KABANATA 28: WELCOME TO SEOUL

1.6K 171 89
                                    

KABANATA 28: WELCOME TO SEOUL

SWEETHEART KRYSTAL's POV

"Ladies and gentlemen, welcome to Incheon International Airport. Local time is 4:34 pm and the temperature----"

Hindi ko na pinakinggan pa ang iba pang sasabihin nung stewardess sa intercom. Tumingin na lamang ako sa labas ng bintana at ilang segundo na lang ay lalanding na ang sinasakyan naming eroplano. Private plane nila Kuya Maxrill itong ginamit namin at kami lang ang nakasakay dito. Talagang masasabi ko na mayaman ang Matsunaga family. May sarili pa silang eroplano na tanging sila lang ang pwedeng gumamit.

"We're already here. Welcome back to South Korea, my Princess.."

Lumingon ako kay Kuya Tatum nang sabihin niya yun at ngumiti siya sa akin. Katabi niya si Kuya Maxrill sa left side niya at mahimbing pa rin siyang natutulog. Marahil ay napagod itong si Kuya. Huminga ako ng malalim at sinuklian ko din ng ngiti si Kuya Tatum.

"Saan naman ako tutuloy nito?" tanong ko sa kanya.

Hindi niya kasi sinabi sa akin kung saan muna ako tutuloy or didiretso ba kami sa Royal House. Ewan, hindi ko alam. Ang importante sa akin ay mayroon akong matutulugan.

"Malalaman mo din mamaya." sagot niya at kinindatan pa ako. Natawa lang ako ng mahina at hinintay na sabihin nung Captain na pwede na kaming tumayo at bumaba.

Mabilis lang din pala ang biyahe namin papunta dito at hindi rin hassle. Hapon na rin kami nakarating dito. Hindi rin na kataka-taka na madaming dumadayo para magbakasyon sa bansang ito. May ilan pa nga akong nakita kanina na mga pilipino na pinatiling dito magbakasyon. Sobrang ganda kasi dito sa South Korea tulad nung nakikita ko sa koreanovela kapag nanonood sila Kaye ng kdrama.

After ng ilang minutong paghihintay namin ay nakababa na rin kami sa eroplano. Dumiretso kami palabas sa arrival exit habang nakahawak sa kamay ko si Kuya Tatum para daw hindi ako maligaw dito. Medyo malamig ang klima dito kahit na hapon pa lang. Mabuti na lang talaga at pinag-suot ako ni Kuya Maxrill ng coat.

"Sigurado ka ba na susunduin tayo dito nila Knight at Duke?"  naka-kunot noong tanong ni Kuya Tatum nang tuluyan na kaming nakalabas sa arrival exit.

"Yeah, sinabihan ko na sila bago ako dumating kahapon sa Pilipinas." sagot agad ni Kuya Maxrill.

Napatingin naman ako sa dalawang sports car na biglang huminto sa harapan namin.  Wow, sobrang ganda nitong mga sasakyan at halatang mamahalin pa. Yung isa ay itim na BMW I8 habang yung isa naman ay pulang Mercedes Benz. Sabay na bumukas ang pintuan sa driver seat at niluwa nito ang dalawang matangkad na lalaki.

"Nandito na sila.." rinig kong salita ni Kuya Maxrill.

Tiningnan ko naman yung dalawang lalaki na dire-diretsong naglakad palapit sa gawi namin at kapwa parehas pa silang nakasuot ng shades. Nagulat naman ako nang niyakap nila ako bigla. Isang yakap na mahigpit.

"Our Princess.." narinig kong sambit nung isang lalaki.

"What the fuck dude! Kamukhang-kamukha niya ni Mom!" bulalas naman nung isa at lumitaw sa magkabilang pisngi niya ang malalim niyang dimples nung ngumiti siya.

Doon ko naman napagtanto kung sino sila. Si Knight at Duke! Oh my fucking shit! Bakit hindi ko man lang sila agad nakilala?

"Tama na yan at baka may makakita pa satin dito." tila may makahulugang sabi ni Kuya Tatum habang palinga-linga pa siya. Hindi ko maintindihan kung anong ibig niyang sabihin.

"Tara na. Dumiretso muna tayo sa coffee shop mo Knight." sabat ni Kuya Maxrill at pinagbuksan niya ako ng pinto sa backseat.

"Mag-usap na lang tayo sa shop." nakangiting sabi sa akin ni Duke kaya tumango lang ako sa kanya bago ako sumakay sa kotse.

SEVENTEEN AND THE LONG LOST ROYAL PRINCESS ✔ | svt fanficWhere stories live. Discover now