KABANATA 6: TATUM

3K 216 155
                                    

KABANATA 6: TATUM

SWEETHEART KRYSTAL's POV

Nakarating na din kami sa wakas sa tutuluyan naming Hotel ngayong gabi. Ramdam na ramdam ko ang pagod at antok. Gusto ko ng humilata agad sa kama at matulog ng mahimbing. Parang akong nawalan ng energy dahil bukod sa pagod na ako ay gutom na rin ako. Nagwawala na ang mga alaga ko sa tiyan. Hindi pa naman kami nakakakain ng dinner.

Nang huminto ang sinasakyan naming Van ay saka kami nagsibabaan lahat. Wala ng masyadong katao-tao ngayon dito dahil na rin sa alas-dose na ng gabi.

"Salamat nga pala sa paghatid sa amin. Hanggang ngayon hindi pa rin kami makapaniwala na marunong kayong mag-salita ng tagalog." nakangiting turan ni Kaye dun sa anim na lalaki.

"Naku wala yun at isa pa fans service na rin namin yun sa inyo." nakangiting sagot naman nung singkit at siya yung cute! Mas lalo siyang nagiging singkit kapag ngumingiti siya o tumatawa. Ang sarap pisilin ang cheeks niyang mala-siopao kaso 'wag na lang. Baka mamaya pagkamalan pa akong baliw kapag bigla ko na lang pinisil ang pisngi niya.

"So, tara na sa loob? Sa iisang hotel lang pala tayo tutuloy eh." sabi ni The8.

Kaya pala hindi mapakali si Kaye sa sasakyan dahil kinikilig siya kanina pa. Ang sarap kurutin sa singit ang babaeng 'to dahil nagpapabebe pa sila kanina habang kausap ang mga lalaking 'to. Naikwento na rin nila sa amin na matagal na silang nakakapagsalita ng tagalog dahil may dalawang pinoy ang nagtatrabaho sa kanila bilang personal assistant.

Kaya ayon, doon daw sila natutong magtagalog. At sinabi rin nila sa amin na kami palang ang unang nakaalam na marunong pala silang magsalita ng lenggwahe namin. Kung sinuswerte nga naman itong mga pinsan ko.

"Tara na, inaantok na ako." walang gana kong aya sa kanila at nauna na akong naglakad papasok sa loob ng hotel.

Naramdaman ko naman na sumunod sila sa akin. Good. Akala ko magliligawan pa sila sa labas. Lumapit ako agad sa receptionist para itanong ang pinareserve namin kahapon na magiging room namin ngayong gabi.

"Good evening. May I help you ma'am?" she asked me in a polite voice. Nahuli ko pa na tumingin siya sa likuran ko bago niya ibinalik ang tingin sa akin at nginitian niya ako ng matamis.

"I'm Ms. Abellano. Tumawag ako kahapon dito para sa reservation niyo dito sa hotel niyo. Two rooms for four person. Anyway, this is my ID." sabi ko at ipinakita ko naman sa kanya ang school ID ko. Kinuha naman niya ito agad para tignan.

"Wait a minute, ma'am."

May chineck pa siya sa harapan ng kanyang computer at tina-type niya yata ang name ko doon. Ako kasi ang tumawag dito kahapon at ako rin mismo ang nagpa-reserved ng room namin nila Kaye for one night. Bukas na lang kami uuwi pabalik ng Cebu at isa pa may nakuha na rin kaming ticket para sa flight namin pauwi. Ano pa nga bang silbi ni Kuya Zachary diba? Maimpluwensya ang pamilya namin kaya hindi kami nahirapan makarating dito sa Manila.

"Yes ma'am nakita ko na po. One room for two person po. Bale dalawang room ang nireserved niyo kahapon. This is your keys. Room 504 and 506 in 17th floor. Thank you ma'am and welcome to our hotel." nakangiting sabi sa akin nung receptionist. Ngiting tipid lang ang sinukli ko sa kanya at nagpasalamat. Kinuha ko ang dalawang susi at akmang aalis na nang may maalala ako.

"Miss pwede bang mag-paakyat ka ng makakain sa room namin?" tanong ko sa kanya.

"Yes po ma'am. Sandali lang po at magpa-paakyat po ako agad ng chambermaid para ihatid ang makakain niyo." sagot niya na nakangiti kaya this time ngumiti ako na hindi pilit.

SEVENTEEN AND THE LONG LOST ROYAL PRINCESS ✔ | svt fanficWhere stories live. Discover now