CHAPTER 51

5 0 0
                                    

LUV.


MILLICENT POV.
"Thank you, Ma'am!" Sabi ko sa teacher ko nung natapos na kami. Bumuntong hininga ako at sumandal sa swivel chair ko.

Nasa school ako ngayon. Sa SSG Room na ako nagtake ng class ko since may report ako na kailangan tapusin at ipacheck kay Rhoine.

Huminga ako nang malalim at nagsimula na ulit sa pagtatype para sa report. Napahinto ako sa pagtatype sa laptop ko nung biglang kumalabog yung pinto.

"Sus! Aminin mo kasi... Selos yan. Selos." Mapang asar na boses ni Cheilla ang narinig ko nung nag angat ako nang tingin ay naabutan kong nakaakbay si Rhoine kay Cheilla at nangingiti pero pilit lang tinatago. Si Cheilla naman ay nakangisi at bahagyang pinipindot yung ilong ni Rhoine.

"Oh fvck!/Omo!" Gulat at sabay na sabi nung dalawa nung mapatingin sila sa gawi ko. Sumandal ako sa swivel chair ko at pinagmasdan ko sila. Nagkatinginan sila pero sabay at mabilis ring nag iwas nang tingin. Lumayo sila sa isa't isa at inayos yung sarili. Nung tumingin sila sakin ay nag taas lang ako nang kilay sa kanila.

"I-I need a drink. Y-you want something, Miles?" Medyo kabado na tanong ni Rhoine at napahawak pa ito sa kanyang batok.

"None." Seryosong sagot ko at pinilig ko ang ulo ko para mas matignan ko sila nang maayos.

Rhoine cleared his throat. "Sa kusina lang ako." Sabi ni Rhoine. Tinignan nya pa kami ni Cheilla bago tuluyang pumunta sa kusina.

Sinundan ko pa nang tingin si Rhoine pagkatapos ay si Cheilla naman ang tinignan ko. Nagtaas ako nang kilay sa kanya at tinuro yung kusina. Naiilang na tumawa si Cheilla at lumapit sakin.

"Nandito ka pala. Nagulat ako sayo." Nakangiting sabi nya. Humila pa sya nang upuan para sa tabi ko maupo. "Balik ka na ulit?" Tanong nya at tinuro nya ang laptop na nasa harapan ko.

"Hindi... Gumagawa lang ako ng report. Kailangan ko pa kasing ipatingin ito kay Rhoine pagka- tapos ko kaya dito ko na lang ginawa." Sagot ko. Napatango-tango naman sya at tinignan yung laptop ko.

"Grabe! Namiss kita. Wala nang nagtataray at nagsusungit dito samin eh." Nakangiting sabi nya.

"And yung mga admirer mo pala..." Tinuro nya yung drawer na malapit sa long table. "May pinabibigay silang mga gifts sayo kapag pumunta ka raw dito ibigay daw namin sayo ang mga iyon. Madami-dami rin kaya nilagay muna namin dyan sa drawer." Paliwanag nya. Napatango naman ako at tipid na ngumiti.

"Dapat hindi nyo na lang tinatanggap." Sabi ko at tumayo.

Nilapitan ko yung drawer na tinuturo nya para matignan ang mga iyon. Nanlaki yung mata ko nung pagbukas ko halos mahulog na yung iba sa dami.

"Kinukulit ako tsaka hindi lang ako yung inuutusan pati yung ibang officers. Yung iba naman dito sa kabatch natin na namimiss ka kaya medyo marami din yan." Paliwanag nya pa at kinuha nya yung iba para hindi mahulog.

"Yung flowers hindi na namin tinatanggap kasi malalanta lang pero sinabi namin na kung gusto nila ipadala na lang sa bahay nyo ang mga yon." Sulpot ni Rhoine at mabilis na tinulungan si Cheilla sa paglalagay nung mga yon sa long table. Tumango naman ako at tinulungan na rin sila "Yung iba sa dating locker mo pa rin nagla- lagay kaya until now wala pa rin gumagamit non." Sabi pa ni Rhoine.

"Kunin ko na kaya..." Sabi ni Cheilla at umambang aalis pero agad syang hinila ni Rhoine pabalik.

"Wag na. Tatawagan ko si Alex para sila na lang yung kumuha." Sabi nya at nagtungo sa desk nya. Kita ko naman ang pagngiti ni Cheilla habang pinagmasdan si Rhoine.

Behind Her Attitude (CREED SERIES #1)Where stories live. Discover now