KABANATA 71: ELEVEN YEARS AGO

1.2K 127 59
                                    

KABANATA 71: ELEVEN YEARS AGO

ACE's POV

Tinulungan ko si Levin na makatayo at agad rin kaming nagtungo kung saan ko iniwan ang kapatid ko pero pagdating namin doon ay wala na siya. Napamura na lang ako ng malutong. Dito ko lang iniwan si Sweetheart pero nasaan na siya?

"Kasama na siya ng Mommy mo.." salita ni Levin at tinuro kung nasaan si Sweetheart at buhat-buhat na siya ni Mommy ngayon. Tumalim naman ang tingin ko nang makita ko si Tito Charles at talagang umaakto siyang nag-alala para sa kapatid ko. Ang ibang mga kasamahan naman ni Levin ay nahuli ng mga pulis.

"I have a plan pero siguraduhin mo lang na hindi mo ako tatraydurin." may diin kong sabi at tinignan si Levin. Napa-shrugged pa siya ng kanyang balikat at tumingin din sa akin.

"Come on, Ace. Nakataya na ang buhay ko sayo." sagot niya. Huminga ako ng malalim at alang-ala para kay Sweetheart ay gagawin ko ang lahat, makasiguro lang ako sa kaligtasan ng kapatid ko.

"Let's go." aya ko sa kanya at naunang naglakad papalayo habang nakahawak sa tiyan ko na may saksak.

"Saan tayo pupunta? Don't tell me pupunta tayo sa Palasyo niyo?" tanong ni Levin. Hindi ko maiwasang kunutan siya ng noo dahil sa sinabi niya.

"I am not crazy to go back to that fucking palace. Tulad nga ng sabi ko, may naisip na akong plano. Tara na baka makita pa nila tayo dito." mahabang sagot ko at pinagpatuloy ang paglalakad.

Wala naman siyang ibang nagawa kundi sumunod sa akin. Hindi ko alam kung anong pumasok sa kukote ko kung bakit binigyan ko pa siya ng pangalawang pagkakataon. Pero kahit tumakas man siya ay alam niyang gagawin ko ang lahat ma-hunting ko lang siya.

"Saan tayo pupunta?" tanong niya at sinasabayan niya na ako sa paglalakad.

"Kay Axel, siya lang ang makakatulong satin para maisagawa ko ang pinaplano ko." I answered while not looking at him.

Nakalabas kami sa abandonadong building at nakarating sa pinakalikod. Axel is my bestfriend and he is one of the richest sons of the Imperial Family. Like me, Axel is also a Prince and our grandparents are best friends. I treat him like a brother and he's also part of my gang.

"Ano palang plano mo?" Levin asked again. Huminto ako sa paglalakad at nilingon siya. Patuloy pa din sa pagtulo ng dugo ang kaliwang mukha niya dahil sa kagagawan ko kanina.

"You will meet Tito Charles and tell them you killed me. We need to make them believe that I am dead." sagot ko na ikinalaki ng dalawang mata niya.

"Baliw ka na talaga! Paano kung mabulyaso?!" singhal niya sa akin at halatang takot na takot siya.

"Hindi tayo mabubulyaso kung magaling kang umarte, Levin. Axel will find a way to convince them especially Tito Charles that I am dead." iritado kong sagot sa kanya.

Nakarating kami sa kalsada at agad akong pumara ng taxi. Halos sabay kaming sumakay para mabilis kaming makarating sa tinutuluyang bahay ni Axel. Sinabi ko lang sa driver kung saan niya kami ibababa bago lumarga ang taxi paalis.

"But how?" Levin at bakas na naman sa mukha niya ang takot at pagkabahala.

"Bakit ka ba natatakot?" naiinis kong tanong. Minsan pa naman hindi ko mapigilan ang pagiging bad temper ko.

"Look, that fucking man will do everything to get your Mom! He's obsessed! If he had to kill, he would. Kayo nga na sarili niyang pamangkin kaya niyang ipaligpit, ako pa kaya na hindi niya kaano-ano?!" sigaw niya at sunod-sunod siyang napamura.

Napansin ko pang patingin-tingin sa amin ang driver gamit ang front mirror at paniguradong nagtataka na ito kung bakit parehas kaming duguang dalawa ni Levin.

SEVENTEEN AND THE LONG LOST ROYAL PRINCESS ✔ | svt fanficWhere stories live. Discover now