KABANATA 82: WEDDING GOWN

1.1K 115 61
                                    

KABANATA 82: WEDDING GOWN

SWEETHEART KRYSTAL's POV

Ilang araw na ang lumipas matapos kong makilala at makaharap ang pamilya ni Wonwoo. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwalang nagkita kami ulit ni Bohyuk. Akala ko wala ng balak si Wonwoo na ipakita sa akin ang kapatid niya. Sa paglipas ng ilang araw, nakatuon lang ang atensyon namin ni Wonwoo sa papalapit naming kasal.

Halong excitement at kaba ang nararamdaman ko lalo na't minamadali ng eomma ni Wonwoo ang kasal naming dalawa. Mas mukhang sila pa ang mas excited kaysa sa aming dalawa ni Wonwoo. Gayun pa man, masaya ko dahil tanggap ako ng magulang niya.

Kasa-kasama ko rin ang mga pinsan ko sa pag-asikaso ng ilang kailangan namin sa kasal. Pati si Lory ay sumama na rin sa amin para daw makatulong sa amin. Habang lumilipas ang oras, paparating naman ang araw ng kasal kaya gahol na kami sa preparation at oras. Iilan lang din ang inimbitahan namin sa kasal. Karamihan ay mga malalapit naming kamag-anak at kaibigan lang ang tanging inimbitahan namin.

"Okay na ba kaya ito?" tanong ko kay Cheol, Jeonghan at Joshua.

Pinakita ko sa kanila ang nakapukaw ng atensyon ko, ang white long gown. Sobrang ganda nito dahil madaming palamuti at halatang mamahalin pa dahil maganda ang design.

Sila ang kasama ko ngayon para magtingin-tingin ng wedding gown na susuotin ko at tanging si Wonwoo lang ang wala dito. Hindi kasi nila siya sinama para daw surprise sa kanya yung susuotin ko sa araw ng kasal namin. Hindi ko alam kung bakit ang dami nilang kaek-ekan sa buhay. Si Seungkwan ang nagsimula kaya ayun nakisakay ang ibang members sa suggestion niya kaya hindi namin kasama si Wonwoo ngayong araw.

Nandito rin sila Kaye at hindi ko alam kung saang lumalop na sila nagpunta. Susunod na lang sila Kuya Ace dito para naman daw makita nila kung anong gown ang mapipili ko. Chineck naman ni Joshua yung tinutukoy kong wedding white gown at mukhang nagandahan din siya base na rin sa reaksyon ng gwapong mukha niya.

"Maganda pero mas maganda yung magsusuot." Joshua at kinindatan ako. Hindi naman nakaligtas sa akin kung paano umasim ang mukha ni Cheol at Jeonghan dahilan para matawa ako ng mahina.

"Jusko Joshua Hong, tigil-tigilan mo nga yang kakornihan mo. Pasalamat ka wala si Wonwoo dito dahil kung nandito lang yun for sure ibibitin ka niya ng patiwarik sa labas nitong mall." salita ni Jeonghan kaya natawa si Joshua.

"Baka kamo hindi na siya makalabas ng buhay dito sa shop." Cheol habang napailing-iling siya ng ulo.

"Grabe naman kayo, syempre chance ko na 'to habang wala si Wonwoo." sagot ni Joshua kahit na natatawa pa rin s'ya.

"Anong chance ka diyan. Ikakasal na yung tao saka ka pa makikipaglandian diyan!" ani Jeonghan kaya ako naman ngayon ang napailing-iling ng ulo dahil sa kanilang tatlo.

"Ma'am, may napili na po ba kayo?" tanong ng sales lady na kanina pa pala nakasunod at nanonood sa amin. Ngumiti ako at tinuro sa kanya yung white gown na nakapukaw sa atensyon ko.

"Pwede ko bang i-try itong gown na 'to?" tanong ko.

"Yes ma'am, you can try to wear it in our fitting room." magalang niyang sagot kaya nakangiti ng tumango ako ng ulo.

Tiningnan ko naman si Cheol dahil hanggang ngayon nagtatalo pa din sila ni Jeonghan at Joshua. Hindi nila napapansin na kanina pa sila pinagtitinginan at pinagtatawanan ng ilang mga wales lady dito. Ang iba naman ay halatang kinikilig pa. Hindi kasi nakasuot ng disguise sila Jeonghan kaya malayang nakikita ng mga sales lady yung angkin nilang mga kagwapuhan.

" Isusukat ko lang yung gown.." paalam ko kay Cheol.

"Okay, hintayin ka na lang namin sa labas ng fitting room." sagot niya kaya tumango na lang ako bilang sagot. Dalawang sales lady ang natulungan na buhatin ang gown na susukatin ko.

SEVENTEEN AND THE LONG LOST ROYAL PRINCESS ✔ | svt fanficWhere stories live. Discover now