KABANATA 21: REVELATION

1.7K 164 106
                                    

KABANATA 21: REVELATION

TATUM's POV

Hindi ko alam kung anong oras na kami matatapos na mag-usap usap dito sa opisina ni Mr. Abellano. I really want to finish it right away and go to Krystal's room. I was gone for a few days kaya ngayon ko lang siya ulit nakita at hindi ko pa siya nabantayan. Sobra talaga akong nag-alala sa kanya nang mawalan siya ng malay kanina mabuti na lang at napansin siya nung lalaking singkit kanina.

"What's your final decision Mr. and Mrs. Abellano? You need to tell Krystal about her true identity. She's a Royal Princess and she has a responsibility to fulfill." I heard Lolo Alfonso said.

Lolo Alfonso is the father of our mom. Since that tragedy happened to our family ay nagkaroon na nang alitan sa pagitan ng Matsunaga at Chae family. Lolo Alfonso also came to the Philippines and our visit here in the country became private para hindi namin makuha ang atensyon ng mga media reporters.

Maxrill told lolo Alfonso that we finally found Krystal pero hindi na muna namin sinabi kay Dad at lolo Harold ang totoo. Merong demonyita na nakatira sa Royal House at napag-usapan na din namin 'to na itatago na muna namin ito para sa kapakanan ni Krystal. Kailangan naming mag-ingat lalo pa't hindi namin alam kung sino ang mga kaaway namin.

"Ayaw rin naming ipagdamot sa anak namin ang totoong pagkatao niya. We are worried about her condition. Paano na lang mung may gumawa ng masama sa kanya? Napamahal na sa amin si Krystal kaya nag-aalala rin kami sa kalagayan niya." nag-aalalang sambit ni Mrs. Abellano.

I can't blame them. Napamahal na sila sa kapatid ko at nagpapasalamat pa rin ako dahil tinuring nilang parang isang tunay na anak si Krystal. Nagagalak pa nga kami na napunta ang kapatid ko sa mabuting kamay.

Uminit lang talaga ang ulo ko kanina dahil kanila Zachary. Pinag-usapan na naming lahat ito nung nasa South Korea kami. Pinauwi kasi ako ni Maxrill at sinabi niyang naroon ang mag-asawa para makipagusap tungkol kay Krystal. Sila Zachary lang itong mapilit na ayaw ibigay samin si Krystal kaya mas lalo kaming nahirapan kung paano namin makukuha ang kapatid ko.

Meron namang silang pinakitang ebidensya na si Krystal nga ang nawawalang Royal Princess dahil sa isang litrato na kinunan nila nung sa Tagaytay sila. Kamukhang-kamukha ni Krystal ang nawawala kong kapatid at alam ko din na siya yun dahil sa mata palang niya. Naniniwala rin ako sa lukso ng dugo.

"We will not let anything bad happen to her. Hindi kami ang kalaban niyo, ma'am and sir. Siguro naman handa rin kayong tumulong para maprotektahan si Krystal." Maxrill said seriously.

Talagang magalang ang kapatid kong 'to kahit na isa pa siyang prinsipe at may mataas na ranggo. Well, he's really like that when he's talking to people who are older than him.

"I think he's right, Tito. Hindi naman din nating pwedeng hayaan si Krystal na mapahamak diba?" Arata said. Siya lang ang nakakaintindi sa sitwasyon na ito.

Masyado din kasing mainitin ang ulo nung magkapatid na Padua. Hindi naman sana hahantong sa ganung kaguluhan kung binalak nilang ilayo si Krystal samin at dalhin sa ibang bansa. Ngayong nahanap na namin siya at kahit ano pang gawin nilang paglayo ni Krystal samin ay mahahanap at mahahanap pa din namin siya.

"She need to go back to her real life. She's one of the heiress of the Matsunaga and Chae family. The Empire Group of Company also needs her." saad ni lolo. Narinig ko naman ang malalim na buntong-hinga nung mag-asawa maski ang mga pinsan ni Krystal.

Empire Group of Company is one of the most respected, largest and richest companies in Asia and even in Europe. Si Krystal ang susunod na mamamahala sa kompanya na yun dahil sa kanya pinangalan yun nung bata pa lang kami.

SEVENTEEN AND THE LONG LOST ROYAL PRINCESS ✔ | svt fanficWhere stories live. Discover now