KABANATA 31: ASAR-TALO

1.4K 160 96
                                    

KABANATA 31: ASAR-TALO

SWEETHEART KRYSTAL's POV

Pinasadahan ko ng tingin ang buong paligid ko. Sobrang daming staff na narito at kanya-kanya silang ginagawa. Yung iba ay halos aligaga sila sa pag-kilos. May pupunta doon at meron naman pupunta dito. Meron namang may nagbi-bitbit ng mga gamit at mero namang nag-aayos ng ilaw. Hindi ko lubos maisip na ganito ang masisilayan ko. Bawat isa ay may kani-kanilang ginagawa. Ako nga lang yata ang nakatayo dito sa isang tabi at pinapanood ang ginagawa nila.

"Krystal noona!"

Nilingon ko ang tumawag sa pangalan ko. Si Dino lang pala na papalapit sa akin at may bitbit na coffee. Tiningnan ko ang maknae ng SVT dahil ang gwapo niya sa suot niyang damit! Pinag-halong kulay gold and brown yung buhok niya na talagang bumagay sa gwapo niyang mukha. Infairness, may maibubuga rin pala itong bias ni Jasmine.

"Bumili si Manager hyung sa starbucks ng kape. Para sayo daw itong isa." nakangiting sabi niya sa akin sabay abot ng coffee. Kinuha ko naman ito sa kanya at nagpasalamat.

"Tapos na bang ayusan yung iba?" tanong ko habang sumimsim ako ng kape. Mabuti na lang Iced Latte yung binili nung Manager nila.

"Inaayusan pa sila Wonwoo hyung eh at saka hindi pa daw bumabalik yung photographer namin. Mukhang na-traffic pa yata siya." sagot niya sa akin at tulad ko ay sumisimsim din siya ng hawak niyang kape.

Wala pa yung photographer nila? Pansin ko nga na wala pang mga freelance worker dito. Dapat mas nauuna silang nandito bago dumating ang client nila.

Nakauwang naman ang pinto kung nasaan sila Hoshi at malaya kong nakikita si Jeonghan na nakaupo habang inaayos nung babae yung buhok niya. Nasa kabilang kwarto kasi sila para ayusan. Doon rin naman yung dressing room nila. Halos siksikan na sila roon kaya hindi na lang ako pumasok sa loob.

Nandito lang ako sa labas para panoorin yung mga ginagawa ng mga staff. Sinama talaga nila ako Hoshi dito sa photoshoot nila. Mababait yung mga staff nila kaso hindi ko sila matiyempuhan na makausap dahil sobrang busy sila. May isa pa ngang babae na binati ako agad nung nakita niya ako pero hindi ko natanong kung anong pangalan niya.

"Anyway ang gwapo mo. Bagay na bagay sayo yung suot mo." nakangiting puri ko kay Dino nang mabalik ang atensyon ko sa kanya.

Nakita ko ang biglang pagkamula ng mukha niya at napakamot pa siya sa kanyang batok. Ang cute! Bwisit, pwede ko ba itong iuwi sa bahay namin?

"N-noona naman, hindi mo naman ako kailangang purihin eh." nahihiya niyang sambit kaya natawa ako. Shit, ang cute talaga ng maknae na 'to.

"Baka gusto mo rin akong purihin?"

Sabay kaming napatingin ni Dino sa nagsalita, si Cheol. Hindi ko napigilan ang sarili ko na tignan siya mula ulo hanggang paa. Woah, ang gwapo niya! Tila bigla naman akong nabalik sa reyalidad nang mapansin kong may kamay na kumakaway sa harapan ko.

"Ayos ka lang? Bakit natulala ka?" nag-aalalang tanong ni Cheol sa akin.

Napakamot ako bigla sa ulo ko. She! Hindi ko man lang napansin na natulala na pala ako dahil sa angking kagwapuhan ng nilalang na 'to!

"O-okay lang ako. Ang gwapo mo kasi." sagot ko.

Parang gusto ko namang sampalin yung bibig ko dahil nadulas ako bigla. Pakshet ka talaga, self! Nahawa na yata ako kanila Kaye sa kadaldalan!

"Thanks for your compliment, sweetheart." pasasalamat niya.

A sweet smile flashed on Seungcheol's lips. He was even more handsome dahil lumitaw sa pisngi niya ang malalim niyang dimples! Dagdag pogi points din yung medyo may kalakihan ang katawan niya at mahaba pa ang kanyang pilik-mata.

SEVENTEEN AND THE LONG LOST ROYAL PRINCESS ✔ | svt fanficDonde viven las historias. Descúbrelo ahora