KABANATA 24: GOODBYE KISS

1.7K 165 139
                                    

KABANATA 24: GOODBYE KISS

SWEETHEART KRYSTAL's POV

Pagtapos naming mag-breakfast ay ako na ang nag-presintang maghugas ng pinaggamitan naming pinggan. Nung una ay ayaw pa nila pero napilit ko din sila kaya wala na silang nagawa pa. Inutusan ko na din silang asikasuhin yung mga dapat nilang iimpake baka mamaya ay may maiwan pa silang gamit dito.

"Mag-iingat ka dito. Tumawag ka rin sa amin kapag nagkaproblema ka okay?" salita bigla ni Mingyu na siyang kasama ko sa paghuhugas ng mga pinggan. Tapos na daw kasi siyang mag-impake ng mga gamit niya kaya tinulungan niya ako dito sa paghuhugas. Siya ang nakatoka sa pagpupunas ng mga plato at didiretso niya na din itong ilagay sa lagayan.

"Sila ang mag-ingat sakin!" maangas kong sagot kaya tinawanan niya ako. May sense naman siyang kausap kaso nakakainis siya dahil minsan mahilig mang-asar ang lalaking 'to.

"Yung about kay Kiro. Umiwas ka na sa kanya." seryoso pa niyang sabi kaya napatingin ako sa kanyang gawi. Hindi siya nakatingin sa akin at patuloy siya sa pagpupunas ng mga plato.

"Umiiwas naman ako sa kanya ah? Siya lang itong lumalapit sa akin." sagot ko. Alam din kasi nilang palaging nagpupunta si Kiro sa bahay namin. Alam din nilang gustong makipagbalikan si Kiro sa akin pero ako lang itong may ayaw.

"Basta. Kapag pumunta siya ulit sa bahay niyo buhusan mo siya ng tubig para agad umalis." sagot niya kaya natawa ako ng mahina.

"Hindi naman ako ganun kasamang tao para gawin sa kanya yun 'no." tanging nasabi ko at umiling-iling sa kanya.

"Basta. Wala akong tiwala sa lalaking yun." may inis sa boses niya kaya hindi na ako sumagot pa. Binilisan na lang namin ang ginagawa namin para matapos agad ito.

"Do you still love that dumbass?" he suddenly asked kaya tinaasan ko siya ng isa kong kilay.

"Bakit mo naman naitanong yan?" tanong ko imbes na sagutin yung katanungan niya. I thought he would not open the topic about Kiro again.

"Is there anything wrong if I asked?" turan ni Mingyu at tinaasan din niya ako ng isa niyang kilay. Iba rin talaga ang lalaking 'to.

"Akala ko ba nabanggit na nila Kaye sa inyo yung tungkol samin ni Kiro? Matagal na kaming wala kaya malamang wala na akong nararamdaman sa lalaking yun." sagot ko sa kanya at agad hinugasan ang huling pinggan.

Sila Kaye at Jasmine nga pala. For sure ay abala ang dalawang babaeng yun. Matawagan ko nga sila mamaya. Paano kung malaman nila na babalik na yung mga Kpop Idol nila sa South Korea?

"Good." rinig kong tipid niyang sabi sabay ngisi. Napairap na lang ako sa hangin. Kahit kailan hindi ko talaga mabasa ang nasa utak ng lalaking 'to.

Natigilan ako nang marinig ko ang pagtunog ng cellphone ko na nasa bulsa ng short ko. Pupunasan ko na sana ang basa kong kamay pero halos mapitlag ako sa gulat nang maramdaman ko ang kamay ni Mingyu na siyang kumuha sa cellphone ko. Ang bilis naman ng lalaking 'to na makalapit sa akin!

"Speaking of the dumbass." bulalas niya nang tignan ang screen ng cellphone ko. Pinakita niya sa akin kung sino ang nasa caller ID. Si Kiro lang pala.

"Akin na nga yan. Baka may importante siyang sasabihin sakin." sabi ko at akmang kukunin ang hawak niyang cellphone ko pero inangat niya ito sa ere para hindi ko maabot. Wala naman akong magawa dahil matangkad siya at hanggang dibdib lang niya ako.

"Hello?" bungad ni Mingyu sa kabilang linya dahil sinagot na niya ang tawag. Napa-poker face naman ako at ang loko ay tiningnan niya ako na may ngisi sa labi.

SEVENTEEN AND THE LONG LOST ROYAL PRINCESS ✔ | svt fanficWhere stories live. Discover now