KABANATA 22: HUG

1.7K 169 107
                                    

KABANATA 22: HUG

SWEETHEART KRYSTAL's POV

Tulala akong nakatitig sa kisame ng kwarto ko. Muli kong pinunasan ang mga luha kong nagsibagsakan na naman. Sobrang dami kong iniisip at kahit nasagot na ni mama lahat ng mga katanungan ko ay parang hindi pa rin ako kuntento sa mga narinig ko.

I really can't help but asked myself why and how that happened? How did I become the Royal Princess of the Matsunaga family? Bakit ako? Wala akong makapang kung ano sa puso ko. Dati naman ay gustong-gusto kong malaman kung sino ba talaga ang totoo kong pamilya.

I should be happy because they have been looking for me for eleven years at hindi sila tumigil sa paghahanap sa akin. I must celebrate that I belong to the Matsunaga family? I should be grateful because I am a Royal Princess! Pero bakit hindi? Hindi ko magawa ang mga bagay na yun at kung ibang babae ang nasa katayuan ko ay paniguradong nagtatalon ito sa sobrang saya.

Ilang oras na rin ang nakakalipas mula nung mabunyag ang katotohanan. Ilang oras na rin ang lumipas at hindi ko magawang lumabas ng kwarto ko. Hinayaan ko ring hindi naka-lock ang pinto para hindi na ako babangon sa higaan ko para pagbuksan ng pinto kung sakaling pumasok sila mama dito sa kwarto.

Bumuntong-hininga ako at napapikit ng mariin. Sobrang bigat ng pakiramdam ko. Feeling ko ay mas lalong nadagdagan ang mga iniisip ko. Gabi na rin sa labas at hindi ko na nagawang kumain ng hapunan dahil wala akong gana.

Ayoko ring lumabas dahil baka makita ko sila Prince Tatum sa ibaba at hindi ko alam kung kaya ko ba silang harapin. Sinabi ko rin kay mama na gusto ko munang mapag-isa kaya iniwan niya na muna ako dito matapos niyang sabihin sakin lahat ng totoo.

I opened my eyes and looked at the door when I heard a knock. Sino naman kaya ang kumakatok? Baka si mama lang.

"Krystal? Are you still awake?" I heard a familiar voice outside the door of my room.

Medyo nagulat pa ako dahil hindi sila mama yung kumakatok sa pinto. Alam kong boses iyon ni Wonwoo. Hindi ako sumagot kaya muli kong narinig ang mahihinang pagkatok kaya huminga ako ng malalim.

"Come in." mahinang sabi ko sa taong yun at sapat na yun siguro para marinig niya ang boses ko.

I heard the door open and I saw Wonwoo. He closed the door first bago siya naglakad palapit dito sa direksyon ko habang nakatingin siya sa akin ng diretso. Hindi ako bumangon sa kama pero nakatingin din ako sa kanya nang lumapit siya sa akin at naupo sa gilid ng kama ko. I also noticed that he was holding a glass of milk.

"Your mom said you haven't eaten dinner yet so I just brought you a glass of milk." aniya at inilagay ang isang basong gatas sa side table ko.

"Wala akong ganang kumain.." sagot ko sa kanya at muling tumititig sa kisame.

Napansin ko ang pagbuntong-hininga ni Wonwoo pero agad nawala ang atensyon ko sa pagtitig ng kisame nang maramdaman kong hinawakan niya ang kamay ko.

"Come on, drink the milk first." nagsusumamo niyang saad sa akin.

Ilang segundo akong nakatingin sa kanya kaya wala na akong choice kundi bumangon sa kama. Wala naman akong lakas na makipagtalo sa kanya. Agad kong kinuha ang gatas at ininom ito.

Tahimik ko lang iniinom ang gatas habang nakayuko ang ulo ko. Hindi na rin umimik si Wonwoo at pinanood lang niya ako. Naubos ko na rin ang gatas bago ko ito inilapag sa side table at nahiga sa kama.

"Thank you." Wonwoo said. He smiled at me so I could see his handsome face again.

"Thank you for what?" nagtataka kong tanong sa kanya.

SEVENTEEN AND THE LONG LOST ROYAL PRINCESS ✔ | svt fanficDonde viven las historias. Descúbrelo ahora