KABANATA 8: ROYAL FAMILY

2.7K 205 103
                                    

KABANATA 8: ROYAL FAMILY

SWEETHEART KRYSTAL's POV

Pinagkatitigan ko ng maayos ang nasa litrato. Sino ba sila? Bakit napaka-pamilyar nila sa akin? Masyadong malabo ang imahe na biglang nag-flashback sa isipan ko at hindi pa rin nawawala ang pagkakirot ng ulo ko.

Nilipat ko ang pahina kung nasaan ang nasa headlines tungkol sa King Adamson na yun. Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Bakit ako biglang nagkaroon ng interesado sa King Adamson na 'to at pati na rin sa Katarina Park na kanyang karelasyon kuno kahit na hindi ko naman sila kilala? May nakita ulit akong litrato doon sa magazine but this time ay isang family picture na. Mukha silang isang Royal Family dahil sa suot nilang mga damit na mukhang mamahalin pa ang tela.

Binasa ko naman ang nakasulat sa ibaba ng litrato. Matsunaga Royal Family. May iba pang nakasulat doon at mukhang tungkol yun sa pamilyang Matsunaga.

"Harold Matsunaga was a King from France. King Harold's wife died of leukemia but they had two sons. Prince Adamson was the eldest son and Prince Charles is the youngest son. Prince Adamson was a Crowned King after their father King Harold stepped down from his throne. At the age of twenty five, King Adamson was married to a veteran painter and actress Annabelle Chae." basa ko sa nakasulat at tiningnan ko naman ang nasa gilid ng litrato. 

Apat na tao ang nasa picture at nakilala ko naman ang isa doon dahil si King Adamson ang nasa likuran ng dalawang tao na mukhang mag-asawa. At sa tingin ko naman ay ang dating King na si Harold naman ang isang lalaking mababakasan na ng edad.

Tiningnan ko naman yung babaeng katabi ni King Adamson. Isang babaeng maganda at mahaba ang buhok habang nakangiti siya sa kamera. Sa tingin ko ay ito si Annabelle na asawa ni King Adamson. Napalunok na lang ako nang habang tumatagal ang pagtitig ko sa mukha nung babae ay pakiramdam ko ay nananalamin lang ako. Bigla na lang din akong kinabahan na hindi ko maintindihan. Tama ba itong nakikita ko? Bakit parang kahawig ko yung Annabelle na yun? Bumaba muli ang tingin ko sa ilan pang nakasulat sa magazine.

"Annabelle is the sole heiress of Chae family and the only daughter of one of the richest and most influential businessmen, Alfonso Chae. King Adamson and Annabelle were blessed with six children. Five sons and one daughter. But unfortunately, their eldest son Prince Ace died after he beaten by the unidentified men who kidnapped them along with their youngest daughter. Princess Sweetheart. The Royal Princess survived but she was involved in the explosion of cruise ship with her mother Annabelle which led to a tragic incident." 

May isang litrato ulit akong nakita at dito talaga ako napatitig ng matagal. Isa-isa kong kinilatis ang mukha nung limang batang lalaki habang nasa gitna naman nila ay ang isang batang babae na may kulay sapphire blue eyes.

"A few years later King Adamson raised his four sons alone. October 16, **** King Adamson announced to the public that he and veteran actress Katarina Park are engaged. This is the first time he has announced that he was in a relationship again after he was widowed by his first wife Annabelle. Katarina is one of the most popular and paid actresses from South Korea and she has also starred in various films that impress her fans."

Muli akong napahilot sa sentido ko. Mas lalo lang sumakit yung ulo ko sa mga nababasa ko kaya kinalkal ko muna sa bag ko ang painkiller para makainom ako ng gamot pero agad din akong natigilan nang sa paglipat ko ng pahina ay nakita ko ang mga litrato ng apat na naggagawapuhang lalaki na mahahalatang mga binata na.

"Prince Maxrill, Prince Knight, Prince Duke and Prince Tatum..." basa ko sa mga nakasulat roon.

Bawat litrato ay may nakasulat na pangalan. Kinilatis ko naman yung isang picture ng lalaki at parang nakita ko na siya somewhere. Hindi ko lang matandaan kung saan at kailan pero muli akong natigilan at halos manikip ang dibdib ko nang maalala kung sino yun.

SEVENTEEN AND THE LONG LOST ROYAL PRINCESS ✔ | svt fanficWhere stories live. Discover now