KABANATA 44: I'M JUST HERE FOR YOU

1.2K 142 88
                                    

KABANATA 44: I'M JUST HERE FOR YOU

SWEETHEART KRYSTAL's POV

Tumama sa aking mukha at buong katawan ang malamig na hangin. My long hair is also blown by the wind. I pulled this man and pushed hard so he fell to the floor but he also got up quickly. I closed the door and walked closer to him so he walked backwards. Kitang-kita ko sa pagmumukha niya ang labis na kaguluhan at maski na rin ang takot.

"Sino ka ba ah?! Sinasayang mo lang ang oras ko eh!" inis niyang singhal sa akin.

"I just have a question and I want you to answer me honestly." seryosong sabi ko at huminto sa paglalakad.

"Ano y-yun?" nauutal niyang tanong.

"May nag-utos ba sayo para dukutin kami ni Kuya Ace?" diretsang tanong ko na ikinalaki ng dalawa niyang mata.

"A-anong ibig mong sabihin?" aniya at mas lalong umigting ang panga ko dahil sa matinding galit.

"Narinig mo naman ang tinanong ko diba? Ayoko ng paulit-ulit kaya sagutin mo ang tinatanong ko!" nanggagalaiti kong sigaw at pilit kong pinipigilan ang sarili ko na masaktan ang walanghiyang lalaking 'to.

"I-Ikaw ang Royal Princess? Ikaw ang nakababatang k-kapatid ni Ace? Pero.. papaanong buhay ka?" mautal-utal niyang sabi at bakas sa boses niya na hindi makapaniwala kaya nginisian ko siya. Mas lalo lang siyang natatakot sa akin.

"Surprise? Yes, I'm alive. Now I will ask you again. May nag-utos ba sayo na kidnapin kami ni Kuya Ace? Sagot!" ubod kong sigaw ng malakas kaya napatalon pa siya sa gulat.

"Bakit b-buhay ka?" di-makapaniwalang sambit niya na tila nakakita siya ng multo. Hindi na ako nakatiis at agad ko siyang kinuwelyuhan. Sinandal ko siya sa railings at napasigaw naman siya sa takot nang makita niya sa ibaba kung gaano kataas ang building na ito.

"Sasagot ka ba o ihuhulog kita dito? I don't care if you die here. Kilala mo naman ang pamilya namin diba? I could order to clean up this fucking crime to hide from the public that I killed you. Siguro alam mo naman kung paano magalit sila Kuya Tatum at ganun din ako. I can kill you right now na hindi ako kumukurap. Kaya kitang patayin kahit na magmakaawa ka pa." pagbabanta ko sa kanya at nakita ko naman ang sunod-sunod niyang paglunok sa kanyang laway.

Nanginginig ang kanyang kamay nang hawakan niya ako para tanggalin ang pagkakakwelyo ko sa kanya at tagumpay naman niyang natanggal iyon. Ngumiti siya sa akin na parang isang demonyo. Ganito ang pag-ngiti niya habang walang awa niyang pinagbubugbog si Kuya Ace noon.

"Anong akala mo sa akin bobo?! Hindi ako natatakot sayo. Babae ka lang at leader ako ng isang gang! Kaya din kitang patayin! Mabuti na lang nagpakita ka sa akin kaya mapapatay kita gamit ang sarili kong mga kamay!" sigaw niya at tumawa ng napakalakas. Isang tawa na parang baliw. Well, baliw na nga pala ang hinayupak na 'to. Mas lalo lang tuloy akong nagagalit sa kanya.

"Pero sige sasabihin ko sayo ang totoo bago pa kita patayin. Oo! May nag-utos sa amin na dukutin kayo! Hindi mo alam kung gaano ako ginalit ng Kuya Ace mo! Masyado kasi siyang nagmamagaling! Pati ang buong gang ko pinagbubugbog niya pero ano?! Sa bandang huli namatay ang Kuya mo para protektahan ka! Hindi siya lumaban dahil ayaw niyang makita mo kung gaano siya kahalimaw! Itong peklat na ito ah?! Siya ang may gawa nito pero di bale, nabaril ko naman siya bago siya nahulog sa bridge!" mahabang litanya niya at muling tumawa na parang isang demonyo.

Naiyukom ko ang kamao ko at tumigil siya sa pagtawa nang marahas ko siyang sinuntok sa kanyang mukha. Sapo niya ang kanyang labi na dumugo pa pa dahil sa lakas ng pagkakasuntok ko.

"Fuck!" galit niyang bulalas at sumugod sa akin.

Kung dati ay musmos palang ako at wala pa akong kalaban-laban, pwes hindi na ngayon. Dahil kaya ko ng depensahan at protektahan ang sarili ko. Akma niya akong sasampalin nang pigilan ko ang kamay niya at sinipa siya sa kanyang tiyan. Narinig ko ang malakas niyang daing kaya mas lumawak ang ngisi ko.

SEVENTEEN AND THE LONG LOST ROYAL PRINCESS ✔ | svt fanficWhere stories live. Discover now