KABANATA 48: THAT BOY

1.1K 138 103
                                    

KABANATA 48: THAT BOY

SWEETHEART KRYSTAL's POV

My hair is being blown away by the wind. I heard the strong waves and I can also feel Hoshi's heartbeat. I feel relieved because he's here. Kumalas siya sa pagkakayakap at tinignan ako ng maigi. Ngumiti siya sa akin ng sobrang tamis kaya mas lalo tuloy siyang sumingkit. Hinawakan pa niya ang magkabilang pisngi ko at tumawa siya ng mahina na ipinagtaka ko.

"Bakit ka tumatawa diyan?" nakabusangot kong tanong sa kanya. Bakit ba bigla-bigla itong tumatawa?

"Namumula na tuloy yung ilong mo dahil sa pag-iyak. Ang cute mo talaga!" masigla niyang sagot at mahinang kinurot ang kaliwang pisngi ko. Tinawanan ko na lang tuloy siya nang may maalala ako.

"Siya nga pala.. iniiwasan mo ba ako?" diretsang tanong ko. Ilang araw niya kasi akong hindi pinansin. Ngayon ko lang siya ulit nakausap ng ganito. I just saw him smile at me again and he even hugged me. Parang sa isang iglap ay bumalik ang dating Hoshi na nakilala ko.

"Yup. Iniiwasan kita pero ngayon.. hindi na." he honestly answered kaya mas lalo akong nagtaka. Bakit ba kasi niya ako iniiwasan?

"May n-nagawa ba akong mali kaya mo ako iniiwasan?" halos mautal-utal kong tanong. Bahagya siyang natigilan at tumitig sa akin ng ilang segundo bago siya umiling-iling.

"Wala kang ginawang mali.." sambit niya at marahang hinaplos ang pisngi ko bago ako hawakan sa aking kamay.

"Kung ganun bakit mo ako iniwasan? Alam mo bang nakakatampo ka? Natiis mo akong hindi kausapin at halos mabaliw ako sa kakaisip kung bakit bigla mo akong hindi kinakausap!" magmamaktol ko kaya tumawa na naman siya.

Inaamin ko na napalapit talaga ako kay Hoshi. Siya yung tipo ng kaibigan na palaging nandiyan para sayo at makikinig sa mga sasabihin mo. Si Hoshi ang unang naging close ko sa kanilang labing-tatlo, kay Hoshi ako unang naging komportable.

"Sorry. I just can't really understand myself. Promise, hindi na yun mauulit." Hoshi at dinampihan ng halik ang likuran ng kaliwang palad ko. Ngumiti naman ako at tumango.

"Dapat lang dahil kapag hindi mo ako ulit pinansin, hindi na rin kita papansin." sagot ko na ikinatawa niya lalo. Luminga-linga siya sa paligid bago niya binaling sa akin ang atensyon niya.

"Let's take a walk for a while and besides tayo lang ang nandito. Tinawagan ko na rin sila Seungcheol hyung kanina nung nakita kita kaya baka matatagalan pa sila sa pagpunta dito dahil naghiwa-hiwalay pa kami kanina para mahanap ka namin agad.." saad niya at hinatak na ako.

"Paano mo pala ako nahanap dito?" tanong ko sa kanya habang naglalakad kami sa gilid ng dagat. Sa tingin ko walang masyadong nagpupunta dito.

"Nakasakay ako sa taxi tapos saktong napadaan yung sinasakyan ko dito. Nakita ko rin yung kotse ni Prince Tatum kaya dito na ako bumaba. Nakita kita kaya tinawagan ko na sila Seungcheol hyung na nahanap na kita para hindi na sila mapalayo sa paghahanap. I'm glad na walang masamang nangyari sayo.." paliwanang niya kaya hindi na ako nagtanong pa.

Hawak-hawak ni Hoshi ang kaliwang kamay ko at dinala ito sa bulsa ng suot niyang jacket kaya hinayaan ko na lang siya. Tahimik lang kaming dalawa habang naglalakad. Napaka-fresh ng hangin dito at naririnig rin namin ang huni ng mga ibon.

"May ikukuwento ako sayo kaya makinig ka okay?" basag niya sa katahimikan kaya napalingon ako sa kanya.

"Story? Tungkol saan?" nagtatakang tanong ko.

"Basta. Makinig ka lang." aniya kaya tumango na lang ako sa kanya. Huminga pa siya ng malalim bago siya muling nagsalita.

"It's a story about a girl and a boy who are separated because of tragedy.." panimula niya. Pinaghiwalay dahil sa isang trahedya? Hindi na ako nagtanong at hinintay na lang ang sunod pa niyang sasabihin.

SEVENTEEN AND THE LONG LOST ROYAL PRINCESS ✔ | svt fanficWhere stories live. Discover now