CHAPTER 41

4 0 0
                                    

GIRL.



MILLICENT POV.
The few days of staying here in Batangas wala akong ginagawa kundi ang maglibot sa mga lugar dito kasama si Nik. It was full of fun, love and joy.

Maraming nakakakilala kay Nik or should I say sa pamilya nya. Halos lahat ata nang nadadaanan at nasasalubong namin ay binabati sya kung minsan ay pati ako binabati nila.

I always took pictures and I posted it on my social media accounts pero pagkapost ko pa lang may mga nagrereact at nagcomment na agad.

Ngayon nasa kwarto lang ako at nakatambay lang. Umalis ang mag asawang Adams kasama si Jewel para magtungo sa bayan. Bibili ata sila nang pagkain or something. May pinuntahan naman si Nik pero sabi nya sakin ay babalik rin sya agad kaya sa kwarto muna ako nanatili habang naghihintay sa kanya.

Inopen ko yung Facebook account ko para makapag libang muna habang hinihintay si Nik. Nakipag VC agad si Marv nung nakita nyang online ako.

"Enjoy na enjoy ka dyan with the Adams Family ah." Ngiting-ngiti na sambit ni Marv. Iniwan ko yung laptop sa kama para tumingin-tingin dito sa dating kwarto ni Nik.

"Masaya kasi silang kasama..." Sabi ko habang pinagmasdan yung mga libro nakapatong sa bookshelf. Iba't ibang klase na libro ang naroon pero kadalasan na nakikita ko ay tungkol sa pagluluto. Talaga pa lang nag aral nang culinary si Nik.

"Kaya siguro sinadya mo na hindi  ako sinabihan para masolo mo si Nich at ang pamilya nya dyan..." Napairap naman ako sa sinabi ni Marv.

"Para namang iimbitahan ka talaga nila Tita Janine kapag nakita ka nila..." Nakangising sabi ko at saglit na sinulyapan si Marv. Kita kong nalaglag yung panga ni Marv habang manghang nakatingin sakin.

"Wow ah! Nandyan ka lang sa Batangas nag iba na yung level nang confidence mo." Sabi nya at humalaklak. Natawa na lang din ako. Kinuha ko yung isang magazine na nakita. Sya lang yung naiiba kaya sya lang yung mas nakakuha nang atensyon ko.

Kita ko ang mukha ko sa unang page pa lang. It's a exclusive and limited edition magazine. Dito nakalagay ang information tungkol sakin. Binili nya? My gosh!

"Ano yan? Bat nangingiti ka? Uy! Censored yan ah. Bad yan!" Bad pero natatawa.

"Shhh..." Pabirong sabi ko at ngumisi.

"Ay! Gagi ka. Ano ba yan?" Tanong nya at mas lumapit sa screen.

"It's just my magazine." Sagot ko at humagikgik.

"Yung limited edition! Omg! Meron sya? Ay nako! Ilagay mo na sa bag mo yan. Dali! Tas pag uwi mo dito bigay mo sakin!" Natawa naman ako sa utos nya. "Gagi! Ang tagal ko kasing naghahanap ng ganyan kaso naubusan ako. Hay!" Sabi ni Marv.

"Meron sa bahay. Ibibigay ko sayo pagkauwi ko." Sabi ko sa kanya at binalik na iyong magazine sa shelf.

"Really?" Excited na tanong ni Marv. Ngumiti at tumango sa kanya. "Teka! Nasaan pala yung mga kasama mo?" Biglang tanong nya. Dinala ko sa study table yung laptop ko at naupo ako sa may chair na nandon.

"Si Nik may pinuntahan pero babalik din daw sya agad rito. Nasa bayan yung parents at kapatid nya. May binili ata." Sagot ko sa tanong nya. Napatango naman sya. Rinig kong may kumausap kay Marv.

"Ano? Nandyan na?" Rinig kong tanong nya roon. "Ah sige sige. Magpapaalam na ako dito." Sabi nya pa at tumango roon sa kausap. Pinalayas nya na rin iyon. "Nako, mah girl! I have to go now. Nandyan na kasi si Dad. May pupuntahan raw kami ee." Paalam nya at kumaway sakin.

Behind Her Attitude (CREED SERIES #1)Where stories live. Discover now