KABANATA 52: JEALOUSY

1.2K 135 84
                                    

KABANATA 52: JEALOUSY

JEONGHAN's POV

Nakarating kaming dalawa ni Krystal sa rooftop at naabutan naming silang lahat na nandoon na. Nakaupo na silang lahat at mukhang kaming dalawa na lang ang hinihintay dito. Si Mingyu tahimik na nagba-barbecue sa isang gilid. Kitang-kita ko naman ang nakabusangot na mukha ni Woozi kaya natawa na lang ako sa isipan ko.

"Tara," bulong ko kay Krystal at hinatak ko na siya. Lumapit kaming dalawa kay Woozi at naupo lang sa tabi niya.

"I'm glad you are here too.." sambit ni Chaeryoung at nginitian si Krystal.

Nasa harap namin siya nakaupo at katabi niya si Wonwoo. Ngumiti lang ng tipid si Krystal sa kanya at tinignan ang taong nasa harapan niya. Si Wonwoo na nakatingin din sa kanyang direksyon kaya mabilis na napaiwas ng tingin si Krystal. I'm going to start the show. A show that I will definitely enjoy.

"Here. Kainin mo yan." sabi ko at binigay kay Krystal yung pork belly barbecue na nakapatong sa plato. Narinig ko lang na nagpasalamat siya sa akin at agad itong kinain.

"Gusto mo ba ng kanin, Krystal? Ikukuha kita." tanong ko pa pero napailing si Krystal.

I really want to watch Krystal especially her reaction but I still have to do something. It's really nice to watch her every move. Kahit saang anggulo ko man siya tignan, napakaganda pa rin niyang panoorin.

"Hindi na kailangan, salamat." narinig kong sagot ni Krystal at ngumiti ng matamis sa akin. Tumango-tango lang ako at tinuon ko na lang ang atensyon sa aking pagkain.

"Mabuti dumating din kayo hyung.." rinig kong salita ni Mingyu at nilapag sa lamesa ang mga inihaw niyang pork bago s'ya naupo sa tabi ni Chaeryoung.

Nakita ko din na tumingin siya kay Krystal pero hindi man lang siya binalingan ng atensyon ni Krystal. Okay, I should start my acting skills.

"Ah oo. Pumunta na lang kami dito baka kasi magkaroon ng kababalaghan sa kwarto nitong si Krystal at baka tuluyan kaming makagawa ng baby.." sagot ko dahilan para masamid bigla si Krystal sa kinakain niya.

Mabilis silang nagsikilos at agad na binigyan ng maiinom na tubig si Krystal. Apat na baso ang nakita kong nasa harapan niya ngayon galing sa aming lahat na trese. As in lahat kami ay inabutan namin ng maiinom na tubig si Krystal pero isang baso lang ang pwede niyang tanggapin.

"Uminom ka na ng tubig baka mas lalo ka pang mabulunan.." sabi ko.

Tumingin siya sa akin at napangiti naman ako nang kinuha niya ang hawak kong baso at ininom ito. Pansin ko pa na sumimangot ang mukha nila Wonwoo, Mingyu at Hoshi kaya natawa ako sa isipan ko.

"So, kailan pa nagsimula ito? I mean..yung tungkol sa inyong dalawa?" tanong ni Chaeryoung sa akin.

"It doesn't matter when it started. Ang importante sa lahat ay nandito si Krystal sa tabi ko at ipaparamdam ko sa kanya ang pagmamahal ko sa kanya.." sagot ko at ngumiti. Tinignan ko si Krystal at nakita kong nakatingin din siya sa akin.

"Anong nagustuhan mo kay Krystal? I mean, she's also beautiful so I won't wonder why you like her. Pero alam ba ni Chairman Han na may dinadala kang babae dito or alam ba niya na malalabag mo ang golden rules? Maybe Krystal knows something about that golden rules." sunod-sunod pang tanong ni Chaeryoung.

Pansin ko naman ka natuon na ang atensyon ng lahat sa amin ni Krystal. Pare-parehas nilang hinihintay kung ano man ang isasagot ko sa mga katanungan ng babaeng ito.

"I like her because she was Krystal. I like everything about her and yes, Chairman Han knows that I am bringing a girl here to the house. But don't worry I will also tell him that I like Krystal and I want her to be my girlfriend. Maliban na nga lang kung pangungunahan ako ng iba at gawan kami ng ibang istorya." mahabang sagot ko na ikinatawa ni Chaeryoung.

SEVENTEEN AND THE LONG LOST ROYAL PRINCESS ✔ | svt fanficWhere stories live. Discover now