KABANATA 60: MAY THE BEST MAN WIN

1.1K 134 82
                                    

KABANATA 60: MAY THE BEST MAN WIN

SWEETHEART KRYSTAL's POV

Just like Seungcheol and Wonwoo said, umuwi din ako agad ng maaga. Naabutan ko silang lahat sa sala nang makapasok ako sa bahay pero hindi lang sila ang napansin ko. Naroon din si Chaeryoung at prenteng nakaupo sa tabi ni Mingyu at Wonwoo.

"Mabuti naman nakauwi ka agad ng maaga.." sambit ni Wonwoo na siyang unang nakapansin sa pagdating ko.

"Krystal noona, tara kain tayo! Madaming pasalubong na pizza at carbonara si Chaeryoung noona." aya ni Dino sa akin.

Napansin ko pa kung paano ako taasan ng isang kilay ni Chaeryoung pero agad yun nawala nung mapatingin sa kanya si Mingyu. This woman, napaka-plastic talaga niya. Ang sarap niyang ingudngod sa inidoro.

"Hindi na, nakapag-dinner naman na ako sa labas. Kumain lang kayo diyan." tanging nasagot ko at nginitian si Dino.

"Wala naman tayong ginagawa dito. Mag-movie marathon na lang kaya tayo!" salita ni Jeonghan at bakas sa boses niya ang pagka-bored.

"Good idea! Tara sa mini-cinema!" Joshua at naunang tumayo. Sumunod naman ang iba at tanging si Mingyu, Chaeryoung at Wonwoo na lang ang naiwan sa sala.

"Let's go, baby!" nakakalokong sabi ni Jeonghan at hinatak na ako paakyat sa hagdan. Nakita ko pa kung paano magkasalubong ang kilay ni Wonwoo at Mingyu pero hindi ko na lang yun pinansin pa.

Sumunod na kami sa iba at agad pumasok sa mini-cinema. This is the first time I've been here and I never thought this room was too big. There was a large and long sofa. The sofa looks like a bed and there is also a large flatscreen TV that is really cinematic. Agad akong naupo sa sofa at nagtaka pa ako kung paano mag-unahan ang labing-tatlo na makaupo sa tabi ko pero syempre naunang nakaupo sa tabi ko si Jeonghan.

"Hyung, ako na lang katabi ni Krystal noona!" nagmamakaawang sabi ni Seungkwan.

"Ano ka chicks?! Dun ka sa tabi ni Vernon!" utos ni Wonwoo dahil siya ang nakaupo sa kabilang gilid ko. Walang nagawa si Seungkwan at nakangusong umupo sa tabi ni Vernon.

"Ano palang panonoorin natin?" Minghao asked at siya ang magsasalang ng panonoorin namin.

"Let's watch about the love story!" excited na suhestiyon ni Chaeryoung.

"It's boring so let's not watch a love story thingy.." pag-kontra ni Woozi na katabi lang ni Jeonghan sa kabila. Kahit kailan talaga si Woozi, well hindi ko naman siya masisisi kung ayaw niya talaga kay Chaeryoung. Ngayon naiintindihan ko na kung bakit.

"How about zombie?" suhestiyon ko at nakita ko kung paano ngumiwi ang mukha ni Chaeryoung.

"Yuck! Kadiri kaya yun!" Chaeryoung.

"Okay, let's watch zombie movies!" Woozi at nginitian ako. Hindi ko tuloy napigilang na mapangiti ng malawak. Syempre siya ang kakampi ko dito.

Pumayag naman yung iba kaya nag-salang na si Minghao ng panonoorin namin bago pinatay ang ilaw. It's a korean zombie movies called Alive. Tahimik lang kaming nanonood at halos hindi naman magkamayaw sa kakasigaw si Seungkwan at Dokyeom.

Gumilid ako ng upo kaya halos nakaharap na ako kay Jeonghan na seryosong nanonood. Bumaluktot rin ang katawan ko dahil sa lamig. Hindi man lang nila sinabi na malakas pala ang aircon nila dito sa mini-cinema nila.

"Nilalamig ka ba?" I heard Wonwoo asked.

Tumango lang ako sa kanya dahil nakatuon ang tingin ko sa pinapanood ko. Maya-maya lang ay naramdaman kong may pumulupot na kumot sa katawan ko pati ang mainit na brasong umikot pa sa beywang ko.

SEVENTEEN AND THE LONG LOST ROYAL PRINCESS ✔ | svt fanficWhere stories live. Discover now