KABANATA 32: REVENGE NI MINGYU

1.5K 158 91
                                    

KABANATA 32: REVENGE NI MINGYU

SWEETHEART KRYSTAL's POV

Nakita ko agad ang malawak na espasyo nang makapasok ako sa practice room nila. Kumpleto din sila dito sa mga kagamitan at meron pang sofa. Ito yung nakita kong background nung kavideo-call ko sila Seungkwan nung nakaraang araw.

"Woah, ang ganda naman dito." namamangha kong sabi kay Hoshi.

Kaming dalawa lang ang nandito sa practice room nila at nasa pangalawang palapag lang pala ito. Yung iba kasi ay nagpaalam munang magpapalit ng damit tapos si Minghao at Dokyeom naman ay magluluto lang daw muna ng tanghalian namin.

"Did you like it?" nakangiting tanong sakin ni Hoshi.

Ngumiti rin ako at tinanguan siya. May malaki ring salamin dito sa practice room nila at ito yata ang ginagamit nilang repleksyon para makita ang sarili nila habang sumasayaw.

"Siya nga pala, may ipapakita ako sayong steps ng sayaw. Gusto ko kasi na i-check mo kung maganda ba. Wala pa naman yung iba eh. Okay lang ba sayo yun?" nahihiya niyang tanong sabay kamot sa kanyang ulo. Ipapakita niya sakin yung steps ng sayaw? Wala namang problema sakin dun.

"Sige ba. Yun ba yung sayaw niyo para sa comeback niyo?" tanong ko pero umiling-iling siya sakin.

"Gumagawa kasi ulit ako ng panibagong sayaw para sa iba pa naming ire-release na kanta."

"Wow, ang cool mo naman. Sige sige! Fighting!" masiglang sagot ko sa kanya.

Naupo naman ako sa sahig at sinundan ko siya ng tingin. Inopen niya ang laptop na nakapatong sa lamesa at sa gilid nun ay meron dalawang malaking speakers.

Maya-maya lang ay narinig ko na ang isang tugtog. Sobrang ganda nung beat sa simula pa lang. Pumwesto na si Hoshi sa pinaka-gitna at inayos pa niya kaonti ang suot niyang sumbrero.

Ilang saglit pa ay nagsimula na siyang sumayaw. Kung kanina ay wagas siyang makangiti, ngayon naman ay bigla siyang sumeryoso habang sumasayaw.

Bagay na bagay yung steps na sinasayaw niya doon sa kanta. Ngayon ko lang ito narinig at sa tingin ko ay pati si Woozi ay gumagawa na ulit ng panibagong kanta. Bawat moves ni Hoshi ay nakakamanghang panoorin.

Napapansin ko pa ang pa-minsan minsan niyang pag-smirk and damn! Ang sexy niyang tignan! Ang lambot pala talaga ng katawan niya! Hindi na ako magtataka kung bakit siya ang choreographer sa grupo nila at isa rin siyang main dancer.

"So, how's my dance steps?" dinig kong katanungan niya.

Ngayon ko lang din narealize na tapos na pala siyang sumayaw. Masyado naman yata akong natulala sa kanya! Ang galing naman niya kasing sumayaw eh.

"Wow. Ang sexy mong panoorin habang sumasayaw.." wala sa sariling sambit ko habang pumapalakpak ako.

Kaonti na lang at gusto ko na talagang lagyan ng packing tape yung bibig ko. Talaga ngang nahawa na ako ng kadaldalan kila Kaye! Isang ngiting matamis ang sumilay sa labi ni Hoshi at lumapit siya sa gawi ko.

"Siguro marunong ka ring sumayaw. Fine Arts ang kinuha mong course diba? At bukod dun ay maganda rin ang boses mo sa pagkanta." ani Hoshi at hinawakan ako sa kamay ko.

"Ha?" naguguluhan kong sabi.

Anong ibig niyang ipahiwatig sakin? Hinatak niya ako patayo at dinala niya ako sa gitna kung saan siya nakapwesto kanina nung sumasayaw siya.

"Let's dance together. Kung gusto mo gumawa tayo ng steps ng sayaw na tayong dalawa lang ang nakakaalam." nakangiting suhestiyon niya. Shit na yan. Bakit ba parang nakakatunaw ang nginitian niya? Pero ano daw? Gagawa kami ng dance steps na kaming dalawa lang ang nakakaalam?

SEVENTEEN AND THE LONG LOST ROYAL PRINCESS ✔ | svt fanficWhere stories live. Discover now