KABANATA 84: JEJU ISLAND

1K 107 55
                                    

KABANATA 84: JEJU ISLAND

SWEETHEART KRYSTAL's POV

Kinabukasan maaga kaming nagising para maghanda sa pag-alis namin papuntang Jeju Island. Mabuti na lang nakapag-impake na silang lahat kaya hindi na rin kami nagtagal pa at agad kaming dumiretso sa Gimpo Airport. Ginamit namin ang private plane ni Kuya Duke papunta sa Jeju.

Masyadong tahimik ang iba, halatang wala silang maayos na tulog dahil masyado silang excited sa araw na ito. Tumingin ako sa labas ng bintana, ilang oras pa ang itatagal bago kami tuluyang makarating sa Jeju Island. Napatingin naman ako bigla sa taong umakbay sakin at mahigpit na hinawakan ang kamay ko.

"Okay ka lang? Bakit ang tahimik mo?" tanong ni Wonwoo sa akin. Ngumiti ako at bahagyang pinisil ang kamay niyang nakahawak sa akin.

"Ayos lang ako. Medyo kinakabahan lang kasi ngayon ko lang ulit makikita yung resthouse namin." sagot ko sa kanya. Nginitian lang niya ako at maingat na hinalikan sa aking noo.

Sa totoo lang, talagang kinakabahan ako. Finally makikita ko na ang dating tinuluyan namin ni Mommy Annabelle nung tinakas niya ako sa Royal House noon. Nung araw na dinala ako ni Mommy papuntang cruise ship dahil tinangka naming takasan si Tito Charles noong panahon na pinagtangkahan ang buhay naming mag-ina.

Bumuntong-hininga na lang ako at sinubsob ang sarili kong mukha sa dibdib ni Wonwoo. Natatakot ako na baka may masama na namang mangyari. Natatakot ako na baka mawala sa akin si Wonwoo.

- - - -

"WELCOME TO US JEJU ISLAND!!!" sabay na sigaw ni Kaye at Jasmine kaya napunta ang atensyon ng ilang mga tao sa kanila.

Narinig ko naman ang mahihinang tawanan nila Seungkwan kaya pati ako ay natatawa na din. Maganda ang tirik ng araw ngayon. Pasalamat na lang at hindi masama ang panahon ngayon.

"Let's go, para makarating na tayo agad sa resthouse." pag-aya ni Kuya Maxrill sa amin kaya dali-dali namang nagsisakayan ang iba sa naghihintay sa aming bus na maghahatid samin papuntang resthouse.

Talagang planado na nila Kuya Maxrill ang araw na ito para naman hindi hassle ang dalawang araw naming bakasyon. Sumunod naman kami ni Wonwoo nang makasakay na ang iba at naupo lang kami sa dulo ng bus na kaming dalawa lang. Nagsimula na ring magdaldalan ang iba na pinapangunahan ni Seungkwan at Dokyeom at mukhang tumaas na ang mga energy nilang lahat.

"Parang kailan lang nung huling araw na magpunta kami ni Mommy dito.." sabi ko kay Wonwoo at tinignan siya. Marahan niyang sinuklay ang buhok ko at dinampihan pa niya ng halik ang likuran ng palad ko.

"Kung ano man ang bumabagabag sayo, nandito lang ako. Tandaan mo, nakakulong na ang Tito Charles mo pati ang kasabwat niyang si Katrina. Hindi ko hahayaan na may taong mananakit sayo." malumanay niyang saad na ikinangiti ko. Niyakap ko siya ng mahigpit at napapikit ng mata.

"Salamat Wonwoo." sinsero kong sabi sa kanya. Narinig ko ang pag-chuckle niya at pati ang buhok ko ay dinampihan niya ng halik.

"Syempre gagawin ko ang lahat dahil mahal kita." bulong niya na mas lalong kinabilis ng tibok ng puso ko. Sunod-sunod ko namang narinig ang tilian ng mga kasama namin at sa pagdilat ko ay doon ko napagtantong nakatingin silang lahat sa gawi namin ni Wonwoo.

"Takte, baka pati dito sa Jeju Island langgamin tayo!" Seungkwan.

"Asus, inggit ka lang eh. Sila mag-asawa na, ikaw wala pa ring jowa." pang-aasar ni Dokyeom kaya sabay kaming natawa ni Wonwoo.

"Grabe naman magsalita 'to. As if naman ikaw may jowa. Parehas lang tayong nganga dito kaya it's a tie!" sagot ni Seungkwan sa kanya kaya mas lalong lumakas ang tawanan ng iba.

SEVENTEEN AND THE LONG LOST ROYAL PRINCESS ✔ | svt fanficWhere stories live. Discover now