KABANATA 70: PRINCE ACE

1.3K 125 68
                                    

KABANATA 70: PRINCE ACE

SWEETHEART KRYSTAL's POV

Mariin ko siyang tinititigan ng matagal. Even after a few years, Kuya Ace's appearance still does not change except for the small scar on his left cheek that was noticeably scratched. The whole place was silent and no one tried to speak. Buhay nga siya? Ibig sabihin pinalabas lang niyang patay siya? Pero bakit? Anong dahilan niya? Bakit niya nagawang magpanggap na patay na s'ya?

Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman sa mga sandaling ito. Hindi ko alam kung bakit hindi ko magawang magsaya. Hindi ko alam kung bakit bigla akong nalungkot at malamang peke lang ang pagkamatay niya. Maraming katanungan ang pumapasok sa utak ko. Hindi ko na alam kung ano at sino ang paniniwalaan ko. Naguguluhan na ako sa mga nangyayari. Gulong-gulo na ang utak ko!

"Sweetheart.." narinig kong tinawag ni Wonwoo ang pangalan ko pero mabilis akong tumalikod at naglakad paalis doon.

I also heard that everyone called me especially Kuya Ace but I didn't look at them. I felt mixed emotions, I don't know why my life is so damn complicated! Tangina! Ang gusto ko lang ay mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ni Mommy Annabelle at ng totoong Katarina Park. Pero ano 'to? Bakit may panibagong rebelasyon na naman akong nalalaman? Ano ba kasi ang totoo?

Tuloy-tuloy ako sa paglalakad palabas sa venue na yun habang nag-uunahan na namang nagsipatakan ang mga luha ko. Natigil lang ako sa paghakbang nang maramdaman kong may humawak sa braso ko. Nilingon ko ito at nakita ko si Kuya Ace. Hinablot niya ako at mabilis na niyakap ng mahigpit kasabay ang pag-iyak niya sa balikat ko.

"Maniwala ka, binalikan kita nung araw na yun pero wala ka na. Totoong binalikan kita.." Kuya Ace.

Naibaling ko ang tingin ko kanila Kuya Tatum na nagsilapitan agad sa amin kasunod sila Wonwoo na mahahalatang puno ng pag-aalala sa kanilang mukha.

"Dumating sila Mom t-that time kasama ang mga police at sila ang nakakita sa akin.." sagot ko kay Kuya Ace.

Naalala ko na iniwan ako ni Kuya Ace sa madilim sa lugar nung kinidnap kami eleven years ago para hindi ako matunton at masaktan nung mga kumidnap sa amin. At sila Mommy Annabelle ang nakakita sakin kasama ang mga police doon sa lugar na yun.

Bumitaw siya sa pagkakayakap at tumingin sakin. Hindi ako pwedeng magpadalos-dalos. Ngayong buhay nga si Kuya Ace, kailangan ko na lang muna ng paliwanag mula sa kanya. Hindi pwedeng masira ang pinaplano ko.

"Ipapaliwanag ko sayo lahat dahil alam kong sa simula palang ay naguguluhan ka na.." Kuya Ace at marahang pinunasan ang mga luha ko.

***

ACE

Flashback / Eleven years ago


Tumingin ako sa kanya at nakaupo siya sa passenger seat habang hawak-hawak niya ang kanyang paboritong teddy bear. Hindi talaga niya nabitaw-bitawan yung favorite toys niya. Napangiti na lamang ako at marahan kong hinaplos ang buhok niya bago ko binalik ang atensyon ko sa pagmamaneho ng sasakyan. Sigurado rin ako na nagkakagulo na ang mga tao sa loob ng Royal House dahil tinakas ko si Princess Sweetheart.

Kailangan ko muna siyang dalhin sa poder ni lolo Alfonso para makasigurado akong ligtas siya. Nag-away pa ang magulang namin at sobrang daming nangyayari sa Palasyo.

I don't want to hurt my youngest sister because of that damn man. I will do everything to protect her. Kung hindi pa sinabi ni Sweetheart sakin ang totoo ay hindi ko pa siya itatakas ngayon. Galit na galit din ako kay Dad. Bakit niya nagawang lokohin si Mom? Kung hindi pa sila nakita ni Sweetheart, hindi ko pa malalaman ang totoo.

SEVENTEEN AND THE LONG LOST ROYAL PRINCESS ✔ | svt fanficWhere stories live. Discover now