KABANATA 34: CIMITERO DI CHAE ROYALE

1.4K 152 82
                                    

KABANATA 34: CIMITERO DI CHAE ROYAL

SWEETHEART KRYSTAL's POV

Ginawa ko agad ang morning routine ko nang magising ako kinaumagahan. Kakatapos ko lang din magsuklay nang marinig kong may kumakatok sa pintuan ng kwarto ko. Agad ko ring pinagbuksan ang taong yun at bumungad sakin si Dokyeom na wagas kung makangiti.

"Good morning! Breakfast is ready! Tara na naghihintay na sila Seungcheol hyung sa tambayan." masigla niyang bungad sakin.

"Tambayan?" tanong ko at lumabas na rin ako ng kwarto ko.

Napalingon pa ako sa pinto dahil ayos na ito at wala na ring crack doon. Maayos na rin ang mga turnilyo at hindi na ito tulad kagabi na nakauwang ito.

"Ah oo nga pala, hindi ka pa pala namin nato-tour dito sa bahay namin.." natatawang sambit niya at napakamot pa siya sa kanyang ulo.

Sabay naman kaming napatingin ni Dokyeom sa bumukas na pinto sa katapat ko lang na kwarto. Niluwa nun si Wonwoo na bagong gising lang yata. Ngumiti siya agad nang makita ako kaya sinuklian ko din siya ng matamis na ngiti.

"Gising ka na rin pala Wonwoo hyung. Tara na sa tambayan para makakain na tayo ng almusal." aya ni Dokyeom sa kanya. Sinarado ko muna ang pinto sa kwarto ko at sinabayan ko silang dalawa sa paglalakad.

"May schedule daw ba tayo ngayon?" tanong niya agad kay Dokyeom.

"Tumawag si Manager hyung kanina kay Seungcheol hyung. Ang sabi tatapusin na daw natin ngayong araw yung MV kaya buong araw na naman tayong busy." rinig kong sagot ni Dokyeom. Tatapusin na MV? Paniguradong abala na naman silang lahat ngayong araw na 'to.

Sabay-sabay naman kaming nagtungo sa kung saan. Hindi ko pa kasi alam ang pasikot-sikot dito sa bahay nila. At isa pa, naiintindihan ko rin sila kung bakit hindi pa nila ako magawang i-tour dito. Masyado pa silang busy at hindi ko naman sila pwedeng istorbohin. Kahit papaano ay alam ko kung saan ang daan papunta sa kwarto ko, sa kusina at kahit ang palabas ng bahay na 'to.

Hindi ko naman namalayan ang paglapit bigla ni Wonwoo sa akin at medyo nilapit pa ang kanyang bibig sa tenga ko. Hindi naman kami napansin ni Dokyeom dahil nauuna siyang naglalakad habang nakasunod naman kaming dalawa sa kanya.

"Good morning." bulong niya kaya tinaasan ko tuloy siya ng isa kong kilay.

Babatiin lang pala ako may pabulong-bulong pa siyang nalalaman. Ngayon ko lang din napansin na paakyat kami sa hagdan at sa tingin ko ay papunta kami sa rooftop.

"How about Krystal?" tanong bigla ng lalaking 'to. Nilingon naman kami ni Dokyeom at sinabayan kaming dalawa ni Wonwoo sa paglalakad. Kumunot naman ang noo ko dahil kay Wonwoo.

"What about me?" naguguluhan kong tanong sa kanya.

"Hindi ka namin pwedeng iwanang mag-isa dito sa bahay." sambit niya dahilan para mapa-shrugged ako.

"Hindi na ako bata. Kaya ko ang sarili ko dito okay?" sabi ko bago kami pumasok sa isang pinto. Dumampi sa balat ko ang malamig na hangin at malayang sumasabay ang mahaba kong buhok sa pag-hangin.

"Wow.." manghang bulalas ko. Inikot ko ang aking tingin sa buong rooftop. Sobrang ganda pala dito sa rooftop at napaka-presko pa ng hangin.

"Nandiyan na pala kayo. Tara na dito at para makapag-almusal na tayo." salita ng isang boses at pagtingin ko ay si Jeonghan lang pala.

Kumpleto na silang lahat dito sa rooftop at mukhang kami na lang ang inaantay nila. Meron ding sofa na nandito at mukhang kasyang-kasya kaming lahat doon.

SEVENTEEN AND THE LONG LOST ROYAL PRINCESS ✔ | svt fanficWhere stories live. Discover now