CHAPTER 10

6 0 0
                                    

CHURCH.




MILLICENT POV.

Nagising ako dahil sa sikat ng araw na tumatama sa mukha ko. Napabangon naman ako agad nung marealize ko na nakahiga na ako sa kama ko at umaga na.

Huh? Last time I check sa kotse ako natutulog paanong nangyari na napunta—

"Nicholas Adams!" Tawag ko sa kanya.

"Nik!" Tawag ko pa nung hindi sya sumagot. Nasaan na ba yung pesteng lalaki na yon?

"Hey yow!!!! Zup?? Goooooooooood Morningggggggggg Beautiful lady!!!!" Masiglang bati nya nung pumasok sya sa kwarto ko. May dala- dala pa syang tasa. "Coffee, you want?" Nakangiting tanong nya pa at bahagyang inangat yung tasa para ipakita sakin. Tinignan ko sya ng masama. "Ahh... Ano kasi kagabi... Ano... Ang sarap kasi ng tulog mo mukang napapanaginipan mo ata ako eh." Sabi nya at ngumisi. "Tulog na tulog ka na kaya para hindi maaabala yung panaginip mo hindi na kita ginising pa at binuhat na lang kita para madala ka dito pero wala akong ginawa sayo." Sabi nya pa.

Bumuntong hininga ako. "May breakfast na ba?" Tanong ko sa kanya. Napakamot naman sya ng ulo.

"Ayan ba yung itatanong mo? HAHAHA... Meron, pinagluto na kita. Alam mo bang ikaw lang ang kaisa- isang babae na pinagluluto ko?" Sabi nya at parang nagyayabang pa sya. Umirap ako.

"Edi ipagluto mo rin si Sharon para maging dalawa kami." Sabi ko at naglakad na paalis don.

"Hindi ba pwedeng magpasalamat ka na lang?" Nakasunod sya sakin.

"Edi Welcome!" Sarcastic na sabi ko.

"Salamat kaya yung sabi ko..." Bulong nya pa pero rinig ko naman. Tss.

Pagkarating ko ng dining area naamoy ko agad yung bango ng niluto nya. Pinaghila nya ako ng upuan. Umirap ako bago umupo doon.

Tinignan ko ang mga pagkaing nakahain sa harapan ko.

"Ikaw nagluto nito?" Tanong ko sa kanya at tinignan sya.

"Actually, inorder ko lang talaga yan." Tinignan ko naman sya nang masama. Akala ko ba pinagluto nya ako? "Just kidding! Oo naman... Tikman mo. Dali." Sabi nya kaya sinimulan ko na iyon kainin. "How is it?"

"Ikaw talaga nagluto nito?" Tanong ko pa sa kanya natawa naman sya.

"Oo nga. The only one. Nagculinary kaya ako bago nagFA. Ano? Masarap ba?" Nakangiting sabi nya. Well, yes. Nicholas Adams is also my college schoolmate.

"Uhm, pwede na." Sabi ko.

"Sus! Oh, kumain ka pa..." Sabi nya at nilagyan pa ng pagkain yung plato ko. Masarap naman yung mga luto nya kaya hinayaan ko na lang sya.

After naming kumain ginawa ko na yung mga trabaho ko wala na namang masyadong kailangan na gawin dahil mukang naasikaso na ni Jewel yon.

As always tumawag na naman si Marvin sakin.

["So, ano na?"] Bungad nya nung sinagot yon.

"Anong ano na?" Niloud speaker ko na lang iyon dahil nirereplyan ko yung mga nag- email sakin.

["Ano na ganap?"]

"Working." Tipid na sagot ko.

["Hoy! Iemail mo sakin ah."] Rinig kong kausap nya sa katrabaho nya. ["You what? Still working? In Batangas?"] Gulat na tanong nya sakin.

Behind Her Attitude (CREED SERIES #1)Kde žijí příběhy. Začni objevovat