KABANATA 37: COMEBACK

1.4K 142 84
                                    

KABANATA 37: COMEBACK

SWEETHEART KRYSTAL's POV

Ngayon na sa wakas ang comeback nila Wonwoo. Ni-release na nila ang music video sa official youtube channel nila at kasalukuyan ko itong pinapanood. Paniguradong pati sila Kaye ay pinapanood nila ang MV at nagtitili na silang dalawa ni Jasmine ngayon. Kung hindi pa binanggit ni Seungkwan kanina ang tungkol dito ay hindi ko pa 'to mapapanood.

"Woah! Ang gagwapo niyo naman dito lalo na ikaw Jeonghan! Ang cute mo Woozi tapos ang astig din ni Wonwoo sa suot niya! Sobrang ganda nung kanta pati na rin yung sayaw!" tuwang-tuwa kong bulalas habang tutok na tutok ang dalawa kong mata sa pinapanood ko.

Narinig ko naman ang mahinang pagtawa ni Jeonghan. Sobrang ganda naman kasi nung kanta at sayaw nila. Happy Ending ang title nung song nila. Paniguradong hahakot na naman sila ng mga awards neto dahil sa sobrang ganda nitong MV na ni-release nila.

"Eh ako? Wala ba man lang akong compliment na matatanggap diyan?" rinig kong tanong ng isang boses at kahit hindi ako tumitingin ay alam kong si Hoshi yun.

"Syempre ang gwapo mo din tapos ang sexy mo ring tignan kapag sumasayaw lalo na nung ikaw yung nasa unahan!" masiglang sagot ko at tiningnan siya sa kanyang mukha. Sumilay ang matamis niyang ngiti sa labi at marahang ginulo ang buhok ko.

"Ang cool ni Wonwoo dito sa suot niyang SWAT uniform. Bagay na bagay sa kanya." mangha ko pang sabi.

Narinig ko pang may tumikhim at kinuha ang hawak kong cellphone. Pagtingin ko ay si Mingyu ang kumuha nun at siya rin ang katapat ko dito sa lamesa.

"Kumain ka na muna, mamaya mo na 'to panoorin. Baka mainlove ka pa kay Wonwoo hyung eh." Mingyu at nginisian ako.

Naramdaman ko naman na may umakbay sa akin at nang tignan ko ito ay si Wonwoo pala. Nandito kasi kaming lahat sa dining area para kumain ng almusal.

"Wala namang problema sakin kung maiinlove si Krystal sakin." maangas na sabi ni Wonwoo at kinindatan ako. Mahina ko siyang siniko sa tagiliran niya dahilan para mapaaray siya ng mahina.

"Anong pinagsasabi mo diyan?" naguguluhan kong tanong sa kanya. Natigilan ako nang bigla niyang ilapit ang kanyang mukha sa akin at ngumisi ng nakakaloko.

"Kanina mo pa binabanggit ang pangalan ko. Mahirap na kung mahulog ka sakin. Pero sige sasaluhin kita, pasalamat ka maganda't sexy ka." sagot niya at muli akong kinindatan.

Aba't loko 'to ah! Inaatake na naman s'ya ng pagiging pilyo niya. Pinitik ko tuloy siya sa noo niya kaya napauwang siya ng bibig at napahawak pa sa kanyang noo. Agad ko naman siyang sinubuan ng toasted bread na nakahain sa lamesa para matikom ang kanyang bibig. Pero tinanggal niya ang tinapay sa bibig niya at ngumiti ng nakakaloko sakin.

"Grabe ka naman manlambing sakin, baby.." hirit pa niya kaya nabatukan ko tuloy siya ng wala sa oras pero tinawanan lang niya ako.

Inayos ko naman agad ang buhok niya dahil nagulo yun ng kaonti pero natigilan ako dahil sa malakas na pagtikim. Literal na huminto ang pag-aayos ko sa buhok ni Wonwoo at nilingon ang taong tumikhim ng malakas.

Oh crap! Muntikan ko ng makalimutan na kasama pala namin sila Mingyu dito sa dining area.

"Aba nakakakilig naman kayong tignan.." mapanuksong saad ni Jun at lumabas ng dining area habang kumakain ng tinapay.

Nginisian naman kami ni Minghao at medyo ginulo ang buhok ko dahil katabi lang siya ni Mingyu.

"Mag labing-labing muna kayo. Just take your time guys." salita ni Minghao at lumabas na rin s'ya sa dining area.

SEVENTEEN AND THE LONG LOST ROYAL PRINCESS ✔ | svt fanficWhere stories live. Discover now