KABANATA 46: FIERCE & FEARLESS

1.2K 146 94
                                    

KABANATA 46: FIERCE & FEARLESS

SWEETHEART KRYSTAL's POV

Mabilis lumipas ang araw at hindi ko man lang na-realize na two weeks na akong nananatili dito sa South Korea. Time passes too fast and nothing has changed. Ganun pa rin naman ang pakikitungo nila Wonwoo sa akin. Palagi talaga nila akong inaalagaan at hindi nila ako pinapabayaan. Si Wonwoo na bigla na lang din naging sweet sa akin nitong nakalipas na araw. Habang si Mingyu naman ay palagi pa rin niya akong binubwisit. Well, may kaonti palang nagbago.

Si Hoshi. Merong nagbago kay Hoshi at feeling ko iniiwasan niya ako. Simula nung magpunta kami ni Mingyu sa Han River Park at ginabi na kami ng uwi ay naging malamig ang pakikitungo ni Hoshi sa akin. I don't know why or if I did something wrong so he avoids me. Kapag kinakausap ko naman siya ay sasagot din naman siya pero ang tipid naman ng sasabihin niya.

He's not like before. He hugs me when he sees me. He is always smiling and very energetic when we talk. He's the one who is always worried about me. Pero nawala na lang bigla ang lahat ng iyon. Nawala na yung dating Hoshi na nakilala ko. I was stressed by him and I keep asking myself why he became like that? He has been ignoring me for almost four days! At wala man lang akong ideya kung bakit at anong dahilan niya kaya niya ako iniwasan.

Four days na kaming hindi nag-uusap. Dinadaan-daan lang niya ako. Ni hindi rin siya makatingin ng diretso sa akin. I took a heavy sighed and stared at the white ceiling. What should I do? Muli akong bumuntong-hininga bago ako bumangon sa kama. I heard the beep from my cellphone so I took it and saw a text message na galing kay Mingyu.

'Nagluto ako ng breakfast. Kumain ka kapag nagugutom ka na. Niready ko na yun sa lamesa bago kami umalis. Take care and don't entertain strangers. See you later.' basa ko sa text message niya. Napailing-iling ako habang natatawa ng mahina. Nag-abala pa talaga siya.

'Okay, thank you. Take care and see you later too!' I replied to his text and pressed the sent button before I laid my cellphone on the side table. It was past nine o'clock in the morning. Ginawa ko na ang morning routine ko pero hindi pa rin ako kumakain ng breakfast ko. Tinatamad pa kasi ako kaninang lumabas tapos napapaisip pa ako kung bakit ako iniiwasan ni Hoshi.

Sighed. Lumabas na lang ako sa kwarto ko pero natigilan ako nang makita kong may nakalapag sa tapat ng pintuan ko. It was iced latte that obviously bought at Starbucks. Kinuha ko ito at nakitang may nakalakip pang kulay dilaw na sticky note.

'I promise that through ups and downs, you have me. Always. Have a good day, Princess.<3'

Iyon lang ang nakasulat sa sticky note. Sino naman kaya ang nagbigay nito? Luminga-linga ako sa hallway at nakitang nakasarado naman lahat ng mga pintuan ng kwarto nila Seungkwan. At saka wala naman akong mga kasama dito sa bahay dahil nagpaalam sila Cheol na pupunta sila sa Pledis Entertainment. Tapos didiretso pa daw sila sa Mnet Countdown para sa comeback stage nila. Kaya kanino naman kaya galing ito? Nagkibit-balikat na lang ako at agad naglakad bitbit ang iced latte. Baka siguro si Mingyu lang ang nagbigay nito.

Nabibingi naman ako sa sobrang katahimikan sa buong kabahayan. Wala kasi sila Seungkwan. Madalas umaalingawngaw ang mga boses nila kapag nandito silang lahat. Pare-parehas ba naman silang mga madadaldal at maiingay. Dumiretso ako sa kusina at nakitang may mga pagkain nga ang nakalapag na sa lamesa. Naaamoy ko rin ang pagkain kaya natakam tuloy ako at kumulo ang sikmura ko sa gutom. Binitbit ko lang ang mga pagkain at dinala ito sa sala para doon ako kumain ng breakfast. Sinindi ko na rin ang TV para manood.

Bumungad sa akin ang isang channel kung saan may nagpe-perform na pitong lalaki. Woah, ang astig naman nila! May nag-pop up pa sa screen na pangalan, MONSTA X ang nakalagay. Maybe that's their group name. Infairness ang huhusay nilang sumayaw at kumanta. Lalo na yung dalawang lalaki na rapper. Tapos bonus pa na lahat sila ay mga gwapo.

SEVENTEEN AND THE LONG LOST ROYAL PRINCESS ✔ | svt fanficWhere stories live. Discover now