KABANATA 83: I LOVE YOU MORE

1.1K 112 67
                                    

KABANATA 83: I LOVE YOU MORE

SWEETHEART KRYSTAL's POV

Matapos nila akong samahan lahat sa pagpili ng susuotin kong wedding gown ay agad kong tinawagan si Wonwoo para magpasundo na sa kanya. Kanya-kanya namang paalam ang iba para makauwi na at sila Kuya Ace naman ay may importante pang aasikasuhin sa kompanya. Nakita ko rin sa wakas ang paparating na kotse ni Wonwoo bago ito huminto sa harapan ko kaya tumingin na ako kay Mingyu at Hoshi para magpaalam na sa kanila. Sinamahan pa kasi nila ako dito sa labas ng mall para antayin yung pagdating ni Wonwoo.

"Sige Mingyu, Hoshi salamat." nakangiting sabi ko sa kanilang dalawa. Tinanguan lang ako ng ulo ni Mingyu habang si Hoshi naman ay niyakap ako.

"Mag-iingat kayo." paalala ni Hoshi at tumango lang ako ng ulo. Agad naman akong sumakay sa passenger seat at bumungad sa akin ang nakabusangot na mukha ni Wonwoo kaya natawa ako ng mahina.

"Nagtatampo ka pa rin ba?" tanong ko sa kanya.

Alam ko naman kung bakit ganyan ang itsura niya. Para siyang isang bata na inagawan ng candy sa lagay niyang yan. For sure nagtatampo din siya sa mga ka-members niya dahil sa hindi siya sinama kanina.

"Syempre magtatampo ako. Dapat ako ang kasama mo kaninang tumingin ng wedding gown. Ako dapat ang makakakita kung gaano ka kaganda sa suot mong gown.." mahaba niyang litanya at hindi man lang siya tumitingin sa akin dahil nakatuon ang atensyon niya sa pagmamaneho ng kotse. Napangiti na lang ako ng malawak. Pakshit na malagkit, ang cute niyang magtampo.

"Makikita mo naman ako sa mismong kasal natin diba? Kaya wag ka ng magtampo.." malambing kong sabi pero ngumuso lang siya kaya mas lalo akong napangiti.

Paano ko ba mawawala ang tampo niya sa akin? Aha, alam ko na! Bahagya naman akong lumapit sa kanyang gawi at mabilis ko siyang binigyan ng halik sa pisngi dahilan para umarko ang matamis na ngiti sa labi niya.

"I love you, my hubby. Kahit na sila ang kasama kong mamili ng wedding gown ko, at least sayo naman ako ikakasal diba? Ay wait, kasal na pala tayo." nakangiti kong sabi at mas lalong lumawak ang ngiti ni Wonwoo.

Nagtaka ako ng bigla niyang ihinto ang kotse sa gilid ng kalsada bago siya humarap sa akin para bigyan ng smack kiss sa aking labi.

"Mas mahal kita. Gusto ko lang kasi na maging espesyal ang nalalabing araw bago tayo tuluyang maikasal sa simbahan." sambit niya. Marahan niyang nilagay sa likuran ng tenga ko ang ilang hibla ng buhok ko na humaharang sa aking mukha. Napangiti naman ako sa sinabi niya. Kahit ako rin naman ay gusto ko rin na maging espesyal ang lahat para sa aming dalawa.

"Ang importante kasal na tayo." sagot ko sa kanya at tinanguan niya ako ng ulo.

"Tama ka. Ang importante kasal na tayo at akin ka." Wonwoo at natawa naman ako dahil masyado ng nagiging corny ang sinasabi namin.

Hinalikan niya muna ako sa labi ko bago niya pinagpatuloy ang pagmamaneho ng sasakyan. Papunta kami ngayon sa simbahan kung saan gaganapin ang wedding ceremony namin. Naka-schedule na kami doon pero nagpasya kami ni Wonwoo na tignan ang simbahan.

Sa pagkakatanda ko ay doon kinasal ang parents niya kaya naman nag-suggest ang eomma ni Wonwoo na doon na lang kami sa simbahan na yun ikasal. Simple lang naman ang preparation. Mas gusto ko na kami-kami lang sa araw na yun at ayoko rin na masyadong maraming gastusin. Simple pero maganda kumbaga.

Ilang saglit pa ng makarating kami sa destinasyon namin. Tumingin ako sa labas ng bintana nang makapasok kami sa gate at nakita kong may kalakihan ang simbahan. May iilan din akong nakitang mga bata na naglalaro at ilang madre na pinapanood at binabantayan ang mga bata. Naalala ko yung binanggit sa akin ni Wonwoo, maganda ang simbahan na ito dahil may bahay-ampunan din sila dito.

SEVENTEEN AND THE LONG LOST ROYAL PRINCESS ✔ | svt fanficWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu