"Eh hindi ka ba nagke-crave sa ibang pagkain? Hindi ata nagbabago ang mood mo." Kumunot na ang noo ko dahil sa mga sinasabi nya.


"Hindi nga. Bakit ba?"


"Wala." Umiwas siya ng tingin. "Naisip ko lang na kakaiba ka talaga kaya pala sa'yo ako nagkaganito dahil kakaiba ka nga, hindi ka katulad ng karamihan sa mga babae na kapag may dalaw palaging galit, palaging mainit ang ulo, gutom, iba-iba ang gustong pagkain at napaka wirdo pero ikaw, hindi ko nakikitang ganon ka."


May ganon? Required ba talaga na kapag nay dalaw nag-iiba rin ang behavior?


"Paano mo nalaman 'yang mga ganyang bagay hah?" Natatawang tanong ko. Napakamot naman sya sa noo.


"Medyo gano'n kasi si Celyn pero slight lang. Ang pinaka moody kong nakilalang babae kapag may dalaw 'yung ex ko na palaging galit at kung ano ano ang pinapabili sa'kin." Nakangising pagkwento nya.


Bakit kung kailan boyfriend ko sya tsaka ko naririnig 'tong tungkol sa ex nya?


"Hindi ako ganon." Tipid na sagot ko sabay umupo na lang. Biglang nasira ang mood ko.


"Galit ka ba?"


"Hindi. Natutuwa nga ako."


"Kanino?"


"Baka sa ex mo, malamang sa'yo! Laki mong tao bobo ka." Sabay irap ko sa kanya na ikinakunot ng noo nya.


"Sorry na..." Gumapang ang kamay niya at pumalupot sa baywang ko. "Kung nagseselos ka, wala ka naman dapat ikaselos dahil matagal na 'yon. In fact, kasal na ata 'yung ex ko na 'yon kaya 'wag ka nang mag-alala. Sa'yo lang ako."


Napakagat ako sa labi ko at pinigil na ngumiti dahil sa binulong nya. 'Sa'yo lang ako'. Talaga. Sa akin ka lang.


"Nakangiti ka na oh, bati na tayo 'wag ka nang magalit." Hinawi pa nya ang buhok ko.


"Oo na, basta, sabi mo ah." Kumapit ako sa suot nyang T-shirt. "Akin ka lang."


Ngumiti sya ng malaki kaya napangiti na lang din ako at yumakap sa kanya para itago ang mukha ko.


Ang sarap...


Ang sarap nyang kayakap. Di ko tuloy maiwasang isipin na kung ano kaya ang pakiramdam kapag katabi ko syang matulog at magkayakap kami.


Nasa kalagitnaan kami ng moment na 'yon nang may kumatok na naman sa pintuan. Nagpaalam muna si Francis na magbabanyo.


Hinarap ko ang taong kumatok sa pintuan at naalala kong ngayon nga pala ang bayaran ng renta namin kaya bumalik din ako sa kwarto para kumuha ng pera.


"Pasensya na po talaga. Pangako po bago matapos 'tong linggo ibabayad ko na 'yung kulang!"


"Oo ba! mabait ka namang bata at isa pa may tiwala ako sa iyo hindi katulad ng mga nasa taas ng unit mo. Mga walang balak na magbayad. Osya, mauna na ako at sisingilin ko pa ang mga lalaking bolero na nakatira sa taas." Nagpaalam na sya at bumalik na rin ako sa loob.


Kailangan ko na talagang magtrabaho ulit para may pagkunan ako ng panggastos.


"Sino 'yon?" Tanong ni Francis na kakalabas lang ng banyo at sini-zipper pa ang pantalon nya.


"Wala 'yon, naniningil lang ng upa." Tumango lang sya.


"Oo nga pala. Kanina ko lang nalaman na sa taas pala nitong unit mo nakatira 'yung mga player ng basketball sa school. Si Chandler at 'yung teamates nya." Kaya pala hindi ko sya mahanap sa ibaba nandoon pala sya sa itaas kanina.


"Hindi ko alam 'yon, hindi naman ako nagagawi sa itaas. At paano mo nalaman na doon sila nakatira?" Kumunot ang noo ko.


"Nakita kasi ako ng isa kong estudyante sa ibang section. Si Chris, 'yung palaging kasama ni Chandler. Nabanggit nya na doon sila nakatira. Pinapasok pa nga ako sa loob at ang mga kapitbahay nya puro ka-teamates nila."


"Hindi naman ako kilala ng mga 'yon." Sabi ko lang.


"Good. Ayaw kong maging close ka sa mga 'yon dahil kilala ko ang mga 'yon. Hindi lang bola ang nilalaro ng mga gagong 'yon, pati mga babae." Ngumisi pa sya.


"Akala mo naman ikaw hindi."


"Hoy, kahit kailan hindi ako naglaro ng babae." Depensa nya.


"Sana true." Ngumisi ako.


"Kung ibang laro ang pag-uusapan, game akong makikipaglaro sa'yo." Kumindat pa sya nang may halong pagnanasa sa mga mata.



•°•

Lady_Mrg

The Unkind Fate | ✔Where stories live. Discover now