginawa ko lang ang trabaho ko at mga kailangan kong gawin.

Nung mag 11 na ay tumigil na ako sa ginagawa ko at pumunta ako sa studio namin. Nandon pa rin sila. Patuloy pa rin silang nag aayos roon.

"Stop! Maglunch break muna kayo," sabi ko sa kanila kaya tumigil sila sa ginagawa nila.

"Ah, Miss Miles, gusto n'yo po ba dalhan ko kayo nang pagkain para makapag lunch na rin po kayo?" tanong ni Jewel nung lumapit siya sa akin.

"Pwede rin naman po kami magpadeliver na lang para kayo din makakain na," sabi naman ni Loone. Sumang ayon naman yung iba sa sinabi niya.

"No. I can handle myself. Umalis na kayo para makapag lunch na kayo. Ayoko dito dahil madudumihan yung kompanya ko," sambit ko. "Pinaglulunch ko kayo nang maaga para magkaroon naman kayo nang energy dahil ang lalamya niyo na. Para maaga rin kayong makabalik dahil kailangan 2:30 pm tapos at malinis na malinis na ito." Nalaglag ang panga nila sa aking sinabi. May nagbulung-bulungan pa.

"2:30 pm? Pwede po ba hanggang 5 or 6pm?" tanong nung isang empleyado. Nagcross arm ako at tinignan siya.

"Uhm, sige. Pwede mong tapusin 'yan hanggang 5 pero huwag ka nang papasok kinabukasan dahil wala ka nang trabaho," Kita ko ang gulat sa mukha niya. Inirapan ko na lang siya. "Okay! Sino pa gusto magpaextend sa inyo ng oras?" tanong ko sa kanila at hinarap sila. Wala nang nagsalita sa kanila at pare-parehas na nag iwas nang tingin sa akin.

Behind Her Attitude (CREED SERIES #1)Where stories live. Discover now