CHAPTER 2

23 0 0
                                    

TROUBLE.

MILLICENT POV.
After kong mag ayos ay pumunta na ako sa venue ng event na kailangan kong puntahan. Hindi naman ito super importanteng event. This just a birthday party of mayor's daughter. Pwede naman ako hindi pumunta but my father told me to go.

Malaki daw ang naitulong ni Mayor sa kanya. Sa kanya may naitulong tapos ako yung papapuntahin dito. Hay!

"Hi, Ms.Creed!" masigla at nakangiting bati sa akin ni Mayor nung makita niya ako.

"Mayor..." bati ko pabalik at bumeso ako sa kanya.

"You look gorgeous tonight," nakangiting sabi niya. Tonight?

"Tonight? Correction, Mayor, I am always gorgeous," pagtatama ko sa sinabi niya at ngumiti ng pilit. Natawa naman siya. Anong nakakatawa?

"Yeah, of course. You're a Creed," sabi niya. Tss.

"Bakit, Mayor? Kapag hindi ba ako Creed, hindi na ako gorgeous?" tanong ko sa kanya. Kulang na lang taasan ko siya nang kilay. Natawa naman siya at hinampas pa ako. Close tayo?

"You're so funny, iha..." natatawang sabi niya. I don't even say a joke. Tumawa rin ako nang peke para naman hindi sya mapahiya.

Nilayasan ko na rin naman siya dahil may mga kumausap na sa kanyang mga bigatin at gurang na tao katulad niya.

Saktong pagpasok ko ay lumapit sa akin yung mga reporter at photographer. They interview me. I just answer it.

"Kamusta naman yung lovelife mo, Miss Miles?" tanong nung isa sa mga reporter na lumapit sa akin.

"Wala," tipid na sagot ko at ngumiti ng pilit.

"You mean, wala ka pang fiancé?" pang uusisa pa nung isa. Tumawa ako nang bahagya.

"I'm too young for that," sambit ko.

"Kahit boyfriend wala?" tanong naman nung isa. Hay! Ang kulet. Tipid na ngiti na lang ang binigay ko sa kanya.

"Bakit naman wala?" tanong nila.

"Bakit kailangan meron?" Hindi ko na napigilan ang pagtataray ko. Kita ko naman ang gulat sa mga mukha nila. "I actually don't have a time for that," sabi ko at plastik na ngumiti sa kanila.

"Pero ano ba yung ideal man mo?" tanong naman nung lalaking reporter.

"Basta hindi mo kamukha," sagot ko. Kita ko naman ang pagkamot niya sa ulo.

"Ee, sa attitude naman po?" tanong pa nung isa.

"Ayoko sa kasing kulit ninyo," diretsong sagot ko. "And I also hate a cheater," sabi ko pa at ngumiti.

"Ohhh!"
"Woah!"

"I want to seat now. So, i gotta go," paalam ko sa kanila. Pumayag naman sila pero pinicturan muna nila ako bago ako nakapunta sa table na nakareserve para sa akin.

"Hay! Salamat naman..." sabi ko nung finally nakaupo na ako. Grabe iyon ah. Parang ayaw nila akong paalisin. Hay! Kainis naman kasi si Dad. Wala naman siyang sakit pero ako yung pinapunta niya dito. Tss. Nagiging tamad na 'yong lalaki na iyon.

"Millicent Creed?" Dahil sa inis ko sa pag iisip kay Dad ay nakakunot noo ko tuloy nilingon yung nagsalita sa gilid ko. "Oh my gosh! Ang ganda mo talaga," sabi nung babaeng hindi ko kilala at naupo pa talaga siya sa tabi ko.

"Sorry? Did I know you?" tanong ko sa kanya at nagtaas ng kilay.

"I'm Lilybeth. Marco's fiancée and we're classmate," sabi niya at naglahad ng kamay.

"Marco?" takang tanong ko habang tinatanggap yung nakalahad niyang kamay. Hindi na ako nagpakilala dahil obvious naman na kilala niya ako. "Marco, the one of my employee in my company?" tanong ko pa. Ngumiti siya at tumango.

Behind Her Attitude (CREED SERIES #1)Where stories live. Discover now