KABANATA 41: FAMILIAR BARITONE VOICE

1.3K 144 78
                                    

KABANATA 41: FAMILIAR BARITONE VOICE

SWEETHEART KRYSTAL's POV

Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko sa mga sandaling ito. Hindi ako mapakali at lakad lang ako ng lakad dito sa kwarto ko. Kakagat-kagat ko rin ang daliri ko sa kamay at pilit kong binubura yung mga nangyari sa kwarto ni Mingyu.

"Bwisit, bwisit. Bakit ba kasi ako nagpaanod sa halik niya?" wala sa sariling bulong ko.

Matapos akong mahalikan ni Mingyu, bigla na lamang siyang nawalan ng malay kanina. Malaki rin ang pasasalamat ko na walang ibang nangyaring kababalaghan sa kwarto niya. Nagkulong lang din ako sa kwarto ko hanggang sa ginabi na ako rito.

Ni hindi ko alam kung papaano ko haharapin si Mingyu nito. Two famous kpop idols kissed me for pete's sake! And that's Wonwoo and Mingyu! Paano kung malaman nila Kaye ito? Pero paano rin kung malaman nila Cheol? Ano na lang ang iisipin nila? Pero hindi naman siguro nila malalaman kung wala kila Wonwoo at Mingyu ang magsasabi o magku-kwento diba? Pwede rin naming panatilihing sekreto yun!

"Ang bobo mo talaga, Krystal! Summa cum laude ka pa naman!" parang timang kong panenermon sa sarili ko at kulang nalang ay iuntog ko ang sarili kong ulo sa pader.

Hindi ko alam kung paano ko sila pakikitunguhan matapos ang nangyaring yun. It was just an accident, right? Right, Sweetheart Krystal. Aksidenteng halik lang yun! Pero aksidenteng halik nga bang matatawag yun kung sila mismo ang humalik sa akin? Halos laplapan na nga yung ginawa namin eh! Para na yata akong mababaliw dito. Mawawalan na yata ako ng bait. Napasapo naman ako sa dibdib ko dahil sa gulat nang marinig kong may kumatok bigla.

"Pasok." sabi ko at umayos ng tayo. Bumukas ang pinto at nakita kong si Joshua pala yun. Ngumiti siya kaya nginitian ko din siya pabalik. Pumasok siya sa kwarto ko at pansin kong kumunot ang noo niya.

"Are you okay? Bakit mukhang balisa ka?" tanong niya. Lumunok naman ako. Hindi niya pwedeng malaman ang totoo.

"Ahm, kasi ano. Ano palang kailangan mo?" pagse-change topic ko para hindi na siya magtanong pa.

"Ah, pinapapunta pala tayo nila Seungcheol hyung sa lounge bar room." sagot niya.

"Ha? Bakit naman daw?" nagtatakang tanong ko. Agad naman kaming dalawa na lumabas sa kwarto ko.

"We will just celebrate. Nag-peaked number one kasi yung song namin sa Oricon Daily Single Chart tapos naka-receive pa kami ng Platinum status sa RIAJ.." nakangiti niyang sagot kaya na-amazed naman ako.

Sa pagkakaalam ko ang RIAJ ay sa Japan yun. Ang galing naman nila! Well, ang ganda naman kasi ng kantang ginawa ni Woozi pati ang steps na si Hoshi ang nag-choreograph.

"Wow, dapat ngang mag-celebrate tayo!" masiglang sabi ko kaya tinawanan niya ako.

Sabay kaming nagtungo sa lounge bar room. Naroon na ang iba nang makarating kami kaya naupo lang ako sa tabi ni Jeonghan habang sa kabilang gilid ko naman si Joshua. May mga pagkain, beer at red wine ang nasa lamesa habang si Dino at Dokyeom naman ang nagluluto malapit sa counter.

"Bakit wala pa sila Wonwoo?" rinig kong tanong ni Cheol dahilan para medyo matigilan ako.

Malamang pupunta din sila dito dahil bahay nila ito. Pero shit na yan. Bakit hindi na naman ako mapakali? Sobra talaga akong naiilang. Yung puso ko ay halos lumabas na sa rib cage ko dahil sa sobrang bilis nitong tumibok.

"Papunta na rin sila din dito. Sabay na daw sila ni Mingyu." sagot ni Joshua kaya napalunok ako.

Pati si Mingyu? Diba may lagnat siya? Nawalan pa nga siya ng malay kanina matapos niya akong halikan at muntikan na rin niyang baliwin ang katinuan ko dahil sa sobrang sarap niyang humalik. Bwisit na utak 'to, nakakahiya! Bakit ba kasi ako tumugon sa halik niya? What if isipin niyang nagustuhan ko yung paghalik niya? For sure aasarin ako lalo nun! Kasalanan mo din kasi Krystal! Hayyst! Pero infairness, magaling siyang humalik.

SEVENTEEN AND THE LONG LOST ROYAL PRINCESS ✔ | svt fanficWhere stories live. Discover now