CHAPTER 50

3 0 0
                                    

GIRLFRIEND.

MILLICENT POV.
Napadilat ako dahil sa sikat nang araw na tumatama sa aking mukha pero napapikit rin ako agad at nag- talukbong na lang ng kumot dahil sobrang antok pa rin ako.

"Good morning, sweetie!" Malakas at masiglang bati ni Mom.

"Get out, Mom, please... I want to sleep more." Inaantok na sabi ko.

"Bangon na... Nasa baba sila Lala mo at hinihintay ka." Pumadyak- padyak ako dahil sa iritasyon pero sa huli ay napabuntong hininga na lang at padabog na inalis yung kumot.

"Susunod na ako..." Nakasimangot na sabi ko. Natawa naman si Mom at lumapit sakin para mahalikan ako sa noo bago sya tuluyan bumaba.

Bumuntong hininga ako at bumangon na. Agad akong naramdaman ang sakit sa aking ulo nung naupo ako sa kama. Napailing ako at nagtungo ako sa bathroom para makapag hilamos at makapag ayos na.

Nung bumaba ako ay nagsisimula na sila at pinag uusapan nila ang trabaho ni Lucas. Naupo ako agad sa tabi ni Mom sa tapat ni Lucas.

"Unti na lang mapopromote ka roon, iho..." Sabi ni Lala at ngumiti kay Lucas. Pinigilan ko si Mom nung akmang lalagyan nya ng pagkain yung plato at ako na mismo ang naglagay ng sarili kong pagkain.

"Bakit kasi hindi mo na lang tanggapin yung offer ko sayo, iho? Mas malaking opportunidad iyon kumpara dyan sa maliit na trabaho mo ngayon. Kapag tumagal hindi ka na mabubuhay nyan." Umirap ako nung mahimigan ang pagiging judgemental ni Dad. Umiling lang si Lucas at ngumiti kay Dad.

Ilang oras din syang pinipilit ni Dad na tanggapin na lang yung offer pero talagang ayaw nya at puro tanggi lang ang ginawa nya.

"Kung ganon mapipilitan si Ice na patakbuhin iyon pagkagraduate nya." Sabi ni Dad at tumingin sakin. Natigilan ako at kunot noong nag angat ng tingin.

"What?" Iritang tanong ko.

"You need it. Don't worry itatrain ka muna namin kaya for a while kami muna ng Mom mo ang bahala roon pero kapag naging maayos na ay ipapasa na namin sa iyo ang kompanya." Matalim kong tinignan si Dad at inis akong bumaling kay Mom nung hindi nya man lang kinontra ang sinabi ni Dad.

"Uh... Just do what you want, sweetie. Guel, stop it. Kumakain na tayo." Malambing na sabi ni Mom at hinaplos yung buhok ko. Napailing ako at hindi na nagsalita.

"Anyway, I heard you went to a party, last night?" Tanong ni Lala sakin.

"Yes, Lala..." Walang gana na sagot ko at nagpatuloy sa pagkain.

"Sino pala yung naghatid sayo? Is that Nicholas?" Tanong ni Lala na nagpaangat ng tingin ko. Napakunot yung noo ko.

"Poh? Naghatid?" Takang tanong ko. Hindi ba umuwi lang ako na mag isa? Anong naghatid? Sino? Si Nicholas? Impossible yon...

"Yes, mama... That's Nicholas Adams. Ang gentleman no? Tapos ang bait-bait pa." Nakangiting sagot ni Mom kay Lala at bahagya pa akong niyugyog. Napatango naman si Lala at napangiti na rin sakin. Taka ko silang tinignan.

"Mukang hindi nya na matandaan ang nangyari kagabi sa sobrang kalasingan." Si Dad na napapailing na lang ngayon pero may multong ngiti sa kanyang labi. Ngumisi at nagkibit balikat lang naman si Lucas sakin nung tinignan ko sya. Ano bang sinasabi nila?

"Hinatid ka nung madaling araw ni Nicholas dahil halos hindi ka na makalakad sa sobrang hilo mo." Nakangiting sabi ni Mom sakin at bahagyang pinisil yung pisngi ko.

"I started to like that man for you..." Sabi ni Lala at ngumiti sakin. Kung kailan wala na kami? Tss... Teka, hinatid ako ni Nik? Hindi ba ako umuwi mag isa rito? Huh? Ano nga ba nangyari kagabi?

Behind Her Attitude (CREED SERIES #1)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang