KABANATA 15: CAMPING

1.9K 185 107
                                    

KABANATA 15: CAMPING

SWEETHEART KRYSTAL's POV

It's a Wednesday morning at nakahanda na lahat ng mga dadalhin naming kagamitan. Bitbitin ko ang black travel bag ko na naglalaman ng mga damit at iba kong gamit na kakasya sa loob ng dalawang araw naming camping. Nakita ko naman si Hoshi at Seungkwan nang bumaba ako sa hagdanan. Parehas silang naghihintay sa akin sa sala. Ngumiti naman agad sa akin si Hoshi nang makalapit ako sa kanila.

"Ako na magbibitbit nito." presinta ni Hoshi at hindi na ako nakaangal nang kunin niya ang hawak kong bag. Ngumiti ako at nagpasalamat na lang ako sa kanya.

"At magandang umaga pala." dagdag pa ni Hoshi. Mas lalo akong napangiti kaya nakurot ko siya sa pisngi niya.

"Good morning din." bati ko pabalik.

Pinulupot naman ni Seungkwan ang kamay niya sa braso ko bago kami lumabas ng bahay. Nakita ko rin sila Cheol na pinaglalagay ang mga gamit nila sa likuran ng Van at talagang naka-ready na silang lahat. Mas mukha pa silang excited kaysa sakin. Nakapaskil sa mga mukha nila ang kasiyahan at nagmamadali pa silang lahat.

"Nagtext pala si Kaye sakin. Antayin na lang daw nila tayo sa school niyo.." salita ni Minghao.

Tumango naman ako at lihim akong natawa. Minsan para-paraan din si Kaye 'e. Kinuha niya kasi ang number ni Minghao kahapon para may contact daw sila sa SVT. Ito namang si Minghao, hindi nag-dalawang isip na ibigay ang number niya kaya tuloy pinaulanan sila ng tukso nila Seungkwan.

"Sigurado na ba kayo sa gagawin niyo? Paano kung mapahamak kayo dun? Paano kung may mga fans kayo dun tapos kuyugin kayo? Wala pa naman kayong mga kasamang mga bodyguards." sunod-sunod kong katanungan dahil talagang nag-aalala ako sa kanila.

Napatingin naman silang lahat sa akin. Narinig ko pa nga ang mahinang pagtawa ni Cheol habang nilalagay sa likuran ng Van ang mga natitirang bag.

"Don't worry Krystal noona, kayang-kaya naman namin na magtago kaya nakakasiguro kami na walang makakakilala sa amin." sagot sakin ni Dino na kasalukuyang naglalaro sa kanyang cellphone at saglit lang niya akong tinignan bago binalik ang atensyon sa ginagawa niya.

"At uso rin sa amin ang disguise." salita naman ni Jun na prenteng nakaupo sa tabi ni Dino.

"Wag mo kaming alalahanin, Krystal. Ikaw kaya dapat ang mag-ingat. Diba mala-gubat doon? At saka sabi nila Kaye sila na daw ang bahala sa tutuluyan namin doon ng dalawang araw." sabat naman ni Jeonghan.

Bahagya pa niyang pinat ang ulo ko bago niya nilagay sa passenger seat yung bag niya. Lumingon naman ako kay Hoshi nang akbayan niya ako.

"Wag kang mag-alala sa amin okay? We can handle ourselves." paniniguro niya sa akin kaya napatango na lang ako.

"Tara na baka maiwanan ka pa ng bus." aya samin ni Cheol kaya nagsisakayan na kami agad sa Van.

Nabanggit ko kasi kanila Kaye na gustong sumama nila Hoshi kaya talagang pumayag sila. Ang sabi din nila na sila ng bahala sa tutuluyan nila Minghao dun kaya malaki ang tiwala ko kanila Kaye.

Maya-maya lang ay nakarating na kami sa school. May iilang bus na rin ang nakaparada sa parking lot na gagamitin namin. Hindi rin naman ako pwedeng dito sumabay kanila Cheol dahil checking ng attendance mamaya kaya susunod na lang daw sila sa sasakyan naming bus.

"Buti nakarating ka na Krystal. Pinapasakay na tayo ni Ma'am sa bus 'e." bungad sa akin ni Kaye nang makababa ako sa Van.

Malawak rin ang pagkakangiti niya nang tumingin siya kay Minghao. Pansin ko pa na binigyan pa nila Jeonghan at Vernon ng mapanuksong tingin si Minghao na nakangiti lang din.

SEVENTEEN AND THE LONG LOST ROYAL PRINCESS ✔ | svt fanficWhere stories live. Discover now