KABANATA 29: NIGHTMARE

1.6K 157 84
                                    

KABANATA 29: NIGHTMARE

SWEETHEART KRYSTAL's POV

Natanggal din ang kamay na nakatakip sa mata ko at pagtingin ko ay si Cheol pala ang may gawa nun. Doon ko rin napansin na may suot na si Wonwoo na damit pang-itaas at talagang nag-peace sign pa sakin ang loko. Mabuti naman at nakapagbihis na siya! Agad naman akong niyakap ni Seungkwan nang makalapit siya sa akin at ganun din sila Dino. Pababa na rin si Jeonghan na halata ding bagong gising at lahat sila ay kumpleto na dito.

"Kamusta yung biyahe?" tanong sakin ni Joshua matapos niya akong mayakap.

"Okay lang. Sobrang lamig pala dito." nakangiting sagot ko sa kanya. Nginitian niya din ako at bahagyang ginulo ang buhok ko.

"Krystal noona, namiss kita!" Seungkwan sabay pout. Nabatukan naman siya ni Woozi na nakalapit na pala sa gawi namin. Ang hilig-hilig talagang mang-batok ang nilalang na 'to.

"Tigil-tigilan mo nga yang kaka-pout mo. Mukha kang baka na nakanguso." sabi ni Woozi sa kanya dahilan para mapahalakhak ng malakas sila Vernon at Dokyeom kaya mas lalong ngumuso si Seungkwan.

"So kamusta pala kayo ni Kiro?" nakangiting tanong ni Minghao.

Bigla naman silang natahimik at lahat sila ay tumingin sa direksyon ko. Kapwa sila naghihintay sa kung ano ang isasagot ko.

"Si Kiro?" nagtataka kong tanong sa kanya. Anong meron kay Kiro? Hindi ko agad na-gets si Minghao.

"Nakipagbalikan ba siya ulit sayo noona? Diba pumunta siya sa bahay niyo?" si Dino ang nagsalita kaya naalala ko naman yung araw na nagpunta si Kiro sa bahay namin.

"Ahh yun ba. Hindi naman siya nakipagbalikan sakin. Nagpaalam lang siya sa akin na pupunta na siya ng Manila. Nakahanap daw siya ng trabaho dun." sagot ko na kinatango-tango naman niya. Napansin ko pa ang makahulugang ngiti nila Dokyeom at Vernon na hindi ko mawari kung ano o bakit.

"Bukas niyo na kausapin si Krystal. For sure napagod siya sa biyahe kaya kailangan niya na munang magpahinga." sabat ni Jeonghan.

Doon naman ako nakaramdam bigla ng pagod. Kahit na ilang oras lang ang flight namin nila Kuya Tatum papunta dito ay nakakapagod pa rin pala. At saka nakakapagod din yung graduation namin kanina.

"Alright, take a rest first Krystal." Joshua kaya tumango ako at nginitian lang siya.

"Bukas na tayo mag-usap." mahinang sabi ko kay Seungkwan at pinisil ang left cheeks niya. Wala naman siyang nagawa kundi tumango na lang sa sinabi ko.

"Tara. Ako na maghahatid sayo. Naka-ready na rin yung magiging kwarto mo." aya ni Cheol sa akin at sa kanya naman ako tumango.

For sure magaganda rin ang mga design ng mga kwarto nila dito. Sa labas pa nga lang sobrang ganda na eh, paano pa kaya dito sa loob?

Sumunod naman ako kay Cheol dahil nauna na siyang umakyat sa hagdanan. Nagkasalubong naman ang dalawa kong kilay nang madaanan ko si Wonwoo at nakangisi ito sa akin. Anong problema ng lalaking 'to? Napahinto naman ako sa pag-hakbang nang biglang huminto si Cheol sa paglalakad.

"Ang sabi ko ako ang maghahatid sa kanya. Bakit kayo nakasunod?" nakakunot-noong tanong ni Cheol habang nakatingin siya sa likuran ko.

Agad naman akong lumingon at doon ko naman napansin na lahat sila ay nakasunod sa amin. Lihim naman akong natawa ng makitang pati sila Dokyeom ay lumingon sa likuran nila at lahat sila ay nakatingin na kay Mingyu na siyang nasa pinaka-likuran.

"Nasa akin yung maleta niya." salita ni Mingyu sabay angat sa ere nung maleta ko.

"Sasama ako Cheol hyung. Para makita ko rin yung kwarto niya." nakangiting sabi naman ni Hoshi kaya halos sumingkit lalo ang dalawa niyang mata.

SEVENTEEN AND THE LONG LOST ROYAL PRINCESS ✔ | svt fanficWhere stories live. Discover now