KABANATA 53: JEALOUSY II

1.1K 138 90
                                    

KABANATA 53: JEALOUSY II

SWEETHEART KRYSTAL's POV

Tinignan ko si Chaeryoung na mahahalatang marami na siyang nainom na wine. Halos papikit-pikit na siya dahil na rin sa sobrang kalasingan. Paano na siya makakauwi nito kung lasing na lasing siya? Well, nandiyan naman si Mingyu para ihatid siya. Tumingin naman ako sa iba pa naming kasama. Ganun din ang ibang boys na mukhang inaantok na rin at kapwa mga nakainom pa. Malalim na rin kasi ang gabi. Kailangan na rin nilang magsi-pahinga.

"Bukas mo na lang ihatid si Chaeryoung, patulugin na lang mo muna siya dito." suhestiyon ko kay Mingyu na agad niyang ikinatango.

"Ihahatid ko lang siya sa kwarto ko.." Mingyu kaya tinanguan ko lang din siya. Sinundan ko siya ng tingin nang buhatin niya si Chaeryoung at agad niya itong dinala pababa sa rooftop.

Tinignan ko naman ang iba at halos may tama na rin ang sila dahil naparami rin ang nainom nila. Ako lang naman itong hindi uminom ng wine dahil natatakot ako na baka may gawin akong kalokohan kapag nalasing.

"Cheol, pumasok na kayo sa kwarto niyo. Ako na magliligpit dito.." sabi ko kay Cheol. Tumango-tango din siya at agad tinapik-tapik sila Dokyeom para papuntahin na sa mga kwarto nila.

"Pumasok ka na rin sa kwarto mo." sabi ko kay Jeonghan na nakasalumbaba habang nakatingin sa akin.

"Bwaket ba ang ghanda mo Krshtal?" tanong niya at talagang siya ang may pinaka-may tama sa kanilang lahat. Bakit ba kaai ang dami niyang nainom na wine? Naiiling-iling tuloy ako at nilingon ko si Joshua.

"Lasing na siya. Pakihatid na lang siya sa kwarto niya.." sabi ko kay Joshua.

"Okay, pumasok ka na rin sa kwarto mo agad." sagot ni Joshua sa akin kaya tinanguan ko siya. Inalalayan niya si Jeonghan na itayo at agad din silang nagsibabaan sa rooftop.

"Matulog ka na rin Krystal okay?" sabi ni Hoshi sa akin kaya tumango lang din ako sa kanya. Pinanood ko lang sila na makababa sa rooftop.

Natigilan ako nang makitang kami na lang ni Wonwoo ang narito sa rooftop. Nakatingin siya gawi ko at parang gusto na yata akong lamunin ng buhay dahil ang sama ng tingin niya sa akin.

"H-hindi ka pa ba papasok sa kwarto mo?" tanong ko at mabilis na sinimulang linisin ang mga kalat para makapasok na rin ako sa kwarto ko.

"Anong klaseng drama yung pinakita niyo kanina ni Jeonghan? Pakisabi nga sakin kung anong title nun?" kunot-noo niyang sabi at halata sa boses niya ang irita dahilan para mapa-shrugged ako.

"Ewan ko sayo.." tanging nasagot ko at nagkibit-balikat.

Tinuon ko na lang ang atensyon ko sa pagliligpit. Tinabi ko lang sa isang gilid yung mga bote at ramdam na ramdam ko rin ang tingin ni Wonwoo na sinusundan ang bawat galaw ko.

"Nagseselos ako."

Literal akong natigilan sa ginagawa ko at tumingin kay Wonwoo nang marinig ko ang sinabi niya. Lumambot ang mukha niya habang nakatingin din sa akin. Tila nahugot ko naman ang hininga ko nang tumayo siya at naglakad palapit sa akin.

"You heard what I said, right? I'm jealous, Krystal." sabi niya ng harap-harapan sa akin. Napalunok ako sa sarili kong laway pero nagawa ko pa ring salubungin ang tingin niya. Nagseselos siya? Bwisit, anong sasabihin ko?! Itatanong ko ba kung bakit siya nagseselos?!

"Huh?" nakatanga kong sabi baka sakaling namali lang ako ng narinig.

"I hope one day your attention is just focused only on me. Fuck! I'm craving for your attention, Krystal. I just want you to smile at me. Only mine." he said seriously and he left me alone here.

SEVENTEEN AND THE LONG LOST ROYAL PRINCESS ✔ | svt fanficWhere stories live. Discover now