KABANATA 25: AFTER ONE MONTH

1.5K 166 97
                                    

KABANATA 25: AFTER ONE MONTH

SWEETHEART KRYSTAL's POV

Hindi ko akalain na isang buwan na pala ang nakakalipas mula nang bumalik sila Wonwoo sa South Korea. Kahit na isang buwan na ang lumipas ay mayroon pa rin akong communication sa kanila. Hindi ko lubos maisip na sobrang bilis lumipas ang oras. Parang kahapon lang at kasama ko pa sila. Parang kahapon lang nung mga oras na nakaka-bonding ko pa sila at nakakasama ko pa sa tawanan.

"OMG! MAGKA-COMEBACK NA NGA SILA!"

Nawala ang malalim kong pag-iisip nang marinig ko ang boses ni Kaye. Tiningnan ko naman yung dalawa kong pinsan na halos mag-lumpasay sa sahig habang nakatingin sila sa mga cellphone nila.

Halos hindi rin makatulog sila Kaye at Jasmine nung malaman nilang umuwi na sila Hoshi sa South Korea na hindi man lang nila naabutan. Buong magdamag din silang umiyak na parang akala mo ay nilayasan sila ng asawa. Mabuti na lang at ayos na sila ngayon.

Doon ko din nalaman na pinag-training pala silang dalawa sa kompanya ng magulang nila. Kaya pala hindi nila ako madalaw-dalaw at hindi rin nila sinasagot ang mga tawag ko, yun pala ay pinag-sembreak sila nila Tita sa company.

Sabagay, balang araw ay sila rin ang magma-manage ng mga iiwanan na negosyo ng parents nila.
Kaya ayun, halos magwala sila sa kalsada dahil hindi man lang nila nakita sila Minghao kahit sa huling sandali man lang daw.

"Pinsan! May comeback na sila oh?" nakangiting sabi sa akin ni Kaye sabay pakita ng kanyang cellphone sa akin.

Bahagya pang naningkit ang dalawa kong mata para matignan ko ng malinaw yung nasa screen. Isa yung teaser.

"Oo alam ko." tipid kong sagot at sumimsim ng binili kong milktea.

"Alam mo?" tanong ni Jasmine kaya tumango lang ako.

"Teka? Paano mo nalaman?" tanong naman ni Kaye sa akin at bakas sa pagmumukha nila ang labis na pagtataka.

"Sinabi nila sakin nung isang araw." sagot ko at alam naman nila kung sino ang tinutukoy ko.

Nung nakaraang araw kasi tumawag si Hoshi sa akin para kamustahin ako. Nabanggit din niya sakin na may comeback sila this month.

"Why didn't you even tell us?!" may inis na bulalas ni Jasmine at narinig ko naman na nagpapadyak siya ng paa sa ilalim ng lamesa.

"Hindi naman kasi kayo nagtatanong." inosenteng sabi ko at nakatanggap naman ako ng hampas kay Kaye.

"Nakakainis ka ah! Sa susunod kapag naging kami ni Minghao hindi ko rin sasabihin sayo!" ani Kaye at nag-halukipkip pa siya ng braso.

"As if naman na liligawan ka nun." nakangising pang-aasar ko kaya naman nahampas na naman niya ako sa aking braso.

Inirapan nila akong dalawa bago binaling ang kanilang atensyon sa cellphone nila. Nakakatuwa talagang asarin itong dalawang 'to.

Nandito kaming tatlo sa canteen at medyo maingay ang paligid namin. Inabot na kasi kami ng tanghalian dahil sa kaka-practice. Our final exam is over. At tanging darating na graduation na lang ang iniisip namin ngayon.

Yes, the day passed so fast at hindi ko man lang namamalayan na sa makalawa na ang graduation day naming mga Fine Arts students.

Sila Kuya Zachary naman ay next month pa ang graduation day nilang mga Business Administration. Iniisip ko pa nga kung ano yung sasabihin kong speech sa graduation namin dahil ako ang the summa cum laude sa department namin.

Sobrang saya nila mama at papa nung sinabi ko sa kanila na ako ang summa cum laude sa amin. Kahit ako ay hindi rin ako makapaniwala nang sabihin sa akin yun nung college committee namin na ako ang summa cum laude sa amin. Labis din ang tuwa ng mga pinsan ko lalong-lalo na sila Kuya Tatum.

SEVENTEEN AND THE LONG LOST ROYAL PRINCESS ✔ | svt fanficWhere stories live. Discover now