EPILOGUE

3.1K 132 116
                                    

Epilogue

THIRD PERSON's POV

A lot of people are silently watching in front of them. They all happily looked at the two lovers at the altar and they exchanged words promising that they would love each other forever until their last breath. The coin bearer and the ring bearer walked to the altar and approached the Father at the same time. Hindi tuloy maiwasang ng mga tao na mapangiti habang nakatingin sila sa cute batang lalaki na ring bearer.

In the middle of the wedding ceremony, bigla na lamang nakaramdam ng pananakit ng tiyan si Krystal. She immediately looked at her husband and turned her gaze to Bohyuk and Lory who were in front of the altar for their wedding. She touched her belly because she was nine months pregnant with her first child and it was obvious to her that she was about to give birth.

"Okay ka lang, wifey? Bakit namumutla ka?" she heard her husband's question and she felt him hold her hand.

"Manganganak na y-yata ako.." she answered to her husband and Wonwoo's eyes widened. The pain drew on Krystal's face as she felt her stomach hurt even more.

"Shit!" bulalas bigla ni Wonwoo. Krystal hit her husband on the head when she heard him cursed especially they were inside the church. Krystal heard the weak laughter of the other members of SEVENTEEN who were currently sitting behind them.

"wag ka n-ngang magmura. D-dalhin mo na lang kaya ako sa ospital!" nanghihina ngunit may diing sabi ni Krystal.

Kaya pa naman niyang magtiis pero kapag nagtagal pa sila sa loob ng simbahan ay nakakasiguro siyang dito na siya mapapaanak. Napatayo agad si Wonwoo at napatingin naman sa kanya ang mga tao dahil sila ang nakaupo sa pinaka-unahan.

"Maupo ka nga, Wonwoo hyung. Pahara-harang ka naman diyan eh." nakabusangot na saway ni Seungkwan pero tila walang naririnig si Wonwoo.

"Let's go, dadalhin na kita sa ospital." nag-aalalang sabi ni Wonwoo sa kanyang asawa. Sino ba naman kasi ang hindi mag-aalala kung nakikita niya sa mukha ng kanyang asawa ang labis na sakit na nararamdaman.

"Anong nangyayari? Wait wait, bakit namimutla yung mukha ni Krystal?" tanong ni Joshua nang makita niyang namumutla si Krystal. Mas lalo silang nag-alala nang makita nilang nakahawak ito sa maumbok nitong tiyan at tila may iniindang sakit.

"Fuck! Manganganak na ang asawa ko!!" sigaw ni Wonwoo dahilan para magsitayuan ang ibang mga tao lalong-lalo na ang buong members ng SVT na nagsisimula ng magpanic.

"Naku po! Manganganak na si Krystal!!" sigaw ni Dokyeom kaya nakatanggap tuloy siya ng malutong na hampas galing kay Woozi.

"Rinig ka namin Dokyeom kaya wag kang sumigaw." salita naman ni Kaye. Agad namang lumapit sila Bohyuk sa mag-asawa para matignan si Krystal.

"Sige kuya, dalhin mo na siya sa ospital." utos ni Bohyuk sa kapatid.

Hindi naman agad nagdalawang-isip si Wonwoo at mabilis na binuhat na pang-kasal ang kanyang asawa. Nagmamadali niyang namang dinala palabas si Krystal papunta sa kanilang sasakyan para maisugod agad ang asawa niya sa ospital.

"Wait, sasama kami!" sigaw ni Kaye at sumunod agad.

Ganun din ang iba na mabilis nagsitakbuhan palabas ng simbahan habang nakatanaw naman ang mga tao sa kanila.

Mas lalong nakaramdam ng pagkahilab sa tiyan si Krystal nang maupuin siya ni Wonwoo sa backseat at sinuotan siya ng seatbelt. Nakita rin niya ang pinsan niyang hinihingal dahil sa pagtakbo nito kasunod ang buong members ng SVT.

"Kaya mo pa ba?" tanong ni Kaye sa kanyang pinsan at naupo siya sa tabi nito.

"O-oo, keri ko pa." sagot ni Krystal at nanghihina niya itong nginitian.

SEVENTEEN AND THE LONG LOST ROYAL PRINCESS ✔ | svt fanficWhere stories live. Discover now