KABANATA 59: THREATENED

1K 136 80
                                    

KABANATA 59: THREATENED

SWEETHEART KRYSTAL's POV

Nang magising ako kinaumagahan ay nalaman ko na lang na nasa hot topic sa balita ngayon ang SEVENTEEN especially si Wonwoo. Ang mga nangyari sa ospital kahapon ay kumalat na sa social media lalo na yung mga litrato na nakunan nila. Hindi ko na tuloy alam ang gagawin ko ngayon.

"Many SEVENTEEN fans are asking who the mysterious woman was with Wonwoo yesterday at the hospital. Many media reporters are outside at Pledis Entertainment to asked for a statement from the famous kpop group about the photo where Wonwoo can be seen with a girl. To this day, the kpop group remains silent, even Pledis Entertainment.."

Bumuntong-hininga na lang ako at agad in-off ang TV bago inilapag sa table yung remote. Kalat na kalat na yung litrato na may kasamang babae si Wonwoo, pati sila Hoshi ay nadamay na rin sa issue. This is my fault. Hindi kasi ako nag-iingat. Dapat inisip ko na sikat silang Kpop Group dito lalong-lalo na sa ibang bansa.

Kinuha ko si Meanie at pinatong sa hita ko. Tahimik lang siya at nakapikit habang hinahaplos ko ang balahibo niya. Napalingon ako sa pinto nang marinig kong may kumatok bago ito bumukas. Bumungad sakin si Wonwoo at agad akong nginitian nang makita niya ako.

"Bihis na bihis ka ah. Aalis ka?" tanong niya at tumayo naman ako sa kinauupuan ko bitbit si Meanie.

"Pupunta ako sa hospital para dalawin si Kuya Maxrill. Pasensya na Wonwoo, dahil sa akin kaya pinagkakaguluhan kayo ngayon sa social media.." sambit ko.

"Wala kang kasalanan. At isa pa may mali din kami, hindi kasi kami nakapag-disguise." sagot niya at marahang pinat ang ulo ko.

"Kung gusto mo ihatid na kita sa hospital.." presinta niya pero mabilis akong napailing ng ulo. Mahirap na baka may makakilala na naman sa kanya.

"Hindi na, kaya ko na ang sarili ko at saka uuwi din ako agad. Pwede bang ikaw muna mag-alaga kay Meanie?" sabi ko sabay pakita sa kanya si Meanie. Tumango-tango lang siya habang nakangiti.

"Ako na bahala sa kanya. Tara, ihahatid na lang kita sa labas ng gate." aya niya kaya ngumiti ako ng tipid at sabay kaming lumabas sa kwarto ko.

"Oh, aalis ka Krystal noona? Baka may makakilala sayo sa labas." salita ni Seungkwan nang makasalubong namin siya. Oo nga pala, kitang-kita rin sa litrato yung mukha ko kaya hindi malabong hindi ako makilala sa labas kapag may makakita sa akin.

"Dadalawin ko lang si Kuya Maxrill.."

"Pero dapat mag-disguise ka. Baka kuyugin ka eh kapag may makakilala sayo.." nag-aalalang sabi ni Seungkwan.

"Aalis ka ng ganyan ang suot?" salita ng baritonong boses mula sa likuran ko. Nilingon ko ito at nakita si Mingyu na nakapoker-face. Pinasadahan niya pa ako ng tingin mula ulo hanggang paa bago binalik ang tingin sa mukha ko.

I checked the clothes I was wearing. A simple white knee-length dress with a jean jacket. I also wore rubber shoes and my shoulder bag was slung over my shoulder. Anong mali sa suot ko? Mukha naman akong tao dito sa damit ko ah?

"May mali ba sa suot ko?" nagtataka kong tanong kay Mingyu. He shrugged his shoulders and walked away. He entered his room and slammed the door. What's wrong with him?

"Don't mind him, baka nababaliw lang." mahinang bulong ni Seungkwan at sabay naman kaming napabungisngis ng mahina.

Nagpaalam na ako kay Seungkwan at dumiretso na kaming dalawa ni Wonwoo sa ibaba. Naabutan namin si Joshua at Cheol na naglalaro ng chess. Wala kasi silang schedule ngayon kaya lahat sila ay nandito sa bahay.

SEVENTEEN AND THE LONG LOST ROYAL PRINCESS ✔ | svt fanficWhere stories live. Discover now