KABANATA 76: BEG

1.2K 123 77
                                    

KABANATA 76: BEG

SWEETHEART KRYSTAL's POV

Tinignan ko si Kuya Ace, napakalamig ng tingin niya kay King Adamson bago niya tinuon ang kanyang tingin kay Castriel na halatang hindi inaasahan na mangyayari ito.

"Anong nagustuhan mo sa kapatid ko? Pera ba ang habol mo? Magkano at ng mabigay ko ang halaga na gusto mo." untag ni Kuya Ace at nilabas niya agad ang kanyang cheque at ballpen.

"Ace, enough!" singhal ni King Adamson at sigurado akong umalingawngaw ang kanyang boses hanggang sa labas ng Dining Hall na 'to.

"Hindi pera ang habol ko sa kapatid mo, Prince Ace. May gusto ako sa Prinsesa at totoo ang nararamdaman ko para sa kanya." Castriel at saglit na tumingin sa akin.

"Ang tanong, gusto ka rin ba ng kapatid namin?" Kuya Knight at ngumisi na nakakaloko. Napansin ko din ang pag-ngisi ni Kuya Duke at kinindatan pa ako.

"Boys, wag niyo akong pahiyain sa harapan ni Castriel. Hindi na magbabago ang desisyon ko, ikakasal ang Prinsesa kay Castriel at kung maaari ay sa susunod na araw na sila ipakasal." desididong salita ni King Adamson kaya napa-shrugged ako ng balikat.

"Ayokong ikasal sa kanya. May ibang lalaki na akong gusto. Ako ang may karapatan na magdesisyon para sa sarili ko." hindi ko na napigilan kaya sumabat na ako.

"May nagugustuhan ka na? Sino? Mayaman ba? May dugong bughaw ba siya tulad ni Castriel? Malay ba natin na pipitsugin na lalaki lang ang nagustuhan mo at ginagamit ka lang para kutkutan ka ng pera?" kunot-noong tanong ni King Adamson kaya napatayo na ako dahil sa inis.

"Wag na wag niyong sabihin na pipitsuging lalaki lang si Wonwoo at hindi siya tulad ng ibang lalaki na mukhang pera. Mahal ko si Wonwoo at kung meron mang lalaki na dapat ipakasal sa akin pwes siya yun." mahabang litanya ko at masama ko pang tinignan ang Castriel na yun. Ayokong ikasal sa kahit kanino, si Wonwoo ang gusto ko.

"So, Wonwoo is his name? Magpapa-imbestiga ako tungkol sa kanya----"

"Wag na wag niyong gagalawin si Wonwoo o kahit sino sa mga kaibigan niya. Oras na malaman kong may masamang nangyari sa kanya, malilintinkan kayo sakin." may galit kong pagbabanta at akma na sana akong aalis nang magsipasukan ang mga bodyguards.

"Matigas talaga ang ulo mo. Wala na akong magagawa kundi gawin ito. Sige, ikulong na siya sa kwarto niya. Grounded ka, Princess Sweetheart at lalabas ka lang sa araw ng kasal mo." King Adamson at halos manlaki ang mata ko sa sinabi niya. Hinawakan ako ng dalawang bodyguards sa magkabilang braso ko at sapilitang hinatak.

"Wag niyo nga akong hawakan! Ano ba?!" naiinis kong sigaw. Nagsitayuan na rin sila Kuya Tatum pero kalmado lang si Kuya Ace.

"You are out of your mind, Dad!" Kuya Maxrill at lalapitan na sana ako nang harangan siya ng limang bodyguards para hindi sila makalapit sa akin.

"Boys, you are not allowed to meet her until their wedding day arrives. Whoever disobeys will be punished, understand?" seryosong sambit ni King Adamson at lumabas na ng Dining Hall. Sumunod naman si Castriel na may ngisi sa labi kaya mas lalo akong nainis.

"Don't worry baby girl, everything will be alright. Kami na ang bahala dito basta manood ka na lang ng TV." nakangiting saad ni Kuya Ace sa akin.

"Pero Kuya.. papaano si Wonwoo?" tanong ko at hindi ko na napigilang mapaiyak. Ayokong maikasal kay Castriel at hindi ko rin kakayanin kung sakaling may gawing masama si King Adamson kila Wonwoo.

"As if we will let you marry that Castriel. Don't worry, sagot ka namin." Kuya Duke at muli na naman akong kinindatan. Hindi ko sila maintindihan pero parang may pinaplano sila.

SEVENTEEN AND THE LONG LOST ROYAL PRINCESS ✔ | svt fanficTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon