KABANATA 45: GOODNIGHT KISS

1.2K 145 138
                                    

KABANATA 45: GOODNIGHT KISS

SWEETHEART KRYSTAL's POV

Ngumiti siya sakin ng matamis nang matapos niyang kantilan ng halik ang buo kong mukha bago siya lumayo sa akin. Nakahinga na rin ako ng maluwag. Tiningnan niya ako at hindi mawala-wala yung ngiti niya sa kanyang labi. Isang ngiting matamis at kumikislap pa ang dalawa niyang mata. Bakit parang ang saya niya yata? Nawala ang atensyon ko sa kanya nang marinig ko ang pagtunog ng cellphone ko. Agad ko itong dinukot sa bulsa ng suot kong coat at tinignan kung sino ang tumatawag.

"Si Hoshi.." sabi ko kay Mingyu. Hindi ako agad nakakilos nang agawin niya ang cellphone ko kaya tiningnan ko na lang siya at siya na mismo ang sumagot ng tawag.

"Yes hello? Si Mingyu ito hyung. Oo, pauwi na kami ni Krystal. Oo, sige." rinig kong salita niya bago binaba ang tawag.

"Anong sabi ni Hoshi?" tanong ko sa kanya at kinuha ko naman ang cellphone ko sa kanya. Napansin ko pa ang pagbuntong-hininga niya at nagsuot ng seatbelt kaya sinuot ko na rin yung akin.

"Hinahanap na nila tayo." sagot niya at pinaandar na ang kotse.

Niligpit ko na rin ang pinagkainan naming dalawa bago ito ilapag sa backseat. Tumahimik na lang ako at binaling na lang ang tingin ko sa unahan. Napansin ko pa na sinindi ni Mingyu yung radyo kaya nakinig na lang kaming dalawa ng tugtog. Saktong kanta ni Michael Ruff ang naririnig namin, ang More Than You'll Ever Know.

'🎶️Take my hand
We'll walk a while
We'll talk a while
Feel my love
Always there beside you
Be the one
I know you'll tell me everything
You are the one I cherish
more than anything.🎶'

Ang ganda ng kanta at nakaka-relax pakinggan. Gustong-gusto ko ring nakikinig ng mga kanta dahil nakakawala ito ng stress. Para bang sa tuwing nakikinig ako ng mga love song ay parang nagiging isang music video ang bawat galaw o kilos ko. Ay ewan, kung ano-ano na naman ang naiisip kong kabaliwan.

'🎶I love you more than you'll ever know
I love you more than you'll ever see
More than my heart could ever show
I love you more than you'll ever know..🎶'

Sobrang ganda talaga dito sa Seoul lalo na kapag gabi. Hanggang ngayon ay namamangha pa din ako kapag nakikita ko ang nga tourist attractions nila lalo na ang mga pailaw nila dito. Madami rin akong nakitang mga tao na kahit gabi na ay gumagala pa din. Karamihan sa kanila masasaya. Mabuti pa sila parang walang iniisip na problema. Sighed.

'🎶Think of me
And know that
I'll believe in you
There'll always be this
precious time together
With every tear
A love so strong,
No words could ever say
A love to last forever..🎶'

Mingyu took my hand again and intertwined it. Nagtataka ko tuloy siyang tinignan. Why is he like this? Biglang tumambol ang tibok ng puso ko nang dampihan niya ng halik ang likuran ng palad ko. Lihim akong napalunok dahil ngumiti pa siya kahit nakatuon ang tingin niya sa pagmamaneho.

"Diba ang sabi ko sayo na sa akin ka lang tumingin? Wala ka namang makikitang gwapo diyan sa labas." sambit niya at tinignan ako saglit. Hindi ako nakasagot. Takte ano bang isasagot ko? Bakit ba kasi nagiging ganito si Mingyu?

'🎶I love you more than you'll ever know
I love you more than you'll ever see
More than my heart could ever show
I love you more than you'll ever know..🎶'

"Bakit ang weird mo ngayon?" natanong ko na lang sa kanya.

He chuckled and just gave me a winked. Nag-red ang stoplight kaya huminto ang sasakyan. Tumingin siya sa akin at marahang pinisil ang kamay ko. Bakit ba bumibilis ang tibok ng puso ko? Bakit? Hayyst! Para na akong masisiraan ng ulo dito.

SEVENTEEN AND THE LONG LOST ROYAL PRINCESS ✔ | svt fanficWhere stories live. Discover now