KABANATA 74: SHE LOVES HIM

1.3K 126 86
                                    

KABANATA 74: SHE LOVES HIM

SWEETHEART KRYSTAL's POV

Tulad ng sinabi ni Wonwoo, hinintay ko siyang matapos maligo. Ako lang ang tao dito sa sala kaya naisipan kong magtungo sa kusina. Binuksan ko ang refrigerator kung sakaling meron akong pwedeng lutuin at mabuti na lang ay meron kahit na kakaonti na lang ang laman ng ref nila dito. Mukha kasing hindi pa nakakapag-almusal sila Wonwoo kaya tulad ng nakasanayan ko, nagluto ako ng breakfast nila kahit malapit ng magtanghalian. Simpleng fried rice, fried egg and bacon ang niluto ko. Agad din akong naghain sa lamesa matapos kong magluto.

"Bakit ikaw nagluluto diyan?" salita ng taong pumasok sa kusina. Tinignan ko ito at si Minghao lang pala na bagong ligo. Kasunod naman niyang dumating si Jun na tiningnan ang mga niluto ko.

"Di kasi ako nakatiis kaya pinaghanda ko na lang kayo ng makakain.." sagot ko at ngumiti ng tipid.

"Nag-abala ka pa. Wait, ako na diyan." sagot ni Jun sakin at kinuha ang hawak kong sandok. Hinayaan ko na lang siya at siya na rin mismo ang nagpatuloy sa paghahanda ng pagkain sa lamesa.

"Wow ang bango naman.." Dino na kakapasok lang sa kusina. Sunod-sunod na silang nagdatingan hanggang si Wonwoo ang nahuli habang nagpupunas ng basa niyang buhok.

"Kain na tayo. Mamili na rin kayo mamaya, paubos na yung stocks niyo sa ref eh." sabi ko.

"Buti nalang pinaalala mo. Mamaya pupunta na lang kami sa grocery store para mamili.." sagot ni Cheol sa akin at kanya-kanya naman na silang upo.

"Mukhang masarap ito ah? Sino nagluto? Ikaw Jun hyung?" tanong ni Hoshi. Umiling-iling naman si Jun kaya tumingin si Hoshi kay Minghao pero umiling din siya ng ulo at tinuro ako.

"Ikaw nagluto nito Krystal?" Hoshi at medyo lumaki pa ang singkit niyang mata dahil sa pagkagulat.

"Yup. Hindi ko napigilan sarili ko, nakasanayan ko siguro yung ginagawa ko dati." nakangiti kong sagot sa kanya. Nagtaka ako na parang naluluha si Hoshi at mabilis siyang yumakap sa akin.

"Sobra talaga kitang namiss, lahat-lahat namiss ko. Ang tagal kong nangulila sayo, Krystal. Pati luto mo namiss ko kaya salamat kasi naisipan mong ipagluto mo kami ulit." tila ma-drama niyang sambit at nakatanggap naman siya ng sapok kay Woozi at hinila siya palayo sa akin.

"Ang drama mo talaga Hoshi! Tara kumain na tayo bago pa ako mawalan ng ganang kumain dahil sayo." reklamo ni Woozi at natawa lang ako ng mahina dahil sa pagiging aso't-pusa nilang dalawa. Nagsi-upuan naman kami at bakas sa mga mukha nila ang saya. Tumabi lang sa akin si Wonwoo at sa kabilang gilid ko naman si Woozi.

"Salamat sa pagkain!" malakas na saad ni Dokyeom at nauna na siya sa pagsandok ng kanyang pagkain.

Nagsisandukan na sila at parang mga gutom na nagsikain agad. Walang umimik dahil nakafocus ang atensyon nila sa pagkain. Hindi na rin ako nagsalita at kumain na rin ako. Tanging kutsara't-tinidor lang ang naririnig kong ingay pati ang plato.

"Buti pinayagan ka ni King Adamson na pumunta dito?" basag ni Wonwoo sa katahimikan. Napatingin naman ang iba sa akin pero binalik nila ang kanilang mga atensyon sa pagsubo ng pagkain.

"Tumakas lang ako." sagot ko at nagsihintuan naman silang lahat sa sinabi ko.

"Tumakas ka lang para puntahan kami? Ang sweet mo talaga Krystal.." halos maluha-luhang a sambit ni Hoshi pero nabatukan lang ulit siya ni Woozi kaya natahimik naman siya.

"Baka pagalitan ka ni King Adamson, wag ka ng didiretso sa kung saan-saan kapag uuwi ka na." paalala ni Cheol at tumango lang ako sa kanya.

"There's something wrong? Spill it." Wonwoo at tinanggal muna ang atensyon niya sa pagkain. Yumuko ako kaonti at huminga ng malalim.

SEVENTEEN AND THE LONG LOST ROYAL PRINCESS ✔ | svt fanficWhere stories live. Discover now