KABANATA 7: SECRET ADMIRER?

3.1K 203 166
                                    

KABANATA 7: SECRET ADMIRER?

SWEETHEART KRYSTAL's POV

Nagising ako kinabukasan na wala na si Kaye sa tabi ko. Saan naman kaya nagpunta yun? Chineck ko ang orasan, pasado alas nuebe na nang umaga. Agad akong bumangon sa kama at dumiretso na ako sa banyo para makaligo na. After ten minutes sa paggawa ng morning routine ko ay naka-ayos na ako.

Simpleng maong na short na tinernuhan ng over-sized tshirt na kulay dilaw ang sinuot ko. Nag-rubber shoes na rin ako at naglagay ng kaonting kolorete sa mukha ko. Napatingin naman ako sa cellphone ko nang marinig kong tumunog ito. Pagtingin ko ay nag-text pala si Kaye.

'Bruha dumiretso ka na lang dito sa lobby. Nandito kami kumakain ng breakfast.' basa ko sa kanyang text message.

Bakit ba kasi hindi niya ako ginising para sabay-sabay na kaming kumain ng almusal? Yung babaeng yun talaga! Aish.

Nag-reply lang ako na bababa na ako bago ko pinasok sa bag ang cellphone. Sinukbit ko lang ito sa balikat ko at agad na akong lumabas ng kwarto para makarating na ako agad sa lobby. Kumakalam na rin ang tiyan ko sa gutom. Paglabas ko ay s'yang pagbukas naman ng pinto sa kaharap ng tinutuluyan naming kwarto ni Kaye kaya natigilan muna ako.

"Oh, Krystal! Bababa ka na?" nakangiting tanong sa akin Seungkwan na s'yang unang lumabas sa kwartong yun. Habang nasa likuran naman niya si Wonwoo at Mingyu na mga basa pa ang kanilang mga buhok at mukhang mga bagong ligo lang sila. Kumunot pa ang noo ko sa pagtataka kung paano niya nalaman ang pangalan ko.

"Ah oo. Nasa lobby na din kasi sila Kaye para mag-almusal." sagot ko at hindi ko na siya tinangkang tanungin kung papaano niya nalaman ang pangalan ko.

Baka nabanggit lang nila Kaye sa kanila. Tipid lang ako na ngumiti sa kanya bago ako dumiretso sa elevator. Sumunod naman yung tatlo sa akin at pagbukas ng elevator ay agad kaming nagsi-pasukan sa loob. Ramdam ko ang awkwardness sa amin at wala man lang nagtangkang magsalita. Napansin ko pa nga si Seungkwan na bigla na lamang natawa ng mahina kaya napatingin na ako sa kanya.

"Pasensya ka na. Ngayon ko lang kasi na-realize kung gaano katahimik yung dalawa kong kasama." natatawang sabi niya kaya kahit naiilang ako sa kanilang tatlo ay natawa na lang din ako ng mahina sa tinuran ni Seungkwan.

Ang weird naman niya.

"Anyway, taga saan pala kayo? Ilang taon ka na? May boyfriend ka na ba?" sunod-sunod na katanungan sakin ni Seungkwan kaya nabatukan tuloy siya nung lalaking mukhang higante. I mean, si Mingyu.

Ang tangkad kasi niya kaya nagmumukha siyang higante para sa akin. Nabibilib din ako sa sarili ko, hanggang ngayon tandang-tanda ko pa rin ang mga pangalan nila. Halos sila rin ba naman ang bukambibig ni Kaye kagabi kaya halos makabisado ko na talaga ang pangalan ng mga kpop idol na 'to.

"Ang daldal mo talaga Seungkwan kahit kailan! Pasensya ka na sa kanya Krystal." naiiling na sambit ni Mingyu at nginitian ako. Ngumiti naman din ako sa kanya pabalik.

"No, it's okay. Ang cute nga niya eh." wala sa sariling sagot ko at hindi ko rin alam kung bakit yun pa ang nasabi ko. Nakita ko pa na biglang nagningning ang dalawang mata ni Seungkwan at bahagya pa niya akong hinawakan sa magkabilang balikat ko para iharap ako sa kanya.

"Pakiulit nga yung sinabi mo, Krystal? Cute ako? Totoo ba yun? Walang halong biro?!" natutuwa niyang sigaw kaya napangiwi ako. Sobrang lakas kasi ng boses niya. Muli na naman siyang nakatanggap ng batok at this time ay si Wonwoo na ang gumawa nun.

"Mapagkamalan ka pa ni Krystal na baliw. Hindi ka ba nakainom ng gamot mo bago ka lumabas ng kwarto?" Wonwoo at hinatak pa si Seungkwan palayo sa akin.

"Sumusobra na kayong dalawa ah?! Pasalamat kayo nandito si Krystal kung hindi.." ani Seungkwan at hindi niya na nagawang ituloy ang sunod niyang sasabihin nang tignan siya ng masama nung dalawa.

SEVENTEEN AND THE LONG LOST ROYAL PRINCESS ✔ | svt fanficWhere stories live. Discover now