KABANATA 66: KIDNAP WITHOUT RANSOM

1.3K 126 76
                                    

KABANATA 66: KIDNAP WITHOUT RANDOM

SWEETHEART KRYSTAL's POV

I did not expect them to be here and we would meet. Alam ko naman na may concert sila dito sa France at hinihiling ko talaga na sana hindi mag-krus ang mga landas namin. Pero tignan mo nga naman, sadyang maliit nga talaga ang mundo namin at masyado ring mapaglaro ang tadhana sa akin. Hindi tuloy ako makapag-focus sa ka-meeting ko dahil nakakaramdam ako ng pakailang.

Pero nasaan si Woozi at Jeonghan? Bakit hindi nila kasama yung dalawa? Oh come on, Krystal! Mag-focus ka nga sa taong kaharap mo! Napailing-iling na lang ako ng ulo at pilit kong tinutuon ang atensyon ko sa babaeng kaharap ko ngayon.

"So, it's nice to meet you Kamahalan. I'm glad to talk to you today. I'm sure Mr. Alfonso and Mr. Harold will be happy because their only granddaughter is alive." nakangiting sambit ng taong ka-meeting ko ngayon kaya ngumiti ako.

"Of course Mrs. Madrigal. Thank you for accommodating me with your time today. I know you are very busy person and you did a lot of work but here you are and you gave your time for this meeting.." nakangiting sagot ko at lihim na tumingin sa kabilang table.

Halos kapusin ako ng hininga nang makita kong nakatingin si Wonwoo sa akin at talagang kinindatan pa ako. They were wearing a black face mask and a black cap but I knew them very well. I only know that in their eyes. Mabuti na lang konting tao lang ang kumakain dito sa restaurant.

"Are you okay, Kamahalan? You are blushing.." Mrs. Madrigal asked so I turned my attention back to her.

"Yes, I'm okay. By the way, thank you for your time and nice to meet you too Mrs. Madrigal.." sagot ko agad at nginitian siya ng tipid.

Napatango-tango naman siya ng ulo kaya sabay kaming dalawang napatayo pati si Karisma na tahimik lang na nakikinig kanina sa usapan namin.

"I have to go, marami pa akong aasikasuhin. See you soon, Kamahalan." saad niya kaya nginitian ko lang siya bago siya nag-bow sa akin.

"Pakihatid siya hanggang sa makasakay siya sa kotse niya." utos ko sa dalawang kasama naming bodyguards na agad nilang sinunod. Sinundan ko sila ng tingin hanggang sa makalabas sila ng restaurant.

"Wait, lolo Harold is calling. I will just answer it." rinig kong sabi ni Karisma at tinanguan ko lang siya bago siya naglakad palayo.

Kamuntikan na akong mapatalon sa sobrang gulat nang bigla na lamang nagsisulputan ang SEVENTEEN sa harapan ko na animo'y mga kabute at sabay-sabay pa silang nagsi-upuan sa mga bakanteng upuan. Napalibutan pa tuloy nila akong lahat dito.

"It's been awhile Sweetheart.." nakangising sambit ni Wonwoo.

Mabilis naman akong niyakap ni Seungkwan at kinawayan lang ako ni Dino at Vernon. Si Hoshi na nginitian lang ako ng tipid at napayuko ng ulo. Nagbow lang sa akin ang Manager nila bago siya nagpaalam na lalabas lang.

"Alam namin na iiwasan mo kami kaya kami na ang unang lumapit sayo dito. Kamusta ka na?" rinig kong tanong ni Mingyu at ngumiti sa akin.

He's still the same at hindi pa rin siya nagbabago. He still looks handsome. I cleared my throat and looked straight at him.

"Okay lang ako." tipid kong sagot sa kanya.

I noticed that the atmosphere seemed awkward and the only thing we could hear was Seungkwan sipping on the Ice Americano that he was drinking.

"Krystal, kailangan na nating umalis.." narinig kong salita ni Karisma na kakarating lang.

"I gotta go.." paalam ko sa kanila at agad na akong tumayo.

SEVENTEEN AND THE LONG LOST ROYAL PRINCESS ✔ | svt fanficTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon