KABANATA 75: PRINCE CASTRIEL

1.3K 124 74
                                    

KABANATA 75: PRINCE CASTRIEL

SWEETHEART KRYSTAL's POV

Gabi na nang magpasya na akong umuwi. Tumambay muna kasi ako sa bahay nila Cheol dahil hindi muna kasi ako pinauwi ni Jeonghan kaya nag-movie marathon na lang kami. Si meanie naman ay nakatulog na sa kandungan ni Jun at mukhang natutuwa naman si Jun kay meanie kaya hinayaan ko muna silang dalawang mag-bonding at babalikan ko na lang si meanie bukas ng umaga. Ayaw kasing humiwalay ni meanie kay Jun kaya iiwan ko muna siya dito sa bahay nila.

"Si Krystal, Wonwoo ah? Siguraduhin mong makakauwi yan." rinig kong paalala ni Cheol. Si Wonwoo kasi ang maghahatid sa akin pauwi sa Royal House.

"Hindi na didiretso sa kung saan-saan." paalala naman ni Jeonghan at pinanlakihan niya ng mata si Wonwoo.

"Text me when you get home okay?" Joshua at nginitian ako. Ngumiti lang din ako sa kanya at tinanguan ko siya.

"Sa Royal House ang diretso, Wonwoo hyung ah?" Seungkwan at sinenyasan si Wonwoo.

"Grabe naman kayo magpaalala, parang hindi ko iuuwi si Sweetheart ah?" Wonwoo at napakamot pa siya sa batok niya. Tumikhim naman ang lahat at sinamaan nila ng tingin si Wonwoo.

"Syempre, kilala ka namin 'no!" sabay na sabi nilang lahat kaya natawa ako ng mahina.

"Sige, uuwi na ako. Salamat sa time. Jun, ikaw na munang bahala kay meanie ah?" sabi ko.

"No problem." nakangiting sagot ni Jun. Niyakap muna nila ako isa-isa at napairap naman ako nang si Mingyu na ang yumakap sa akin.

"Basta ako pa rin ang ninong ah?" bulong niya sakin kaya nahampas ko siya sa kanyang braso. Tinawanan lang niya ako at kumaway naman ako sa kanila bago ako sumakay sa kotse. Sumakay na rin si Wonwoo at agad pinaandar ang sasakyan palayo.

***

WOOZI

Nakanataw lang ako sa papalayong kotse at napangiti nalang ako ng mapait. Masaya na siya, hindi ko na siya pwedeng guluhin pa. Naramdaman ko namang may umakbay sa akin at pagtingin ko ay si Hoshi lang pala.

"I think she's now happy." Hoshi at ngumiti pero alam kong peke lang yun.

Isa pa itong lalaking 'to, napakagaling niyang umarte. Kulang na lang magkaroon siya ng Best Actor Award dahil sa galing niyang umakto na ayos lang ang lahat.

"Mauuna na ako matulog, inaantok na ako." paalam ni Cheol sa amin at napahikab pa. Nagsipasukan naman kaming lahat sa loob at kanya-kanya namang diretso sa kwarto ang iba.

"Mingyu, saan ka pupunta?" tanong ni Minghao sa kanya kaya napatingin kami ni Hoshi kay Mingyu.

"Sa lounge bar room, sama ka?" Mingyu. Mabilis namang sumunod si Minghao sa kanya.

"Teka, sama rin ako!" Hoshi at tumakbo pasunod sa kanila. Hindi ko alam kung bakit pero sumunod din ako sa kanilang tatlo paakyat sa lounge bar room. Balak pa yata nilang magpakalasing muna bago matulog.

Si Minghao na ang nag-asikaso ng maiinom na alak. Nagsi-upuan na sila sa sofa kaya naupo na rin ako. Bakas naman ang gulat sa kanila at mukhang ngayon lang nila napansin na nakasunod din ako sa kanila.

"Sumunod ka rin hyung?" Minghao.

"Hindi ba obvious?" tipid kong sagot kaya napasimangot siya.

"Magpapa-antok lang ako." sabi ko sa kanila. Tumango-tango lang sila ng ulo at agad namang nilapag ni Minghao ang nakuha niyang red wine. Hindi rin naman ako umimik at nilagyan nalang ng alak ang baso ko bago ko ito nilagok.

SEVENTEEN AND THE LONG LOST ROYAL PRINCESS ✔ | svt fanficWhere stories live. Discover now