KABANATA 26: MISSED CALLS

1.5K 164 112
                                    

KABANATA 26: MISSED CALLS

VERNON's POV

Tulad nga ng sinabi ni Manager Younghwan sa amin, hindi muna namin tinuloy ang practice ng sayaw namin dahil sa gusto kaming makausap ni Prince Maxrill ngayon. Bakit naman kaya gusto niya kaming makausap? Para saan ang pag-uusapan namin? Ewan, hindi ko alam. Seungcheol hyung just kept quiet while looking out the car window. Nakabusangot naman ang mukha ni Hoshi hyung habang abala siya sa kakapindot sa kanyang cellphone. We have been in our car for almost half an hour because only Manager Younghwan knows where we are going to meet Prince Maxrill and he's also our driver.

"Nandito na tayo," narinig kong salita ni Manager kaya naman tumingin ako sa labas ng bintana. Nakahinto ang sasakyan namin sa tapat ng isang mamahaling restaurant pero nakasarado naman ang pintuan ng restaurant na yun.

Nagsibabaan kami sa Van at sinundan lang namin si Manager Younghwan. Tuloy-tuloy lang sa paglalakad si Manager hyung at nauna pa siyang pumasok sa loob ng restaurant. Sumunod naman kaming pumasok at wala kaming naabutan na mga costumer sa loob. Mukhang sinadya yatang hindi muna magbukas ang restaurant na 'to.

"I'm glad na nandito na kayong lahat.."

We heard a baritone voice and we saw a tall man wiping the desk at the counter. Manager Younghwan bowed to that man so we also bowed to him. He looks familiar to me at parang nakita ko na siya somewhere. Mahahalata ding mayaman ang lalaking ito base sa suot nitong damit at sapatos. Medyo may pagka-maskulado ang pangangatawan niya at masasabi kong may itsura siya.

"Buti naman at nandito na kayo. Magsi-upo na muna kayo." salita ng isang lalaki at pagtingin namin ay si Prince Maxrill lang pala. Nag-bow naman kami sa kanya bilang paggalang sa Royal Prince bago kami nagsi-upuan sa mga silyang narito.

"Hintayin ko na lang kayo sa sasakyan.." paalam ni Manager Younghwan sa amin kaya tumango lang kami bago siya lumabas ng restaurant.

"Knight, maghanda ka ng pagkain." utos ni Prince Maxrill sa lalaking nasa counter kaya lahat kami ay napatingin sa lalaking yun.

"Okay, coming up!" nakangiting sagot nito bago siya pumasok sa pinakaloob ng restaurant. Kaya naman pala pamilyar siya ea akin! He's Prince Knight! One of Krystal's older brother!

"Anyway, it's about Krystal kaya gusto ko kayong makausap.." panimula ni Prince Maxrill kaya naibaling namin ang aming atensyon sa kanya.

"Why? Anong tungkol kay Krystal? Did something bad happen to her?" sunod-sunod na katanungan ni Hoshi hyung kaya mabilis na tinakpan ni Woozi hyung ang bibig niya. Prince Maxrill chuckled and he took a heavy sighed.

"Walang masamang nangyari sa kanya, Mr. Kwon. She's fine. I just wanted to asked a favor." nakangiting sabi niya.

"Anong favor?" tanong naman ni Seungcheol hyung.

"Tatum will be back here in South Korea and he will take Krystal with him after her graduation day.." walang kapreno-prenong turan ni Prince Maxrill na nagpa-gulantang sa amin. Is he serious?

"WHAT?!" sigaw ni Seungkwan na gulat na gulat kaya pati siya ay tinakpan ni Woozi hyung ang bibig.

"Tama ba ang narinig ko?" Dokyeom hyung na lumaki pa ang dalawa niyang mata. Kahit ako ay hindi rin makapaniwala. Isasama si Prince Tatum si Krystal dito sa South Korea? Ibig sabihin ay makikita at makakasama ulit namin siya?

"W-wait.. ang ibig mong sabihin ay isasama ni Prince Tatum si Krystal dito sa South Korea?" di makapaniwalang tanong ni Joshua hyung na ikinatango ni Prince Maxrill.

"Yes and that's why I need to talk all of you dahil kailangan din namin ng tulong niyo." sabi niya kaya nagkatinginan kaming lahat sa isa't-isa.

"Tulong? Anong klaseng tulong?" this time ay Wonwoo hyung na ang nagtanong. Oo nga 'no? Anong klaseng tulong ang maibibigay namin sa kanila?

SEVENTEEN AND THE LONG LOST ROYAL PRINCESS ✔ | svt fanficWhere stories live. Discover now