KABANATA 10: FREE TASTE FT. CUPCAKES

2.5K 185 117
                                    

KABANATA 10: FREE TASTE FT. CUPCAKES

SWEETHEART KRYSTAL's POV

"Wow..." narinig kong manghang sambit ni Hoshi habang nakatingin siya sa mga niluto ko.

Ewan ko ba pero bigla na lamang akong napangiti habang nakatingin sa reaksyon niya. Bakit ba ang cute ng lalaking 'to? Ang sarap pisilin yung dalawa niyang cheeks tapos parang gusto ko rin siyang isuksok sa bag at iuwi sa bahay namin. Sobra talaga akong naku-kyutan sa lalaking 'to.

"Sige kumain na kayo. Pasensya na kung yan lang ang nakayanan ko. Sabihin niyo lang kung pangit ang lasa para makapag-order na lang ako sa Mcdo." sabi ko sa kanila pero mabilis silang umiling-iling ng ulo.

"Mukhang masarap naman yung niluto mo, Krystal noona. Pwede na ba naming tikman 'to?" tanong ni Dino kaya nakangiti akong tumango.

Nag-unahan naman sila bigla sa pag-upo at dahil trese silang lahat kaya ang iba sa kanila ay jakatayo na lang habang sumasandok ng pagkain.

Yes, nandito ako sa tinutuluyan nilang bahay. Mabuti nga at nakabisado pa nila ang pauwi dito dahil halos maligaw daw sila Seungcheol kanina habang hinahabol daw sila nung aso. Nagulat pa nga ako na sila pala ang tumutuloy sa bahay na katapat lang ng bahay namin.

"Ang sarap naman!" nakangiting bulalas ni Vernon kaya napangiti ako ng matamis. Actually, parang may kamukhang Hollywood actor 'tong si Vernon 'e. Yung lalaking bida dun sa Titanic na si Jack. Malaki ang pagkakahawig niya kay Leonardo DiCaprio.

"Mabuti naman at nagustuhan niyo yung luto ko." mahina kong sabi at lumapit kaonti sa table para mapanood ko silang kumain.

Simpleng pagkain lang ang niluto ko na kasya sa kanilang labing tatlo. Vegetable fried rice with hotdog and egg. Mabuti na lang talaga may nakuha akong pwedeng lutuin sa bahay namin. Kawawa naman kasi ang mga lalaking 'to.

Parang halos buong araw yata silang hindi nakakain dahil hindi man lang nila ako tinapunan ng tingin at naging abala na sila sa pagkain. Gutom na gutom nga talaga sila.

Nag-agawan pa nga si Seungkwan at Dokyeom sa pritong itlog pero kalaunan ay hinati na lang yun ni Joshua para di sila magtalo. Pinanood ko lang silang kumain at talagang nakakatuwa ang mga reaksyon nila sa luto ko.

Ilang minuto ang lumipas at sa wakas ay natapos na din silang kumain. Walang kahit ni isang butil ng kanin ang naiwan sa mga plato nila. Narinig ko pa nga ang malakas na pag-dighay ni Hoshi bago siya nag-peace sign sa akin.

"Sorry Krystal, gutom na gutom talaga kasi kami. Salamat pala dito sa mga niluto mong pagkain." salita ni Seungcheol at nagpasalamat din ang iba sa akin.

"So ano ng balak niyo?" tanong ko sa kanila. Nagkibit-balikat lang yung iba sa akin kaya kila Seungcheol at Jeonghan ako tumingin. Nabanggit kasi sa akin nila Kaye na sila ang pinakamatanda sa grupo.

"Hindi kasi namin alam ang pasikot-sikot dito sa lugar. First time kasi naming magpunta dito kaya medyo nakakapanibago." pag-amin ni Jeonghan na sinang-ayunan naman ng iba.

Well, hindi ko naman sila masisisi kung gusto muna nilang magkaroon ng break sa trabaho. Nabanggit nila Dokyeom sakin na nagbabakasyon lang sila dito. Hindi rin biro ang trabaho nila, isa silang kpop star at for sure tadtad sila sa kaka-practice ng sayaw. Kailangan din nila ng healing time para makapag-relax at walang iniisip na trabaho.

"Okay sige. Sasamahan ko na lang kayo na mag-grocery sa Mall at hindi na kayo palabas-labas para bumili sa tindahan. Ayos lang ba sa inyo?" suhestiyon ko. Okay lang naman sakin kung sasamahan ko sila. Wala rin namang problema sa akin kung tutulungan ko sila.

SEVENTEEN AND THE LONG LOST ROYAL PRINCESS ✔ | svt fanficΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα