CHAPTER 21

3 0 0
                                    

PRETEND.

MILLICENT POV.
"Hay! Sige... Pakibaba na lang dyan." Sabi ko kay Jewel. Binaba nya naman yung mga papeles na kailangan ko pang pirmahan.

"Miss Miles, napadala na po namin kila Shyra yung mga pinabili nyo." Magalang na sabi ni Jewel. Tumango ako.

"Okay. Salamat..." Sabi ko habang nasa laptop pa rin ang tingin.

"Uhm, Miss Miles..."

"Yes?" Tanong ko habang nagtatype pa rin sa laptop ko.

"Wala po... Next time na lang po siguro." Sabi nya. Tumango ako at nagpatuloy lang sa ginagawa. "Uhm... Miss Miles..." Napatingin ako sa kanya at nagtaas nang kilay.

"What is it?" Tanong ko sa kanya para kasing may gusto syang sabihin.
Napabuntong hininga naman sya bago nagsalita.

"Gusto ko lang po sana itanong kung nakita nyo na po ba?" Tanong nya. Napakunot naman ang noo ko.

"Nakita ang alin?" Takang tanong ko sa kanya. May binaba sya sa table ko. "What? Engagement?" Gulat na sabi ko at talagang hinawakan ko pa yung invitation na binaba ni Jewel sa table ko para lang makita iyon nang maayos.

"Miss Miles, lahat po nang empleyado nyo binigyan nang invitation nang Dad nyo." Sabi ni Jewel. "Lahat po sila nagtatanong kung totoo po ba yan..." Parang nag aalangan pa sya na sabihin iyon.

"That freaking old man..." Mariing sabi ko at napabuntong hininga.

"Ah... Miss Miles! Calm down." Awat ni Jewel nung tumayo ako. Pinaupo nya ulit ako. "Uhm... Ganito na lang po... Ano... Sasabihin ko na lang sa lahat na fake news lang yan. Tapos ano..." Kinakabahan at natataranta na sabi ni Jewel. Kinuha nya yung invitation na binaba nya sa desk ko. "Kukunin ko na lang po yung invitation sa kanila at sa lahat po nang binigyan ng Dad nyo. Magpapatulong na rin po ako and magpopost para malaman agad nila na fake news lang ito." Sabi ni Jewel at natatarantang umalis sa opisina ko.

Napahawak ako sa ulo. Hindi na nga nakakatulong dumagdag pa sa problem. Tss... Napailing na lang ako at pinagpatuloy ang ginagawa ko.

"Uncle Daniel..." Gulat na sabi ko nung makitang pumasok si Uncle Daniel sa opisina ko.

Tumayo ako para salabungin sya. Bumeso ako sa kanya.

"Busy?" Tanong ni Uncle Daniel.

"Opo... Daming kailangan icheck eh." Sagot ko at naupo ulit sa swivel chair. "Gusto nyo po nang coffee?" Tanong ko at akmang tatayo pa lang ulit nung pinigilan nya ako.

"Hindi na." Sagot nya at naupo sa sofa. "Si Dylan rin busy eh. Nagpa- pagawa sya nang bahay kaya mas nagibg hectic yung schedule nya." Nagpapagawa nang bahay? Bakit? May bahay sila ni Soft ah. Hihiwalay na sya?

"Poh? Bakit?" Gulat na tanong ko.

"Mukang hindi nya pa nasasabi sa inyo ah. Anyway, huwag na muna natin pag usapan yon. Nabalitaan ko yung sa donation na gagawin nyo..." Ano kayang nangyari sa lalaking yon? Hay. Masyado kasing malihim yon eh.

"Ah... Opo. Nung pumunta kasi ako nang Batangas. Then, napansin ko na kailangan nila nang tulong kaya umisip ako nang paraan para matulungan sila." Paliwanag ko kay Unlce Daniel. Napatango- tango naman si Uncle Daniel.

"That's good to hear..." Nakangiting sabi nya. Ngumiti lang ako sa kanya. "By the way, congrats." Nakangiting sabi pa ni Uncle Daniel. Matalim ko syang tinignan.

Behind Her Attitude (CREED SERIES #1)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora